RP- Outing

249 14 20
                                    

Tintin's POV

Kinuha ko ang bag ko na dadalhin ko sa outing namin kasama ang Lee family. God, kinakabahan ako kasi after 12 years ngayon ko nalang ulit makikita ang kababata kong si Min.

Napangiti ako habang inaalala ang mga katarantaduhan naming pinaggagawa.

"Gagawa ako ng paraan para makausap kita Tin, pangako hindi kita kakalimutan. Babalikan kita." Ngunit nawala ang ngiti kong iyon ng maalala ang mga katagang sinabi nya sakin bago sila umalis papuntang Korea at dun na nga manirahan.

"Tanda! Ikaw nalang hinihintay! Bilisan mo, im so excited!" Boses mula sa labas ng kwarto ko.

Nagmadali akong lumapit sa gilid ng kama ko at kinuha ang cellphone ko. Tinanggal ko ito sa pag kakachagre at lumabas na ng kwarto.

"Tch." Bungad sakin ng kapatid ko sabay irap pero nginitian ko nalang sya

Lumabas na kami ng bahay at hirap na hirap ang nanay ko sa pagllock ng gate

"Tsk! Ibaba mo muna kasi yang hawak mo ma." Tumawa lang sya at binaba na ang dala nya

"Sorry, excited na kasi ako. Papasok na daw ang van nila dito sa subdivision e." Pagkasabing yun ni Mama at nakarinig na kami ng bosena sa di kalayuan.

Kumaway ang mama ko habang nakangiti ng sobrang lapad. Huminto ang van na iyon sa harap namin at agad na bumaba ang isang maputi at magandang babae na kaseng edad lang ni Mama.

"FRIENDSHIP!!!" Chorus nilang sabi. Nagbeso beso sila at nagtatatalon sa tuwa. Sa pagkakaalam ko ay magbeatfriend sila simula firstyear highschool palang kaya siguro ganyan sila.

"Ito naba si Tin? Napakagandang bata." Puri nya sakin na hindi ko na ikinagulat dahil totoo namang maganda ako. HAHAHAHA!

Lumapit sya sakin at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Nginitian ko sya at binati.

"Hello po Tita."

"Kasyang kasya sayo ang dala kong mga damit na pinamili namin bago umalis sa korea may mga cosmetic din jan." Sabi nya sakin sabay turo sa loob ng van

"Maraming salamat po, si Min nasan po asan?"

"Nasa resort na. Di sya nakasama sa pagsundo dahil tinawagan sya ng manager nya. Naiinis na nga ako e. Naka leave ang anak ko ng ilang buwan pero lagi parin syang tinatawagan nito. Tara at pumasok na tayo sa loob. Wait! Asan ang inaanak kong si Nathan friendship?" Muli sya lumapit kay mama at nagusap na sila

Pumasok na kami sa van. Sinalpak ko ang earphones ko at tumingin sa bintana

OT: It's okay

Narinig ko ang boses ni Minhyuk na kumakanta. Napangiti ako sinabayan ito.

"Tin, gustong gusto ko talagang pumunta ng Korea at maging isang KPOP STAR. Susuportahan mo ba ko?" Tanong nya sakin habang kumakain kami ng icecream

"Oo naman, ikaw pa e bestfriend kita! Basta wag moko kakalimutan! Magtatapos ako ng pagaaral at magiging sikat na engineer." Tinulak ko sya ng mahina kaya natawa sya

"Oo naman. Di kita kakalimutan. Basta wag mo din akong kakalimutan pag sikat ka ng engineer huh."

"Ako magiging #0 fan mo!" Nagtawanan kami at sabay na naglakad

Naaalala ko nung mga panahon na pareho pa kaming nangangarap.

"Tin, babalik na kaming Korea. Matutupad na ang mga oangarap ko." Nilingon ko sya. Kita sa mga mata nya ang saya

"I..iwan moko?" Tanong ko. Unti unting naglaho ang ngiti nya at napalitan ito ng lungkot

"Para sa pangarap ko to Tin. Diba nangako tayo?! Magiging Kpop star ako at ikaw isang sikat na engineer. sabay nating tutuparin yun sa magkaibang bansa nga lang. Dito ka sa Pilipinas ako naman sa Korea." Nginitian nya ko kaya nginitian ko din sya.

Ngayon nga ay isa na syang sikat na Kpop star samantalang ako ay nagaaral at nasa 3rdyear palamang ng kurso kong Industrial Engineering. Natupad nya na ang pangarap nya, pero ang pangako nya sakin mukhang limot nya na. Dahil ang pangako kong magiging #0 fan nya ko ay ginagawa ko naman.

"Nandito na tayo." Bumaba na kami ng van at tumulong ako sa pagbaba ng iba naminh dala. Nagtungo kami sa isang cottage na nakareserve samin. Inikot ko ang tingin sa resort na nerentahan nila tita Kim.

Malaki ito at malawak meron ding playground sa gilid at maraming puno. May tatlong pool dito. May 6th feet pool, kiddie pool and Jacuzzi size pool. Nakaramdam ako ng excitement dahil sa nakikita ko.

"MIN!!!" Dahan dahan kong nilingon ang lalaking tinawag ni Tita Tin. Kasalukuyan itong nakatalikod at mukhang may kinakausap sa cellphone.

Agad nyang binaba ang kanyang cellphone at dahan dahang lumingon samin. Parang nagslow motion ang buong paligid at nakaramdam ako ng kaba, sa mauling ippagkakataon makikita ko na ulit ang kababata kong..

Kpop star na ngayon at idol ko nalang. Handa na ba ko? Handa naba ang puso ko? Kilala at naaalala nya pa ba ko?

A/N: Habang sinusulat ko ito ay nasa gitna ako ng practice namin sa theatre play then pahinga saglit. Sa pahinga kong yun nag skateboard ako tapos na hulog ako, ang sakit sa pwet mga bae. HAHAHAHA! Share ko lang. Happy reading baes.

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon