Chapter 14

44 2 0
                                    

Umaalingawngaw ngayon ang beat ng mga party songs na ipinahanda ni Tito Alfonso

At dahil 10pm na ay puro oldies na ang nasa birthday ni Tito at natutuwa ako habang pinapanood sila dito sa cottage. Ang kukulit pero ang cute sumayaw.

Kasama ko rin ngayon dito ang mga kaibigan ko at sina Gabriel at umiinom sila ng beer. Ugh. Ako yung nasusuka sa mga kaibigan ko eh. Ang lalakas nilang uminom. Ang pangit kaya ng lasa

Sila kuya naman ay ganoon din ang ginagawa sa katabing cottage namin at nakikita ko pa silang nagtatawanan. Siguro mga kaibigan nila yan?

"Last shot. I'm going" saad ni Ralph at ininom na nga niya yung beer bago tuluyang tumayo

"Sama mo naman kami. HAHAHAHAHA" saad ni Sean at nagsimula na namang tumawa.

Ikaw na masaya Sean

"Tara na" isa isa na nga silang apat na tumayo at bago pa man sila makapaglakad palayo sa amin ay sumingit na naman tong si Luis

"Mga paps. Saan kayo? Baka gusto niyo kaming yayain? Pero di bale, girls tara na" at hinila niya na nga sina Dyan at Steph at nauna pa silang maglakad doon sa lima

Ahh sige. Iniwan ako dito? Tsk

"I'll be needing a support from you"

"Aray Ralph"

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at bigla niya naman binitiwan ang kamay ko

"Sorry" saad niya at nagpatiuna nang maglakad. Tsk

Pagkarating namin sa dulo ng resort ay nakita ko ang garahe nila at WOW! Literal akong napanganga nang makita ang apat na Polaris slingshot!

"Totoo ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko at naglakad ako para malapitan ang mga ito

"Hindi tayo dyan" saad ni Ralph at muli ay hinila niya na naman ako

"Ilang hila pa sa araw na 'to Ralph?"

"Tsk. Get in"

Sa sobrang mangha ko ay hindi na ako nakapag-reklamo pa. Progen tyrus!

"Sa iyo 'to Ralph?" manghang tanong ko at inilibot pa ang paningin ko sa loob ng sasakyan

"Ninakaw ko lang. Mag-seatbelt ka na. Naiwan na tayo"

"Sabi ko nga wala akong matinong sagot na makukuha sayo. Tsk" umayos na nga ako ng upo at isinuot na ang seatbelt ko dahil baka liparin na ako sa pakakataong ito

"Oh? Akala ko ba nagmamadali ka para maabutan natin sila?" tanong ko sa kaniya nang hindi ko na matanaw ang mga Polaris nung apat sa halip naman na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako "wag kang mag-aalala hindi ko susukahan to."

Nakita ko namang sumilay ang ngisi sa bibig niya at sinimulang patakbuhin ng mabilis ang sinasakyan namin

"PINAGSISISIHAN KO NA RAAAAAAALLLPPPPHHHHHH!!! BAGALAN MOOOOOOOOO!!!" ubos-boses na sigaw ko sa kaniya at todo ang kapit ko sa mga pwedeng makapitan dito

Dinaig pa ata namin yung sumakay ng space shuttle!

"We're here" dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at... bakit puro sasakyan?

"Nakaw lahat ng ya- ARAY!" bigla kong nasapo ang noo ko na pinitik niya "Peste ka Ralllpppphhhhhh!"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"UGH! Tapos tatawanan mo lang akong impakto ka!"

"Oh. Andyan na pala sila. Makakababa ka na. HAHAHAHAHA"

"Baba na talaga ak-"

Akmang bubuksan ko pa lang ang pinto nang bigla niya akong hilahin at... at...

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon