RP- Asdfghjkl

268 14 4
                                    

Tintin POV

12:47 na ng madaling araw pero ito parin ako di makatulog. Ba't ko pa kasi sinabi yun~ Aish!

Kinuha ko ang cellphone ka sa kabinet kung saan ko 'to nilagay para di ko mabasa yung reply ni Minhyuk.

Binuksan ko ito at inisscan kung may reply ba si Minhyuk sa text kong 'yon..

"W..wala syang reply?!" naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko

Imbis na magdrama ay binasa ko nalang ang gm nila

From Eunji

Lol, Alam mo yun? May girlfriend na pala sya sa realworld tapos ang lakas pa ng loob nyang manligaw ng OP sa RP world? Edi shing. Kala mo kinagwapo nya yun.

Eunji@CKR

Since wala akong makausap ay nireplyan ko yung gm nya.

To Eunji

Hey, Sinong nagaway sa OP mo? /pout/

---

From Eunji

Si Rapmon kasi. Nililigawan nya ko, tapos dinadamay nya si OP sa panliligaw kaya ayun na inlove si OP kaso nung nag iloveyou na si OP sabi nya "May girlfriend nga pala yung OP ko. Pasensya na." Oh diba? Nakakainit ng dugo? futa!

---

To Eunji

Do you.. love him? Huh, Eunji OP?

---

From Eunji

Yeah. Kahit di ko pa nakikita OP ni Rapmon pakiramdam ko kahit ano pang itsura nya matatanggap ko kasi mahal ko na sya. Sobrang sweet nya, kahit byun yung gms nya pagdating sakin napaka gentleman nya. Lagi nya kong tinatawagan pag di ako nakakareply agad sakanya. He treated me like a princess but he already have his queen.

---

To Eunji

Ano ng plano mo?

---

From Eunji

Dating gawi.. move on kahit di naging kayo.

---

To Eunji

What do you mean about dating gawi?

---

From Eunji

Ano kaba, Halos 2 years na kong nagrrp kaya marami na kong na kilalang ganito kaya sanay na kong masaktan at magmove on.

---

To Eunji

pero di naman porket sanay kana uulit ulitin mo ng masaktan diba? Ano kaba, sanay kana kaya dapat alam mo or kilala mo na yung mga lalaking mmicrohin ka lang.

---

To Eunji

Naah, Ano ka ba naman~ this is a world of roleplayers! You need to pretend that you are brave kahit takot ka, Pretend that you're fine kahit hindi, pretend that you're inlove with each other kahit may iba kang gusto. In this world you need to pretend Bomi.

---

To Eunji

No. Sometimes you need to be yourself in this world Eunji-shi.

---

From Eunji

Be yourself? Haha. Tingin mo tatagal ka sa mundong to kung magpapakatotoo ka? Tsaka, kahit anong iwas mo sa manlolokong OP dito eh makakatagpo ka parin ng ganun. Enebe, part yun ng pagrrp.

---

To Eunji

Part ng pagrrp ang masaktan? Nagpapatawa kaba?

---

From Eunji

Di naman sa part.. let's say hmmm, pag nainlove ka sa operator masasaktan ka. so mas maganda kung susundin nyo yung rules dito sa clan to prevent heart ache.

---

To Eunji

Paano yan?

---

From Eunji

Anong paano yan?

---

To Eunji

Inlove na ko sa OP ni Minhyuk.

---

From Eunji

Umamin kana?

---

To Eunji

Oo kanina lang. Kaso walang reply.

---

From Eunji

Paktay. /facepalm

---

To Eunji

Waeyooooo~

---

From Eunji

Wala naman. Hahaha! Goodluck sa'yo. Goodnight~

Asdfghjkl! Ano ba yun?

Gumulong gulong ako sa kama ko ba't parang kinakabahan ako? Tumingin ako sa kisame.
"Paano pag masaktan ako? Edi double kill." Huminga ako ng malalim

"Tiwala lang Tintin, sabi ng OP ni Minhyuk mahal ka nya kaya maniwala ka." Pipikit na sana ako upang matulog ng biglang tumunog ako cellphone ko

Bumilis ang tibok ng puso ko
"Shit. Kinakabahan ako, sobra." Sabi ko sa sarili habang hawak ang dibdib ko.

Nakatanggap ako ng GM mula kay Minhyuk...

ASDFGHJKL.

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon