This </3

262 8 0
                                    

 PLUG MUNA: EXTERNAL LINK! :)

\\

~ LOVE's P.O.V.

Hinatid ko muna si Thea sa street nila bago ako dumiretso sa bahay namin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Tama bang iniwan ko sa ere si Honey para kay Thea kahit alam ko ng iiwan din ni Kevin si Honey? Kanina, nag-iisa lang si Honey. Nung nakatabi ko na sya sa classroom, gusto kong sabihin sa kanya yung tungkol kay Kevin pero sinungitan nya agad ako. Hindi ko na ulit sya pinansin kasi nagtatampo ako sa kanya. Hindi naman sya ganun sakin dati eh. Nung nakita ko sya sa third floor, gustung gusto ko syang kausapin pero nilagpasan nya lang ako nung malapit na ko sa kanya.

Bakit nga ba biglang nagbago yung pakikitungo ni Honey sakin? It all started nung naging sila ni Kevin. Baka pinapalayo na sya sakin ni Kevin o baka naman umiiwas lang sya sakin dahil ayaw nyang mag-away kami ni Thea dahil ang akala nya, kami talaga.

Ano nga ba talagang dapat kong gawin? Naguguluhan ako. Hindi ko na alam kung sinong pipiliin ko kina Thea at Honey. Hindi ko magagawang iwan si Thea dahil naging importante na sya sakin. Marami na syang naitulong sakin. Sa kanya ko ako nakakapag-share ng mga problema ko. Sa kanya ko nasasabi yung mga dapat inaamin ko kay Honey.

Hindi ko din naman pwedeng kalimutan na lang basta si Honey. Sya yung best friend ko ever since. Hindi sya nawala sa tabi ko nung may mga problema ako sa family ko. Lagi syang nandyan kapag kailangan ko ng kasama.

Naguguluhan na talaga ako. Bakit ako yung nasa ganitong sitwasyon..

"LANCE!!"

PEEP! PEEP! PEEP!

Naramdaman kong may humila sakin pabalik.

"Mag-ingat ka pare!" 

Tumalikod ako at nakita ko si Kevin. Tinnulak ko sya na naging dahilan para mabitawan nya ko at maout balance.

"Salamat pare." sabi ko sa kanya na may halong inis sabay talikod at tumawid.

Inis na inis ako sa pagkakakita ko sa pagmumukha nya. Hindi ko na dapat muna isipin sii Thea at Honey. 

"PARE!" tawag nya ulit sakin. Paglingon ko sa likod ko, napansin kong sumusunod sya sakin. Humarap ako sa kanya para alamin kung anong kailangan nya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya ng makalapit na sya sakin.

"Pwede ba kitang makausap? Tungkol sana kay Honey.." sagot nya sakin. Napatingin naman ako sa mukha nya, halatang may kalungkutan dun. Ayoko man, pumayag pa rin ako. Hindi dahil sa itsura nya kundi dahil kay Honey..

Pumunta kami sa 711. Wala na masyadong tao at nagdidilim na din. Bumili lang kami ng gulp at umupo sa isang table na nakaset dun.

"Anong tungkol kay Honey?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin.

"Ayoko syang masaktan. Alam mo naman yung tungkol kay Cess diba? Yung pinsan--"

"Ni Thea." putol ko sa sasabihin nya.

"Oo. Nagkabalikan na kasi kami kanina." napatingin ako sa kanya. "Ano, mahal ko sya. Mahal na mahal.. Mahal ko din naman si Honey eh, pero nagkataon lang na bumalik si Cess at tinanggap ko ulit sya.." 

"Kung mahal mo talaga si Honey, hindi mo na babalikan yang ex mo! Hindi mo sya hahayaang masaktan!" galit kong sabi sa kanya habang nakatingin sa kawalan.

"Bestfriend mo sya diba? Kaya nga nagpapatulong ako sayong makipagbreak sa kanya. Kasi nga, ayoko ngang masaktan sya." paliwanag nya sakin.

"Anong magagawa ko e umiiwas sya sakin?" tanong ko sa kanya. Hindi na ko nakaramdam ng galit kundi pagkainis.

"Sinong nagsabing umiiwas sya sayo?" tanong sakin ni Kevin.

"Nararamdaman ko." sagot ko sa kanya.

Nag-isip kami ng sasabihin kay Honey. Sana pala hindi ko na lang sinabi sa kanya na kami na ni Thea kahit nagkukunwari lang ako. Sana pala hindi masasaktan si Honey.

Next thing I know, pauwi na ko ng bahay. Nag-commute na lang ako dahil gabi na. Hindi din ako makatulog nung gabing yun. Iniisip ko pa din kung paano sasabihin kay Honey yung tungkol kay Kevin at Cess.

Pagpasok ko yun pa din ang nasa isip ko. Napansin na din siguro ni Thea yun habang nakaupo kami sa canteen dahil nagpapractice na lang naman kami ng graduation at wala nang mga klase. Tulala lang ako at hindi ko na ginagalaw ang pagkain ko.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Thea habang kumakain sya sa canteen at ako'y hindi ginagalaw ang pagkain.

"Hindi." maikli kong sagot kay Thea.

"Anong problema?" tanong nya sakin.

"It's about Honey.." napatingin naman sya sa kung saan saka binalik ang tingin sakin.

"Mukha ngang hindi sya okay." sagot sakin ni Thea.

Napatingin naman ako sa tinitignan nya kanina at nakita kong mag-isang nakapila si Honey sa counter para bayaran yung binili nya. Tumayo ako at pumunta sa kanya. Sakto namang nakapagbayad na sya kaya hinila ko sya sa table namin.

"Bakit Lance?" tanong nya sakin na parang naguguluhan sa ginawa ko. Para namang natauhan ako at nag-isip ng sasabihin sa kanya.

"Ahh, sabay ka na samin. Napansin ko din kasi nung mga nakaraan na wala kang kasabay eh." yun na lang ang naisagot ko sa kanya at pinaupo sya sa upuan ko kanina saka kumuha ako ng sariling upuan ko.

Walang nagsasalita saming tatlo. Kapwa kumakain ng tahimik sina Thea at Honey. Ang awkward ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung pano ako makikipag-usap sa mga kasama ko lalo na kung pano kakausapin si Honey.

:D

Bestfriends Inlove :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon