//
~ LOVE's P.O.V
(Lance Oliver Valdez Esguerra
Ako si LOVE. Lance Oliver Valdez Esguerra. LOVE ang initials ko. Ayos nga eh. Parang mas bagay pa yata sa babae yung initials na yun eh. Bestfriend ko nga pala si HATE. Lagi kaming magkasama pati na sa kalokohan. Dynamic duo daw kami yet opposites ang initials ng pangalan namin.
"HATE! Hindi kita maihahatid ngayon ah." tinawag ko sya nung nakita ko syang papalapit sakin habang may binabasa ata sa cellphone nya. Actually, gusto kong magpumilit syang isama ko sya dahil hindi naman talaga ako manliligaw. Kasama ko si Thea. Nagpapatulong ako sa kanya kung paano umamin sa nararamdaman ko para kay HATE.
"Ha? Bakit?" nakapout nanaman sya. Ugali nya yan kapag nagtatampo sya sakin.
"Ahhh, ano. Kasama ko kasi yung nililigawan ko. Gusto mo bang sumama? Kaso baka kasi gagabihin kami eh."
"Ah. Wag na lang. Sige, bye na. I can handle myself." with that, nagwave sya at umalis na. Problema nun? Dati naman lagi syang nagpupumilit sumama kapag may gimik ako eh. Ngayon hindi na. Nakakainis naman. Lagi ko syang hinahatid sa bahay nila na malapit lang naman dito sa school. Baka may mangyaring masama pa dun. Tsk!
"LANCE!" lumingon ako sa likod ko.
"Thea, ikaw pala. Kamusta?" sya si Thea. Yung kasama dapat namin ni Honey ngayon.
"Okay lang naman. Nasan na yung nililigawan mo?"
* SA 711...
"Ok ka lang?"
"Ang tagal tagal ko nang tinatago sa kanya yung nararamdaman ko. Hindi ko maamin na tuwing tinatawag nya ko ng love kinikilig ako at ayoko sya tawaging hate. Minsan nga, dinadaan ko na lang sa karapatan ko bilang isang bestfriend ang mga gusto kong gawin bilang isang boyfriend eh. Ang hirap pala ng ganito. Bakit kasi naging bestfriend ko pa sya? Nahihirapan tuloy akong umaming mahal ko na sya noon pa."
"Maybe its not yet time. Okay lang yan. Maaamin mo din yan sa kanya pagdating ng tamang oras." sabi sakin ni Thea habang tinatapik ang balikat ko.
"Time? Ang tagal naman nyang sinasabi mong time! Malapit na ang graduation. Less than one month na lang. Baka makahanap na sya ng iba or baka makakita sya ng ibang bestfriend tapos makalimutan nya ko. Naiinis na ko sa katorpehan ko. Im being impatient!" T________________T
"Edi diretsohin mo na sya. Umamin ka na. Kung hindi nya tanggapin, move on." ang hirap ng sinasabi ni Thea.
"Pano? Eh--"
"Uy bee! Lance! LOVE!" tumingin ako sa counter ng 711 at tama ako. Galing dun si honey. Lumapit sya samin ni Thea.
"Sya ba yung nililigawan mo bee?" tumingin sya sakin tapos kay Thea.
"Ah oo. Sya si Thea. Thea, sya si Honey. Bestfriend ko." ngumiti naman sya kay Thea.
"Hi Honey! Ahm.. Bakit nga pala Bhie ang tawag mo kay Lance? I know why you called him LOVE. That's his initials but the term bhie? I don't know." medyo mataray ang pagkakasabi ni Thea nun kay Honey.
"Secret! By the way that's BEE. B-E-E. Bubuyog." ngumiti sya tapos nag-peace sign. Nahiya pa syang sabihin kung bakit bee ang tawag nya sakin.
"Ahhh..." wala nang ibang nasabi si Thea at ngumiti na lang sya.
"Bee! Uwi na ko ah. Late na kasi eh. Tsaka, matutunaw tong ice cream."
Late? Ang aga aga pa kaya. 5 pa lang ata. Tumingin ako kay Thea at nagkibit-balikat lang sya. Buti hindi sya nagtaka nung nagtanong si Honey kung sya ba yung nililigawan ko. Nakuha na siguro nya yung ginawa ko kanina dahil sa katorpehan ko.
Hindi ko nanaman naamin sa kanya. Nakakainis. Ang torpe ko naman talaga oh. Ayoko ng patagalin tong sikretong to. Gusto ko ng maamin sa kanya. Pero, paano kung hindi nya pala ko gusto? Sayang naman kasi yung friendship namin at makakaramdam ako na awkward na kapag naamin ko yun tapos tinanggihan nya. I hope magkaron ako ng lakas ng loob na maamin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Inlove :) (COMPLETED!)
Teen FictionMahal ko sya. Hindi ko alam kung paano ako aamin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Paano na lang kung aminin ko sa kanya, baka iwasan nya ko at hindi na nya ko ituring na bestfriend. Pero paa...