RP- Her Boyfriend

399 25 16
                                    

Tintin's POV

Dahil sa nabasa kong iyon ay nawala ang antok ko. Di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

Ghad! Ano ba.

"Shemay." Gumulong ako sa kama ko. Tumigil ako at nagsimulang magtype.

To Minhyuk❤

Ahm. Bakit? Nahuhulog kana ba sakin?

---

From Minhyuk❤

Yeah. Can you catch me?

Magsisimula na sana akong magtype muli nang makarinig ako ng sigaw mula sa baba.

"TINTIN!!! NANDITO SI ALEXANDER!!! MAY DATE BA KAYO NITONG BOYFRIEND MO?!" Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga.

Shit. May boyfriend nga pala ako! Ugh! Dali dali akong bumaba para makita sya.

"Oh. Anong ginagawa mo dito?" Naabutan ko syang nakaupo sa sofa namin. Tinignan nya ako at nginitian.

"Gala tayo Wife." Nagpout sya at nagpuppy eyes pa.

"Please? My treat." Dahil sa ginawa nyang yun ay napangiti ako.

"Oo na. Oo na. Magpapalit lang ako. Wait mo ko Hub huh?" Aakyat na sana ako ng hagdan nang tawagin nya ko.

"Wife~ I love you." Yung pagkakasabi nya ng I love you ay pabulong lang kaya di ko narinig pero halata naman yun sa buka ng labi nya

Nginitian ko sya. "I love you too Hub." Pabulong ko ding sabi dahil nanjan lang si Mama sa paligid. Haha.

Umakyat na ko para magpalit ng damit, pagtapos ay muli akong bumaba.

"Ma~ Aalis po kami ni Alexander huh?" Paalam ko

"Don't worry ma. Ibabalik ko po ang inyong anak bago magdilim nang walang galos at sugat. Hahahaha!" Tumawa sya ng pangasar kaya binatukan ko sya

"Makatawa ka parang di totoo yang sinasabi mo huh!"

"Aray naman Wife. Syempre totoo yun." Nagpout ulit sya at inakbayan ako

"Namiss lang talaga kita Wife." Namula naman ako

"I miss you too Hub." Sumakay kami ng Jeep

"Park nalang tayo Hub. Nagccrave ako sa street food eh~" this time ako naman ang nagpout. Kaso bigla nyang pinitik ang labi ko

"Oo na. Wag ka nang magpout di bagay Wife."

"Talaga? Edi pakyu ka Hub." Sabi ko sabay irap sakanya

"Oh talaga ba Wife? Edi pakyu ka din." Pangasar nyang sabi kaya agad ko syang sinabunutan

"Napaka mo talaga Hub!"

"Aray ko Wife~ Sorry na. I love you." Bulong nya sakin

"I love you too Hub."

Hinawakan nya ang kamay ko at tsaka inutusan akong magbayad.

"Bayad po! Dalawang park." Pasigaw kong sabi.

"Dalawang park? Bibilin mo yung park Wife? Mahal yun gagu kulang yung binayad mo. Hahahahaha!" Agad ko syang sinapak sa tyan nya.

"Gagu ka din Hub." Muli nyang hinawakan ang kamay ko

"Joke lang Wife." Sweet nyang sabi.
Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita ang katabi kong mga babae

"Shocks. Ang gwapo naman ng guy na yan. kaso may girlfriend na eh." Kahit di na nila pangalanan alam kong si Alexander ang tinutukoy nila. Duh! Kami lang kaya ang mag boyfriend-girlfriend dito sa Jeep

"Naku girl. Oo nga eh, pero hayaan mo na. Wala namang forever eh." Napahinga ako ng malalim at hinarap silang dalawa

"Excuse me. Alam kong walang forever pero papatunayan namin ng boyfriend ko na meron." Inirap ko silang dalawa

"Para po." Rinig kong sabi ni Alexander. tumigil na ang jeep at hinala nya na ko pababa.

Habang naglalakad kami papasok ng park ay merong napakalapad na ngiti si Alexander sa kanyang mukha.

"Bat ganyan ka makangiti huh?!" Hawak nya parin ang kamay ko. Holding hands ba~ Hihihi.

"Sabi mo kasi papatunayan nating may forever eh. Kakilig~" hinampas ko sya sa braso nya

"Siraulo." Naupo kami sa isang upuan nang park.

"Wait lang Wife huh? Bibilan kita ng Streetfoods. Baka kasi nagugutom na ang anak natin." Sinamaan ko sya ng tingin

"Pakyu ka Hub."

"Pakyu too ka Wife." Sagot nya sabay takbo

Napangiti nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko.

To CKR

Goodafternoon
[RL/OP] @Park with My Boyfriend❤ Namiss ko sya. Hahaha~

Offtext muna si OP. Busy sya kay Hub nya eh.

Bomi@CKR

Sinend ko yun sa lahat, maya maya ay may mga nagreact na.

From Suho

May BF pala OP mo?

---

From Chorong

Ghad? May BF OP mo? /Nagbigti/

---

From Taeyeon

May BF ka Tintin? pano na sya? /miyak/

---

From Minah

Oh? O___O May Boyfriend na ang OP mo? Patay panigurado may magddrama na.

Napakunot naman ang noo ko. Bakit ganun sila makareact? Di ba kapanipaniwala na may boyfriend ako?

Di ko alam kong rreplyan ko pa ba sila. Nagulat ako ng maggm si Minhyuk

From Minhyuk❤

Hi to all. Inactive muna ako ng 1 week. Ang sakit kasi ng puso ng OP ko eh pati ako. /hawak sa dibdib/ Nakakaiyak! Pero okay lang yan , gwapo parin kaming dalawa, at tsaka wala namang forever eh. Magbbreak din sila at magiging kami na rin!

Sa PM baka di ko kayo marereplyan, pero pag sya yung magtext panigurado may reply agad. Crush ko yun eh, may Boyfriend nga lang.

Bye.
Minhyuk@CKR

Napasalubong naman ang kilay ko sa nabasa ko.

Pinapatamaan nya ba ko sa walang forever? Tch!

Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko ng biglang may nag gm.

From Eunkwang

Wooh~ Broken si Minhyuk OP?

@Minhyuk: Ano na brad? Laslas kana. Wala ka namang pagasa dun eh. May Boyfriend na eh~ Hahahaha!

Maiinlove ka na nga lang sa maling tao pa.
Eunkwang@CKR

Ang sakit naman nun. Maling tao daw. Maya maya ay naggm din si Minhyuk.

From Minhyuk❤

Di sya maling tao Eunkwang hyung~ wag mo syang sasabihin nang ganun!

Wag nyong inaaway yung Crush ni OP! Love ni OP yun eh! Pag inaway nyo sya di ko na kayo bati!

Hoy Crush! Magtext ka naman oh! Alam kong busy ka sa Boyfriend mo pero miss na kita eh.

Minhyuk@CKR

Napahinga ako ng malalim. Ako ba yun?

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon