Act on it! :)

280 7 0
                                    

Pagkatapos kumain, nagpasalamat samin si Honey tapos umalis din kaagad. Naging tahimik ako habang magkasama kami ni Thea. May 20 minutes pa naman kasi bago magsimula yung practice kaya nakaupo muna kami sa bleachers.

"Mahal mo talaga sya noh?" napatingin ako kay Thea na parang nagtatanong. Siguro, nakuha nya yung ibig sabihin nung tingin ko kaya hindi na nya hinintay na sagutin ko pa yun.

"Alam ko naman eh. Sabihin mo sakin, ano ba kasing problema?" tanong nya ulit sakin. Naguilty naman ako. Tinutulungan ako ni Thea pero hindi ko sinasabi sa kanya yung tungkol kay Kevin at sa pinsan nya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit.

"Yung pinsan mo kasi.. Tsaka si Kevin, sila na ulit. Nagkabalikan na sila kahapon." sagot ko sa kanya. Nagulat siguro sya.

"OH!? Kahapon lang!? Pano mo nalaman?" tanong nya naman sakin.

"Nakausap ko si Kevin kahapon. Muntik na nga akong masagasaan eh, tapos niyaya nya ko sa 711 para makapag-usap daw kami tungkol kay Honey. Dahil concern ako sa bestfriend ko, sumama ako sa kanya. Nagpapatulong sya sakin na makipagbreak kay Honey. Ayaw daw nyang saktan si Honey pero yun na din ang mangyayari eh." 

"Speaking of Kevin, ayun sya oh." tinuro ni Thea sakin si Kevin na may kausap na ilang teeachers dahil na din siguro sa absence nya. Ayoko ng kausapin sya. Siguro, aayusin ko na lang muna yung kay Honey.

"Gusto mo bang tulungan kitang sabihin yun kay Honey?" tanong ulit nya sakin.

"Paano naman?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung paano sasabihin kay Honey yung tungkol kay Kevin ng hindi sya masasaktan kung mahal nya talaga.

"I'll talk to her. Sasabihin ko sa kanyang hindi talaga tayo tapos ginawa mo lang yun kasi nasaktan ka nung nalaman mong sila na ni Kevin tapos sasaktan ka lang din pala.  Aminin mo na ding mahal mo sya." sagot nya sakin.

"Paano kun--" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang tumayo si Thea at naglakad palayo sakin. Hindi ko alam kung anong unang gagawin dahil nakita kong malapit na si Honey kay Kevin samantalang si Thea ay hindi ko alam kung sino o saan pupunta.

~ HATE's P.O.V.

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Kevin na kasalukuyang nagpapaliwanag sa mga teachers namin. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ko dahil siguradong mapapansin nya ko o maglalakad ba ko pabalik dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.

"HONEY!" narinig ko yung boses ni Thea na tinatawag ako. Tumakbo sya palapit sakin. Tinignan ko yung pinanggalingan nya, kasama pala nya si Lance.

"Oh, ikaw pala Thea. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Sama ka sakin. Dun tayo kay Lance." sabi nya habang tinuturo yung pinanggalingan nya kung saan nakaupo si Lance. "May sasabihin kami sayo eh."

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang malaman yung sinasabi ni Thea dahil baka tungkol sa relasyon nila.

"Uy ano? Tara." tumingin ulit ako kay Kevin na nahuli kong nakatingin pala sakin dahil tapos na syang makipag-usap sa mga teachers. Wala akong ibang choice kundi sumama kay Thea.

"Sige, tara." sabi ko at sumama sa kanya papunta sa tabi ni Lance.

Bestfriends Inlove :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon