Pinaupo ako ni Thea sa tabi ni Lance. Umupo ako sa tabi nya pero medyo malayo sa saktong kinauupuan nya. Baka kung anong isipin ni Thea, diba boyfriend nya si Lance tapos uupo ako ng ganun sa tabi nya. Hindi ko nga alam kung bakit ako pinapaupo ni Thea sa tabi ng boyfriend nya eh. Siguro dahil alam nyang bestfriend ko si Lance.
"Ano ba yung sasabihin mo sakin Thea?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Huy Lance! Sabihin mo na!" nakangiting sabi ni Thea kay Lance. Mas lalo akong nacurious.
"Bakit ako? Ikaw na. Ikaw naman may gusto neto eh." sagot ni Lance sa kanya. Ano kaya yun? Tungkol kaya sa kanilang dalawa yun kaya tuwang-tuwa si Thea?
"Ikaw na!" sagot naman ni Thea kay Lance. Aba, sige! Dito pa sila nag-aaway sa harap ko.
"Ano ba kasi yun? Ikaw na kasi magsabi Thea para hindi na kayo mag-away ng BOYFRIEND mo." pinagdiinan ko pa sa pagkakasabi ko yung word na boyfriend dahil naiinis na ko sa ginagawa nila sa harap ko. Pwede namang sabihin na lang nya sakin ng diretso.
"Hindi ko sya boyfriend Honey.." mahinang sagot sakin ni Thea.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Thea. Naisip ko kaagad na may pag-asa pa ko kay Lance pero baka naman M.U. sila kaya hindi pa tinatawag ni Thea na boyfriend si Lance. Hay, wag ka muna kasing mag-assume Honey.
"May aaminin kasi sayo si Lance.. Diba?" tanong naman ni Thea kay Lance.
"Ano ba kasi yun!?" mataray na tanong ko sa kanila. Naiinis na talaga ako. Bakit ba kasi ayaw nila kong diretsuhin? Ano ba kasing tinatago nila sakin at kailangang ngayon lang nila sinasabi sakin? Tumingin ako kay Lance.
I sighed ng makita kong nakatingin din sakin si Lance. Hindi ko natagalan ang pagtingin sa kanya. Mas lalo lang akong na-iinlove sa seryoso nyang titig sakin.
"Iwan ko muna kayo dito Honey, dun lang muna ako kina Francine ha." umalis si Thea at pumunta sa dalawang babaeng kaklase din namin na lagi nyang kasama dati bago pa sila maging close ni Lance.
"Ano ba kasi yun LOVE?" hininaan ko yung boses ko at inalis ko na din yung inis na nararamdaman ko kanina.
"Lumapit ka muna sakin HATE." request naman sakin ni Lance.
"Magpromise kang sasabihin mo na sakin kung ano yung aaminin mo kapag lumapit ako sayo ah." paninigurado kong tanong sa kanya.
"Oo, promise." pagkasabi nya nun, umusog ako ng konti para magkalapit kami.
"Ano na yun?" tanong ko kaagad sa kanya. Mas mahina at mas malumanay pa kesa sa nauna.
"Dalawang bagay yung aaminin ko. Hindi ko alam kung good at bad news o parehas bad news." sabi nya sakin.
"Ano nga yun. Unahin mo yung sigurado kang bad news." sagot ko sa kanya.
"I was with Kevin. Kagabi and the other night before sya mag-absent. Dumating na si Cess, yung pinsan ni Thea na ex nya. Sabi ni Thea, yung Cess yung pinakamahal nyang babae sa buhay nya. Kahapon, muntik na kong masagasaan. Buti na lang nandun sya." tumahimik sya sandali. Malalaglag na yung luhang namumuo sa mata ko.
"So ibig sabihin ba nun, pinaglaruan lang ako ni Kevin?" tanong ko sa kanya.
"No Honey. That's not what I mean. Minahal ka ni Kevin pero he realized na mas mahal nya si Cess that's why nung bumalik si Cess, hindi na sya nagkaron ng time para mag-explain sayo kasi ayaw na nyang mawala ulit yung babaeng mahal nya." paliwanag ni Lance sakin.
"So, ibig sabihin, kasalanan ko pa kaya ako nasasaktan ngayon?" tanong ko ulit sa kanya.
"No, no. Hindi naman yun yung gusto kong isipin mo eh.." sagot nya sakin.
"Teka nga Lance, bakit ba kasi ikaw ang nag-eexplain nito sakin? Bakit hindi na lang si Kevin!?" tanong ko sa kanya na halos pasigaw na din.
"Sino bang mas gusto mong magpaliwanag sayo nito?" tanong nya sakin. Napaisip ako. At least, kung si Lance nga ang magpapaliwanag sakin nito, may masasandalan ako kung sakaling umiyak man ako. Baka kung si Kevin ang magsasabi sakin nito, iiwan na lang nya ko kung hindi ko intindihin yung reason nya.
"Sige na nga, ikaw na lang." sagot ko sa kanya. Napangisi naman sya na kinainis ko lalo.
"Nakakatawa ka pa rin hanggang ngayon Honey." maikling sagot nya sakin.
"So pinagtatawanan mo pala ko!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Teka, hindi yun katulad ng iniisip mo. Mahal kita kaya naaaliw ako sayo." sagot nya sakin. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano ulit?" Baka naman mahal ka nya kasi bestfriend ka, wag kang mag-assume Honey. Ikaw din ang masasaktan sa huli.
"Mahal kita. Hindi lang bilang bestfriend. I want to be more than your bestfriend, it's so funny. Lagi kitang kasama pero gabi-gabi namimiss kita." sagot nya sakin.
"Linawin mo nga." utos ko sa kanya.
"Mahal kita. Liligawan kita--" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng magreact agad ako.
"HA!? EH PANO SI THEA? DAMN! GANYAN KA PALA LANCE." sigaw ko sa kanya.
"Kalma lang. Teka, si Thea muna. Nagpapatulong sana ko sa kanya na umamin sayo kasi natatakot ako na baka kapag umamin ako, lumayo ka sakin. Pano kung hindi pala parehas yung nararamdaman natin para sa isa't isa? Diba?" pagkumbinsi nya ulit sakin.
"Then you just found yourself na mahal mo na pala sya?" tanong ko sa kanya.
"No. You remember nung morning na sinagot mo si Kevin? Niyakap kita kasi nasaktan ako nung nalaman kong sinagot mo na sya kaya sinabi ko na lang na kami na ni Thea. Dapat talaga aamin na ko sayo nun kaso yun nga, nalaman ko na sinagot mo na si Kevin." sagot nya sakin na nakatingin sa kawalan.
Damn! Hindi ko naman talaga planong sagutin si Kevin nun kung hindi ko lang pinangunahan yung sasabihin nya sakin. Akala ko kasi talaga ang sasabihin nya sakin, sinagot na sya nung nililigawan nya, ni Thea.
"Ok ka lang? Bigla kang nanahimik jan. Wag mo naman akong layuan oh. Please?" pakiusap ni Lance sakin.
"Para kang tanga Lance. Para din akong tanga. Ang tanga tanga natin parehas. Parehas tayo ng dahilan kung bakit hindi din ako makaamin sayo." mas lalong tumulo yung luha ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nya sakin.
"Mahal din kita Lance. Matagal na." maikling sagot ko sa tanong nya. Napatawa naman sya na dahilan kung bakit bigla akong napatingin sa kanya. Hindi ko sya maintindihan. Tumatawa sya pero tumutulo yung luha nya kaya umiyak ako lalo. Umiiyak ako ng nakangiti.
Niyakap nya ko. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko na naalala yung tungkol kay Kevin.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Inlove :) (COMPLETED!)
Teen FictionMahal ko sya. Hindi ko alam kung paano ako aamin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Paano na lang kung aminin ko sa kanya, baka iwasan nya ko at hindi na nya ko ituring na bestfriend. Pero paa...