Tintin's POV
Tahimik akong nakatingin sa labas ng van habang bumabyahe kami pauwi. Nilingon ko si Nathan na natutulog sa tabi ko, pagod na pagod ang bata. Haha! Katabi ni Nathan si Minhyuk na natutulog din habang naka earphones.
Nasa front seat naman si Mama at si tita Kim na ang nagddrive.
Muli kong ibinalik ang tingin sa bintana dahilan para nagflashback ang usapan namin kanina.
"Di naman sa masaya akong nakikitang maga yang mata mo dahil sa pagiyak mo nung nakaraan dahil sa gm nya. Pero parang ganun na nga, masaya ako ng iniyakan moko kasi.. Mahal mo na pala talaga ako." Kinamot nya ang batok nya bago ulit nagsalita
"Sabay tayo pumunta sa meet up bukas huh? Tintin?"
Di mapaliwanag na pakiramdam ang meron ako ngayon. Maraming tanong ang nabuo sa isip ko, gustong gusto ko iyong sabihin sakanya ngunit isang tanong lang lumabas dito.
"Ik..aw? Ikaw si Minhyuk ng CKR?" napakamot sya ng batok at kinagat ang low lip nya bago sumagot
"Yep. Ako nga yun." Habang sinasabi nya iyon ay diretso syang nakatingin sakin.
Napansin ko ang dahan dahang pagtulo ng mainit na tubig galing sa mata ko, dali daki ko iyong pinunasan.
"I'm sor--" bago nya matapos ang sasabihin nya ay tumayo na ko
"M..magsswimming na ko." He tries to stop me but he failed.
Di pa ko nakakalayo ay nakarinig na ako ng mga katagang naging dahilan ng pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis.
"Alam kong di kapa ready na pagusapan yun. pero alam kong madami kang gustong itanong kung bakit, paano, kailan, saan at iba pa, handa kong saguting lahat yan bukas. I'll explain everything. Mahal na mahal kita, di magbabago yun operator ni Bomi."
Muli na akong naglakad at lumapit sa pwesto nila mama.
"Nandito na tayo." Sabi ni tita Kim bago ihinto ang van.
"Wag mo ng gisingin sa Nathan ipapabuhat ko nalang yan kay Min papunta sa kwarto nya." Utos ni tita Kim sakin bago pa gisingin si Nathan.
"Min, anak!" Gising nya kay Min habang inaalog ito ngunit hindi ito magising.
"Tanggalin mo po yung earphones nya tita." Nakangiti kong sabi kay tita Kim na agad nya naman ginawa.
"Min, wake up." Dahan dahang minulat ni Min ang mata nya.
"Buhatin mo na si Nathan papasok sa kwarto nya." Utos ni tita Kim bago pumunta sa likod ng sasakyan at tinulungan si mama na ibaba ang ibang mga gamit namin.
Nilingon ako ni Min kaya napaiwas ako ng tingin. Bumaba na ako ng van at tutulong na sana kila mama ng mapansin ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid at nakatingin sakin
"Alexander.." Bulong ko
"Ma, si--" bago pa natapos ang sasabihin ko ay sumagot na si Mama
"Sige na, lapitan mo na sya. Mukhang kanina pa sya jan." Napakunot naman ang noo ni tita Kim at nilingon si Alex.
"Sino sya?"
"Ah, ex yan ni Tintin friendship." Tumango nalang si tita Kim.
Napansin ko naman si Minhyuk na kabababa lang ng van buhat buhat si Nathan.
Nilingon nya ako saglit at lumingon sa pwesto ni Alex. Napansin ko ang mainit na pagtititigan nilang dalawa, omg. May chemistry sila. HAHAHAHAHA! Charooot.
Lumapit na ako kay Alex.
"Anong ginagawa mo ko dito?"
"Kanina pa kong 2pm dito." Malumanay na sabi nya
"So? Sinabi ko bang pumunta ka dito? Tsaka 9:30 na dapat umuwi kana."
"Pero gusto kitang makita at makausap. Trinay kong tawagan ka pero mukhang nakablock parin ang number ko sayo maski sa social media ay nakablock ako. Kala ko ba okay na tayo?"
"Okay? Wala akong sinabi na okay na tayo. Giving you a chance doesn't mean na okay na, hindi ganun kadali magbalik ng tiwala Alexander lalo na kong hindi ko naman talaga alam kung deserve mo ba."
"Okay, naiintindihan ko. May gagawin kaba bukas? Let's have a date." Bago ko pa idecline ang offer nya ay may nauna ng nagsalita sa gilid ko
"No, hindi sya pwede bukas. We have plans for tomorrow." Nilingon ko sya na may nanlilisik na mata.
"Sino ka naman?" Kunot noong tanong ni Alex
"I'm Minhyuk, Kristine's childhood bestfriend/idol/suitor. You are Alex right? Kristine's EX BOYFRIEND?" Talagang diniinan nya yung pagsabi ng ex boyfriend.
Wait! SUITOR?!
"Tch, how about next next day?" Binalik ni Alex ang tingin sakin na nakangiti.
"No.. She's with me tomorrow, next next day, next week, next month, next year, she's with me forever." Nagsmirk si Minhyuk habang karga parin si Nathan.
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Alex.
"Alam mo you dont really deserve second or more chances e." Nang iinis na sabi ni Minhyuk. Gusto ko silang pigilan pero di ko magawa.
"Sino ka naman para sabihin yan?! Wag mo kong inisin, hindi ka si Tintin!" Alam kong gustong gusto nya ng sapakin si Minhyuk pero di nya magawa dahil karga nito si Nathan.
"Sa pagkakaalam ko kasi ang chances ay binibigay lang sa mga taong totoong magbabago hindi sa tulad mo." Napansin ko ang paglabas ni Min ng brown envelope mula sa likod nya iniabot nya ito sakin.
Binuksan ko ito at nakita si Alex sa isang bar kung saan nakapakaraming babae ang nakapalibot sakanya, sa isang picture naman ay may kaakbay syang babae sa mall, ang pangatlong picture naman ay may kasama syang babae sa restuarant. Napakadaming pictures ang naroon at iba't ibang babae ang kasama nya.
Lumapit ako sakanya at marahan itong inabot sakanya.
"Habang nasa relasyon tayo dati, ilang babae ba ang meron ka Alex? Alam mo tama si Minhyuk, you doesn't deserve any chances. Please. Wag kana magpapakita sakin." Paalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko
"Please Tintin.."
"Bitawan mo ko Alex. Nasasaktan ako!" Sinubukan kong pumiglas pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nya sakin
"Hey, bitawan mo sya." Mahinahong utos ni Minhyuk pero di sya pinansin ni Alex.
"You leave me no choice." Nag smirk si Minhyuk bago nya sinapak si Alex gamit ang isa nyang kamay.
Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari, the next thing I knew nakahiga na sa sahig si Alex samantalang ako ay hila hila ni Minhyuk papasok sa bahay habang karga parin si Nathan na ang sarap ng tulog.
Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Wag ka ngang ngumiti habang umiiyak, mukha kang tanga."
"Salamat." Lumapit ako sakanya at niyakap sya mula sa likod nya. Humarap sya sakin at ginulo ang buhok ko.
Naglean sya palapit sa mukha ko at pinunasan ang luha ko.
"Yan na ang last na iyak mo dahil sa Alex na yun. Ang mga susunod na iyak mo ay dahil na sakin, hindi dahil sinaktan kita. Iiyak ka dahil sa saya." Pinitik nya ang noo ko sabay nauna ng naglakad papasok sa bahay.
A/N; Annyeong bae's. Nararamdaman nyo na ba ang ending? HAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Inlove with a Roleplayer
FanficBTOB SERIES #2 [Lee Minhyuk FF] "Hangga't maaari, wag kang maiinlove sa kapwa mo Operator" STATUS: C O M P L E T E D