FIFTY EIGHT

1K 27 9
                                    

Bianca's POV

(Siguro hindi nyo pa naman sya nakakalimutan :) )

"Ate?"

Pamilyar ang boses na iyon. Pero pinagtawan ko na lang ang sarili ko. "Ano ka ba Bianca? Paano bakit naman yun pupunta dito, hindi na nagagawi ang mga mayayaman sa ganitong lugar"

"Ate?" tawag ulit ng boses ngayon medyo mas malapit na ito. Naisipan kong tumayo at umalis sa lugar nay un kaya naman ayaw kung pumunta ng ganitong oras sa lugar na to, ang dami kung naalala, kung ano-ano pa ang naririnig ko.

"Ate?" tawag nito ulit ngayon sigurado ako na ako nga ang tinatawag dahil kaharap ko na ang babae.

Tinaas ko ang ulo ko para tiningnan kong sino ang tumatawag saakin.

Hindi ako makagalaw ng makilala ko kung sino ang kanina pa tumatawag saakin.

"Ate si Bless to!" pagpapakilala niya.

"Oo alam ko, anong gingawa mo dito?" pagtataray ko sa kanya

"Ate, hindi naman siguro bawal pumunta dito. Public place to."

Aalis na sana ako kaso pinigilan nya ako.

"Ate! Wag ka munang umalis!" pigil niya habang hawak ang isa kong kamay, nakita ko rin ang namamaga niyang mata

"Sige, umupo tayo dun ulit." Yaya ko sa kanya

-------------------------------------------------

"BAkit namamaga yang mata mo?" bungad ko sa kanya, sapagkakaalam ko kasi kahit anong pag pupuyat niyan hindi naman namamaga ang mata niya. Pwera na lang kung umiyak sya.

"Wala to Ate." Sagot niya " Ikaw? Namayat ka ata Ate?"

"Wala rin to, medyo mahina lang talaga akong kumain ngayon."

"Kamusta naman pala sila Jade at Pressy? Si Mama Annie?" tanong niya saakin

"Ayon, excited na silang pumunta sa Amerika" mahinang sagot ko

"Pupunta kayong Amerika Ate?"

"Kailangan eh, baka sakaling doon ako mabuhay."

"Ano ang ibig mong sabihin Ate? May trabaho ka naman dito"

"I have cancer Bless, stage three. Ngayon ko lang din nalaman, hindi kasi nagpakit ang mga sintomas sa first two stage. Buti nga may nag volunteer na pribadong organisasyon na ipagamot ako sa Amerika kaya yun, aalis kami"

"Ate matatawa na ba ako?" tanong niya saakin

Hindi ako sumagot, pero namuo ang mga luha sa mata ko

Maya maya narinig ko ang mahinang hikbi ni Bless o mas dapat ko ata syang tawaging Gabriella.

"Ate, bakit hindi mo sinabi kaagad? Kung hindi pa kita nakita dito wala akong kaalam alam."

"Masaya kana sa pamilya mo, saka hindi mo naman ako kaano ano."

"Ate, parte kana ng buhay ko kuung gusto mo, pwede kung kausapin si Mama at Papa para hindi kana umalis Ate dito kana lang malayo ang Amerika"

"Huwag mo nang guluhin ang mga magulang mo, madaming inaasikaso ng mga yun."

"Kung sabagay," malungkot niyang tugon

"Sige na, uuwi na ako baka naghahanap na sila Mama sakin, ikaw umuwi kana rin baka hinhanap kana ng parents mo." Paalam ko sa kanya

"Ate magpagaling ka, tawagan mo ako kung may kailangan ka baka may maitutulong ako"

Ikaw talaga, ginulo ko ang buhok niya at tumayo na para umalis. Nauna akong umalis habang sya naman ay na iwang nakaupo sa sea wall ng bay.

Kung ano man ang problema ng kapatid ko sana maayos na yun

------------------------------------------------------------------

Kristy's POV

"Pwede nyo na syang iuwi Mrs. Lagdameo, ok nanaman sya eh, ibalik nyo na lang sya next week para matingnan ang paa nya na sinasabi niyang masakit." Sabi ng doctor

Ano ba yan panira naman ang doctor feel ko dito sa ospital eh.

"Sige doc, iuuwi ko na to, mukhang naiinip na to dito sa ospital" sagot ni Tita sabayy tingin sa akin. Nginitian ko naman sya

--------------------------------------

Medyo gabi na ng makarating kami sa Mansyon ko, este bahay nila Tita

Sinalubong kami ng mga katulong.

"Manang nasaan ang mga bata" tanong ni Tita

"Nag mall sila Ma'am, kasama ata si Ma'am Gab" sagot ni Manang?? Nakalimutan ko ang pangalan

"Nag mall pa ang loka!" bulong ko, pero narinig ata ni Tita kaya tumingin sya sakin nag peace sign naman ako, she just smiled back.

Mayamaya biglang dumating ang isang sasakyan siguro nan jan na sila.

At tama nga ang kutob ko, unang pumasok si Jacobo, dala dala ang plastic bag ng national bookstore, sumunod si Ayisha na walang ibang dala kundi ang life size doll na binili sa Toy Kingdom. Inaasahan kong susunod si Gabriella at hindi ako nag kamali.

She looks so haggard.

"Ate, laro tayo, lets dress up my new doll" Yaya ni Ayisha sa kanya

"Ayisha, pagod na si Ate sa sususnod na lang ok?"

She look at me and Tita Dawn in my side. Inirapan ko sya habang si Tita Dawn naman deadma lang.

"Akyat na po ako sa taas" paalam nya pero hindi naman sumagot si Tita Dawn.

The best ka talaga Kristy, unti unti nang nawawala nag amor ng Tita Dawn mo sa dakilang anak niya.

#EvilLaugh

---------------------------------------------

HAPPY HOLIDAYS!! EVERYONE

Thanks for reading 

Till my next Update :)


Revealed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon