RP- Let's talk

225 16 10
                                    

Tintin POV

Humiga ako paharap sa side table ko kung saan nakalagay yung cellphone ko. Binuksan ko ito at nakita ang dami ng missed calls mula sa operator ni Minhyuk.

69 missed calls...

Napairap nalamang ako sa hangin at binasa ang mga gm ng CKR members. Yung text nila nung nakaraan ay denilete all ni Sera kaya di ko nabasa. Tadtad narin ako ng text mula sa OP ni Minhyuk pero di ko binabasa hanggang ngayon.

Napahinga ako ng malalim ng bigla nanamang lumabas sa screen ang number ni Minhyuk.

Minhyuk calling..

Pipindutin ko na sana ang answer button ng may kumatok sa kwarto ko

"Anak.. Nasa labas si Alex, pinaalis ko sya pero nagmamakaawa sya na kausap in ka. Babain mo na para makaalis na sya."

"Hayaan mo sya mama.. aalis din sya!" Sigaw ko kay mama

Sumilip ako sa aking bintana at nakita sya dun. Nilapitan sya ni mama at may sinabi roon. Pumasok na si mama sa loob ngunit di parin sya umaalis. Tumangin sya sa bintana ng kwarto ko kaya nag tama ang mga mata namin.

"Tintin, Wife.. Let's talk." Rinig kong sabi nya. Halata sa mga mata nyang namamaga ang pagsusumamo.

Tumayo ako sa kama ko at lumabas ng bahay. Palabas na ko ng gate ng bigla syang lumapit

"Don't you dare come near me.. di kita kakausapin kailan man." Pagbabatan ko kaya agad sya lumayo. Binuksan ko na ang gate at lumabas.

"Spill." Cold kong sabi

"I'm sor---"

"Kung magsosorry ka di na kailangan tapos na tayo at hindi na maibabalik pa yung dating tayo."

"Magpapaliwa--"

"No need to explain. Nakita mismo ng dalawa kong mata ang pangyayari." Nagulat ako ng bigla syang lumuhod kasabay ng pagiyak nya

"Please, give me one more chance. Nangangako akong di na kita sasaktang muli."

"Tingin mo ganun kadaling magpatawad?" Dahil sa nakikita ko ay lumalambot nanaman ako puso ko sakanya

"Liligawan at gagawin ko ang lahat maging akin ka lang ulit bast bigyan mo lang ako ulit ng pagkakataon hinding hindi ko yun sasayangin." nakatingin sya sakin mata habang umiiyak alam kong sincere sya pero paano si Min-- naah.

"Okay." Tumalikod ako at nag iwan ng mga salita bago umalis

"I'll give you a chance but hindi ko mapapangako na magiging tayo ulit. Siguro pagkakaibigan nalang ang maibibigay ko." Narinig ko ang mahina nyang tawa

"Salamat. Nangangako ako na magiging akin ka ulit Wife." Hindi ko na sya pinansin at pumasok na sa loob. Muli akong umaakyat sa kwarto ko at nahiga.

Kinuha ko ang cellphone ko

Minhyuk calling..

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot.

"Tintin.. Salamat at sinagot mo.." ito ang unang beses na narinig ko ang boses nya pero parang pamilyar ito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko kakawala ang puso ko.

"I know you're mad and I'm sorry." Sorry nalang ba ang maririnig ko sakanilang dalawa?

"ayokong dito mag paliwanag kaya on CKR's meet up. Let's talk..."

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon