Tintin's POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa Cottage at nakatingin sa pool kung saan masayang naliligo sila Mama, Nathan at tita Kim.
Nang mapansin kong wala si Minhyuk doon ay mabilis itong hinanap ng aking mata, sa di kalayuan ay nakita ko syang nakaupo habang nagttext ng nakangiti. Psh, katext nya siguro ang kanyang kasintahan.
Tumayo ako at kumuha nalang ng fried chicken sabay subo nito. Haist, ikakain ko nalang to!
"Ate! Kakain ka nanaman?! Lets swim, kaya ka tumataba e." Sigaw ni Nathan
Tinignan ko ang tyan ko at pinat ito.
"Pinaghirapan ko tong ipunin Nathan kaya wag kang ano jan! Magswimming ka at ako kakain, kung saan ka masaya yun ang gawin mo. Okay?!" Galit na sabi ko kaya tumawa lang sya sabay talon sa tubig
Busy parin ako sa pagkain ng kung anu ano ng bigla nalang nag vibrate ang aking cellphone kaya agad ko itong kinuha.
From Minhyuk❤
Goodafternoon chingus!
Kamuuuuuusta?! Hahaha, sorry for being inactive. Inasikaso ko yung issue last day and sorry for what she says.Namiss ko kayo lalo na sya! Hahaha. Ang saya saya ko kasi after so many years nakasama ko syang muli.
I want to talk to her but.. I'm shy shy shy. Hahaha! Masaya naman na kong nakikita sya sa malayuan eh. :)
Btw, don't judge me. Magpapaliwanag ako sa meet up. Bukas na yun right? Seeyaaa!
Minhyuk@CKR
Agad kong pinindot ang reply.
To Minhyuk❤
Landi. -_-
---
From Minhyuk❤
Selos ka naman?
Di ko alam pero bigla akong napangiti sa sinabi nyang yun, wait! Diba galit ako sakanya?!
"Hey! Tintin and Minhyuk! Di ba kayo magsswimming?! Magttext nalang kayo jan pareho?! At mukha pang magkatext kayo huh, pareho pa kayong nakangiti." Sigaw ni tita Kim samin.
Nilingon ko si Minhyuk na nakatingin na sakin kaya agad kong iniwas ang tingin sakanya.
"Hmm. Wait lang tita, pupunta narin ako jan. May.. May.. Katext lang ako." Sagot ko
"Ako din ma, katext ko yung nililigawan ko e. Pwede wait?!" Nakangiti at parang kinikilig na sabi ni Minhyuk sa Mama nya kaya napairap nalang ako sa hangin.
Sarap sabihin na magbbreak din naman kayo!
To Minhyuk❤
Nope, sino ka naman para pagselosan?
---
From Minhyuk❤
Oo nga noh? Sino nga naman ako para pagselosan at iyakan? Namamaga pa mata mo. Hahahaha!
Agad kong kinuha ang salamin sa bag at tinignan ang mata ko, shit! Namamaga pala to?! Wait! Paano nya nalaman?!
To Minhyuk❤
Paano mo nalaman?!
---
From Minhyuk❤
Syempre, alam kong iniyakan mo yung gm last night after your confession. Hahaha!
---
To Minhyuk❤
So?! Anong nakakatawa?! Masaya ka na may nasasaktan ka huh! Tanginamo.
---
From Minhyuk❤
Di naman sa ganun.
Rreplyan ko na sana sya ng naramdaman ko ang pag lapit sakin ni Minhyuk.. Yung totoong Minhyuk huh.
Inangat ko ang tingin ko sakanya at nakangiti itong nakatingin sakin
"Di naman sa masaya akong nakikitang maga yang mata mo dahil sa pagiyak mo nung nakaraan dahil sa gm nya. Pero parang ganun na nga, masaya ako ng iniyakan moko kasi.. Mahal mo na pala talaga ako." Kinamot nya ang batok nya bago ulit nagsalita
"Sabay tayo pumunta sa meet up bukas huh? Tintin?"
Holy..
BINABASA MO ANG
Inlove with a Roleplayer
FanficBTOB SERIES #2 [Lee Minhyuk FF] "Hangga't maaari, wag kang maiinlove sa kapwa mo Operator" STATUS: C O M P L E T E D