Bless POV
It's Saturday.... nag memeryenda kami sa garden kasama ko sina Jacobo at Ayisha. Wala kasi si Mama, nag memeet daw sila ng high school friend nya. Si Papa naman, umuwi sa distrito nya.
"Ate, why you didn't live with us? Did you grow up in States? Ayisha asked
"No, I didn't---- hay paano ko ba ipapaliwanag ang hirap kaya mag English.. help nga .. translator please.
"Ayisha, stop asking. Let Mama and Papa explain that." Agaw ni Jacobo
Masyado lang talagang curious si Ayisha.
"Let's eat na lang." Tanging sabi ko
Afterwards dumating na yung na yung teacher ng dalawa. Kasi si Jacobo nag titraining ng Taekwondo while Ayisha naman is Ballet.
By the way napalitan na pala ang name ko, from Bless, nagging Gabriella Antonia na sya. Medyo mahaba nga lang pero atleast maganda naman.
So ito ako ngayon, nag-iisa sa garden. Liligpitin ko na nga lang tong mga pinagkainan namin total wala naman akong gina gawa.
"Alam mo ba ang chismis?"
"Chismis saan? Chika mo nga sakin"
"Na hindi naman talaga anak ni Sir anton yang si Gabriella. Anak daw yun ni Ma'am Rachel sa naging boyfriend niya dati."
"Talaga? Kung ganun huwag syang umasta na parang princessa dito. Kasi wala naman pala syang karapatan.
-------------------------
Papunta na sana ako sa kusina para ihatid yung pinag kainan namin ng narinig ko ng dalawang kasama namin sa bahay.
Bigla ko naman na alala si Ate at yung mga sinabi niya. Akala ko makaklimutan ko na yun pagnandito na ako.
Pero may mga tao pa rin palang magsasabi sakin ng ganun. Ayoko kasi ng pina- uusapan ako.
Tumuloy ako sa pagpasok sa kusina, nagulat ang dalawa na, pinag-uusapan ako kanina.
"Ay Ma'am Gabriella, nakakahiya naman kayo pa ang naghatid ng mga yan sana iniwan nyo na lang po dun.'
"ok lang po yun. Wala naman po akong ginagawa." Sagot ko
"Kanina ka pa ba jan?" Tanong ni Kristy halos magkasing edad lang kami siguro pinapaaral sya nila Mama at Papa. Tapos every weekends dito sya sa bahay para magtrabaho.
"Hindi kararating ko lang naman."
"Sa Assumption ka rin ba mag-aaral kagaya ng mga anak nila Sir?" Tanong ulit ni Kristy.
"Siguro inaayos pa kasi nila yung mga papeles ko."
"Ang swerte mo nuh? Akalain mo yun, kahit matagal kang nawala, pag balik mo instant yaman kana."
"Hindi naman swerte ang tawag dun. Basta mag-aral ka ng mabuti para balang araw swertihin ka din."
"Whatever!"
Ang bitter naman nito.
Biglang nag ring ang telepono sa sala
"Ako na lang po ang sasagot." Sabi ko doon sa dalawa kong kasama sa kusina, wala nanaman silang planong sagotin eh.
-------------------------------------------------
"Hello po? Sino po sila?
"This is Vivian, Dawn's manager, may I speak to her?"
"Wala po si Mama, Ma'am. Nakipagkita daw po sa high school friend niya."
"This isn't Ayisha? Oh you must be Gabriella! Nice talking to you dear. I hope I can meet you soon."
"Sana po makita ko na rin po kayo Ma'am"
"Bakit mo ba ako tinatawag na Ma'am? Call me Tita ok?
"Sige po Tita."
"Good, pag umuwi na ang Mama mo just tell her to call me back, I have something to discuss with her."
"Ano po yun Tita?" chismosa ko rin nuh?
"About the teleserye project, na inooffer ng Kapamilya sa kanya, I just want to confirm it.."
"Sige po Tita makakarating po"
BINABASA MO ANG
Revealed Identity
FanficMarie Rachel known as Dawn has a big secret in the past. She got pregnant, and she try to hide it from everyone, even on the father of the child, Richard. As years passes she had her own family.She's living happily but the past is still hunts her. W...