RP- The call

221 10 0
                                    

Tintin POV

Pilit kong iminulat ang mga mata ko na namamaga at sobrang bigat. Napansin ko si Sera sa tabi ko na busy sa cellphone nya.

"Goodmorning" Bati ko dito ngunit di ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya kaya tinulak ko sya ng pagkalakas lakas dahilan ng pagkalaglag nya sa kama.

"Shit, Kristine Arch ano ba?!" Halata sa tono nito ang pagkainis

"May problema ba?" Tanong ko habang umuupo syang muli sa kama

"Haist. Si Blaire kasi.."

"What? Anong meron sakanya?"

"Kanina pa sya tawag ng tawag. Di ko masagot kasi di ko alam ang sasabihin ko. Simula nung nang yari yun di ko na sya na kausap." Malungkot nitong sabi

"Diba yan yung hinihintay mo? Paano kung makipagbalikan na talaga sya at magmakaawa?" Imbis na kausapin nya ko ay lumaki ang mata nito habang nakatingin sa cellphone nya

Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag sabay loudspeaker. Sinubukan nya kong pigilan pero huli na.

"He..hello? Alam kong nakikinig ka." Isang deep husky voice ang bumungad samin. Nilingon ko ang bestfriend ko na mangiyak ngiyak sa narinig nya

"I'm sorry." Muling sabi ng lalaki sa kabilang linya

"Let's talk. Please, wifey." Nagulat ako ng takpan ni Sera ang bibig nya upang hindi marinig ng lalaki ang kanyang hikbi. Napailing nalamang ako

"2 hours na ang nakakalipas simula nung dumating yung sinakyan kong airplane from Cebu, I'm with my family for vacation pero nagpaalam ako na pupuntahan kita at kakausapin." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito

"I'm here.. in front of your house Wifey." Shit?! Is this real?

"Tinanong ko yung babaeng lumabas kanina kung nanjan ka sainyo pero wala ka daw. Umalis ka daw kagabe at di parin umuuwi." Nagcrack na yung boses nya. Don't tell me umiiyak din sya

"I want to surprise you but I end up calling you. Please come here and see me." Nakarinig ako ng mahihinang hikbi mula sakanya

"Kausapin moko Wifey. Nagmamakaawa ako. Magpapaliwanag ako." Nilingon ko ang bestfriend ko na nakatingin sakin. Alam kong nahihirapan sya sa pag ddesisyon kung pupuntahan nya ba ito o hindi..

"Di ako aalis dito hanggat di kita nakakausap. Umulan man o bumagyo dito lang ako, please." Pagmamakaawa nya

"I'm willing to wait because you're worth waiting for my Queen." binaba na nya ang tawag

"Are you going?" Tanong ko

"I'm not.. ready." Tugon nya sabay higa sa kama ko at pumikit

"Haha. Just call me if you're ready to see your King, ihahatid kita." Pinat ko ang balikat nya

bumaba ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng fresh milk at tinapay nag tungo ako sa sala at naupo doon. Napahinga ako ng malalim ng biglang pumasok sa isip ko ang operator ni Minhyuk, tumingala ako upang pigilan ang luhang gusto nanaman pumatak.

"Don't think him Tintin." Bulong ko sa sarili

Lumipas ang limang oras ngunit hindi parin lumalabas si Sera sa kwarto. Tangina, ganun ba sya katagal magready o wala talaga syang balak puntahan si Blaire? Nanjan lang sa kabilang street yung bahay nila oh. Shems!

Napalingon ako sa bintana ng mapansin ang madilim na kalangitan, mukhang malakas na ulan ang babagsak at ilang minuto pa nga ay bumagsak na. Shit.

Nakarinig ako ng ingay mula sa itaas kaya napangiti ako at nag biglang

"Isa.. dalawa.. tatlo." bulong ko

"Tintin! Samahan mokong puntahan si Blaire nagmamakaawa ako." Nauna na sya sa labas kaya sumunod na ako

"Wait! Sera, kailangan natin ng payo---" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumabas na sya ng gate. Magpapasama ba talaga sya o hindi? Illock ko pa tong bahay kasi walang tao. Tch!

Since nauna na si Sera hindi na ako nag atubiling magmadali. Nang mailock ko na ang bahay ay kumuha ako ng dalawang payong para sakin at kila Sera at nagumpisa ng maglakad.

Malayo palang ay tanaw ko na ang dalawang tao na naguusap sa gitna ng ulan. Kailangan bang sa gitna talaga magusap? Putaneszxcv. Pwede namang sumilong e!

lumapit ako dito sakto lang para marinig sila at di nila ako makita.

"Sino yung babaeng sumagot ng tawag ko nung araw na yun?!" Galit na tanong ni Sera samantalang yung lalaki naman ay mahinang tumawa.

"Di ko akalain na yung babaeng yun talaga ang dahilan ng pang bblock mo sakin sa social media, di mo pagsagot ng tawag at text ko." Muli pa itong tumawa

"Fuck Blaire anong nakakatawa? Eh sinabi nya sakin na girlfriend mo sya! Fckyou." Natawa naman ako sa inasal ng besfriend ko. Napakatapang nya pero iniyakan nya ito ng sobra

"Nakalimutan ko naba yung kwenento ko sayong spoiled brat kong pinsan na nagpunta sa bahay namin nung araw na yun." Tumango si Sera na parang aso

"Hawak nya ang cellphone ko buong araw at ayaw ibigay sakin. Ayaw ko naman tong kunin ng marahas dahil minsan lang sila nandun sa bahay kaya pinagbigyan ko na pero di ko alam na yun pala ang gagawin at sasabihin nya." Ngumiti ito ng nakakaloko dahilan ng pagngiti ko din.

So that's the reason.. Hinampas ni Sera ang dibdib ni Blaire na tawa ng tawa habang ginagawa nya iyon.

"Nakakainis kaaa!" sabi nito sabay pout kaya hinila sya ni Blaire at niyakap ng mahigpit

"Sus, okay lang yun. Atleast naging surprise at worth it parin yung pagpunta ko dito sa Manila just to see you diba?" Sabi nya habang nakayakap parin kay Sera. Tumangong muli si Sera na halatang speechless.

"Sinabi ko naman sayo na kahit malayo tayo sa isa't isa at nagkakilala sa mundong puno ng kasinungalingan hinding hindi kita sasaktan. I love you Wifey." Dahil sa sinabing iyon ni Blaire ay nakaramdam ako ng kilig at pagkaingit.

"Sorry kung di ko manlang pinakinggan yung paliwanag mo. I love you too Hubby."Hinalikan ni Blaire ay noo ni Sera na nakangiti at halatang sobrang saya

Maya maya lang ay sabay silang bumahing at nakaramdam na siguro ng lamig kaya nagdesisyon akong lapitan sila at abutan ng payong

"Napakasweet naman. Sa sobrang sweet nakalimutan nyong umuulan at baka magkasakit pa kayo, uso sumilong love birds." Sarcastic kong sabi sabay irap sakanila

"Hmm, Blaire this is Tintin my best friend." Pakilala sakin ni Sera

"Ahh. Lagi kang kweni-kwento ni Sera sakin." Nginitian ako nito isang napaka gwapong ngiti. Shit, di nako magtataka kung bakit mahal to ng bestfriend ko.

Nagbow na lamang ako sakanya ganun din naman sya.

"Tara pasok na tayo sa loob." Sa wakas nagaya narin si Sera dahil nilalamig na ko.

Pagpasok namin ay agad silang inabutan ng katulong nila Sera ng towel upang magpatuyo. Nakiusap na rin si Sera na magluto ito ng mainit ng sabaw upang makain.

"Sera oh." Inabot ko sakanya ang cellphone na naiwan sa bahay.

"Salamat, nga pala Tintin. Asan cellphone mo?" Tanong nya. Si Blaire ay tahimik lang at iniikot ang mata sa bahay nila Sera

"Nandito sa bulsa." Kinuha ko ito at pinakita sakanya

"Inopen ko na yan kanina." Nakangiti nyang sabi. May iba sa ngiti nya dahilan ng pagkunot ng noo ko

Maya maya lang ay bigla na itong nagring kaya kinabahan ako..

Putang---

Minhyuk calling..

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon