FIFTY THREE

865 18 0
                                    

Gabriella's POV

"Hayyyy! Nakakapagod naman ." sabi ni Kristy na nasa likuran ko, matarik kasi yung dinadaanan namin. Kaya medyo nakakapagod.

Humingi sya ng tulong sakin. Pero bago ko pa maibigay ang kamay ko sa kanya hinablot nya na ang buhok ko para doon kumapit.

"Aray ko!" sigaw ko sa kanya,.

"Ang bagal kasi eh." Sabi nya at nauna nang maglakad sakin

"Hindi naman ako si Rapunzel ah, sya na nga tong humihingi ng tulong" bulong ko sa sarili ko.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggan sa dumaan nanaman kami sa isang matarik na daan.

"Ano ba naman to wala bang kotse dito at kailangan pa nating maglakad" Reklamo nya aat tumigil sya at umupo sa isang malaking ugat ng kahoy.

"Kristy naman, palagi na lang tayong tumitigil. Baka mahuli tayo at maiwan dito." Reklamo ko na rin. Napapagod din naman ako ah, bakit sya lang ba?

"Edi mauna sila!" sabi niya

Wala na akong nagawa kundi ang antayin sya dahil kabilin bilinan ng guide na "Always stay with your partners".

Hindi ko namalayan na nakaidlip ako at ganun din si Kristy, dumidilim na din ang langit at mukhang bubuhos ang malakas na ulan. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Reylen at alamin kong nasaan na sila pero walang signal sa lugar.

Mayamaya, biglang pumatak ang ulan na kanina pa gustong bumuhos.

"Ginising ko si Kristy na tulog pa din sa ilalim ng kahoy

"Kristy, gumising ka na! Umuulan na! Kailangan na nating bumalik sa Camp."

Nagising naman sya at halatang nagulat.

"Bakit naman hindi mo ako ginising, kahit kailan talaga bobo ka, nakita mo nang uulan ngayon mo lang ako ginising, hindi mo ba alam na madulas na ang daan pababa."

"Kristy mag-aaway pa ba tayo? Tara na! Baka lumakas pa to?"

"Saka nasaan na ang iba nating kasama? Bakit mo sila hinayaan na umalis at maiwan tayo dito!"

"Alam mo Kristy, hindi ako pumunta dito sa Camp na to para maging Alarm Clock mo at taga hintay kung ano ang susunod mong gagawin. Kaya hindi ko nga alamkung bakit kita hinintay dito. Kung sumama sana ako sa ibang campers kanina, edi siguro hindi mangyayari to sakin ngayon." Sagot ko sakany nakakairita na kaya, kung alam nyo lang.

"Aba, aba.... sumasagot kana? kung sabagay yan naman talaga ang ugali ng mga squatters, Maybe doon kana nakatira kila Tita Dawn at Tito Anton pero yang ugali mo squatter pa din."

"Oo Kristy galing nga akong squatters pero sa pinanggagawa mo, mukhang ikaw pa ang ugaling squatters."

"Lalaban kana? Tingnan natin ang angas mo!" hinablot niya ang buhok ko at ganun din ang ginawa ko.

Kahit ang buhos ng ulan hindi nakapigil saaming dalawa, Ayaw kong umabot sa ganito pero sumusobra na sya, hindi man siguro masama na lumaban paminsan minsan, lalo na at alam kong nasa tama ako.

Sinipa niya ako habag hawak hawak parin ang buhok ko, napaiyak ako sa sakit pero hindi pa rin ako nagpatinag, gumanti ako sa pansipa at medyo napalakas ito kaya natumba sya.

Halos hindi na naming maaninag ang isa't isa dahil sa lakas ng ulan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero nakita ko na paikaika syang naglakad sa dinaan naming kanina siguro babalik sya sa Camp site.

"Kristy, Saan ka pupunta? Madulas ang daan dito na lang muna tayo." Kahit paano hindi ko naman sya pweding iwanan, dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

Revealed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon