HATE's P.O.V.
"Ano na Honey? Ang tagal-tagal ko ng nanliligaw sayo hanggang ngayon hindi mo pa din ako sinasagot. Kung hindi mo nga lang bestfriend yung si Lance baka akalain kong kayo na eh. Sagutin mo na ko. Promise, I'll be a good boyfriend." sana nga kami na ni Lance eh.
"Give me until tomorrow to think about it. Promise! Bukas, 6 am. Magkita tayo sa school. Wala pang masyadong tao dun kapag ganung oras."
Haist! Tama ba tong ginagawa ko? Alam ko namang hindi eh. Hindi ko naman kasi talaga mahal si Kevin eh. Si Lance pa din kasi ang gusto ko hanggang ngayon. Pero may Thea na kasi sya eh. Sorry Kevin ah, kailangan talaga kita eh.
Binaba na ni Kevin ang tawag. 9 na din pala ng gabi. Pinipilit kong matulog pero hindi ko magawa. Si Lance talaga ang pumapasok sa utak ko. Nagseselos ako kanina lalo na nung nakita ko silang dalawa ni Thea na magkatabi sa 711. Gusto ko ring maranasang mahalin ni Lance. Yung love ako ni LOVE. Kahit minsan lang.
"Excuse me boss, you have a text message."
Lecheng alert tone yan! Mamaya ka na.
"Excuse me boss, you have a text message."
O_o magkasunod? Tss. Mamaya na!
Kinuha ko yung picture ni Lance sa ilalim ng unan ko. Sya mismo ang nakipagpalit ng graduation picture namin noong elementary/
Ano ba kasing nagustuhan ko sayo? Ha, Lance? Gwapo ka but you're the typical type of guy. The only hard thing there is, you're my bestfriend. Only bestfriend. I hope you would be my boyfriend someday.
(Click on the video: Bestfriend by Jason Chen)
I still remember when..
I said I'll always be there...
Ever since we were ten...
Tawag? Sa pagkakaalala ko, yan yung naka-assign na ringtone para sa number ni Lance kahit na nga ba hindi sya ganun kadalas tumawag sakin dahil alam ko namang hindi ako ganun kaimportante sa kanya.
Tinignan ko ang oras sa wall clock na nasa kwarto ko. 9:53 na ah. Bakit kaya gising pa sya? Nireject ba sya na Thea? Sana nga. SELFISH! Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag nya na kanina pa nagriring.
"Hello bee!" kunwari ay masaya akong bumati sa kanya sa cellphone.
"Honey! Anong oras ka papasok bukas!?" masayang-masayang tanong nya sakin. Siguro hindi natupad yung dinasal ko. Siguro sinagot na sya ni Thea..
"Uy, Honey! Nandyan ka pa ba?"
"Ah, oo. Maaga ako papasok bukas eh. Bakit? Tsaka ang saya mo ah! Sinagot ka na ni Thea no?" kunwari ay masaya ako pero deep inside I'm wanting to kill that girl.
"Huh? Ah, may sasabihin kasi ako sayong importante bukas eh. Please, magkita tayo. 6 ng umaga sa tambayan nating dalawa." SH*T! Hindi pwede! Kasama ko si Kevin bukas.
"Ha! Ah, ano kasi. Ahm, hindi ko ata kayang pumasok ng ganun kasobrang aga. Siguro, mga 6:15."
"Sige, 6:15. Honey hihintayin kita."
"Sige--" toot! toot!
Bastos! Binabaan ba naman ako ng tawag!? Bakit ba kasi kita nagustuhan eh ang landi mong lalaki ka at ang sama ng ugali mo when it comes to me! Why and how!
Pero, ano kayang sasabihin nun? Lalo akong hindi makakatulog ng may mga ganito akong iniisip. Naeexcite ako sa sasabihin nya kahit na ang kutob ko ay sinagot na sya ni Thea. Pano na lang kung bigla akong maiyak sa sasabihin nya bukas? What will I do para hindi ako mapahiya?
~ LOVE's P.O.V. up next!
BINABASA MO ANG
Bestfriends Inlove :) (COMPLETED!)
Teen FictionMahal ko sya. Hindi ko alam kung paano ako aamin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Paano na lang kung aminin ko sa kanya, baka iwasan nya ko at hindi na nya ko ituring na bestfriend. Pero paa...