~ LOVE's P.O.V.
Ang sarap sa pakiramdam na naamin ko na din sa wakas kay Honey yung totoong nararamdaman ko. After all this years na tinago ko sa kanya yung lihim na pagmamahal ko, sa wakas nasabi ko na din yung totoo.
"Lance.." kumalas si Honey sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinarap ko sya habang hawak yung kamay nya.
"May problema pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala na. Ayusin na lang natin yung magugulo. Yung kay Thea, gusto ko ding kausapin si Kevin. Gusto kong magpasalamat sa kanilang dalawa dahil kung hindi sila dumating satin, hindi siguro natin mararating to."
"Tama, dapat nga siguro simulan na natin yun." sagot ko sa kanya.
"Pero bago yun, tinatawag na tayo. Magsisimula na daw ang practice." sabi nya saka ako iniwang nakaupo sa bleachers. Napailing ako ng nakangiti. Mas masaya ako ngayon kesa noong magbestfriend lang kami.
Masaya ako ngayon kasi alam kong wala akong itinatago kay Honey. Alam kong parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa at kahit anong oras pwedeng maging kami.
Tumayo na din ako at nagpractice para sa graduation. Mas excited ako sa oo ni Honey kesa sa magaganap na graduation. Balak kong ipakilala si Honey sa pamilya ko hindi bilang bestfriend, kundi isang girlfriend. Hihintayin ko yon. Hihintayin natin yun. :)
THE END ~
Maglaalagay pa ba ko ng part 2? XDD
BINABASA MO ANG
Bestfriends Inlove :) (COMPLETED!)
Teen FictionMahal ko sya. Hindi ko alam kung paano ako aamin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Paano na lang kung aminin ko sa kanya, baka iwasan nya ko at hindi na nya ko ituring na bestfriend. Pero paa...