Payo #1

751 11 0
                                    

Huwag mag-iinvest ng batsa batsang feelings agad agad. 

Sige ka, baka mabankcrupt ka.

♥  ♥  ♥


June 2010, ilang buwan after kong gumraduate ng college, kung saan saan na kami nagpasa ng resume namin ng kaibigan ko.

Napadaan kami sa isang kumpanya sa Davao at sabi ng friend ko, "Uy, mag-pass tayo diyan!" Sabi ko, "Ayoko. Katabi yan nung kumpanya kung saan ako nag OJT eh". (gusto kasi akong kuning full time employee kaso di ko bet yung management doon kaya iwas ako na magkasalubong landas namin)

Eh kaso mapilit yung kaibigan ko kaya sa huli naglakas loob na akong sumama sa kanya.

Pagdating namin, kinuha na ang mga resume namin at isa isa kaming tinawag para magtest. Nung turn ko na, sinamahan ako ng boss papunta sa PC kung saan ako mag-eexam.

Nung paupo na, napa-dungaw ako sa tapat ng PC ko at...

biglang humangin at nag slow motion habang may nalalaglag na rosas sa paligid....

OMG ANG CUTE NIYYYYYYYYYYYYYYAAA!!!

Siya ata ang dahilan kung bakit ako ginanahan sa pageexam.

Pagkatapos ng ilang araw, nagtext sila at sinabing tanggap ako. SA WAKAS! ARAW ARAW KO NA SIYA MAKIKITA.

First day ko sa trabaho, maliit pa lang yung kumpanya noon kaya isa-isa ako ipinakilala sa mga empleyado.

Naeexcite ako kasi sa kanya na ako ipapakilala.

"Andrea, eto naman si Lemuel." sabi ng boss ko.

"Hi Andrea" tugon ni crush at kinamayan ako

"OMG ANG LAMBING NG BOSES NIYA. ANG BANGO AT ANG LAMBOT NG KAMAY!!!!" sabi ko sa isip ko.

Pagkatapos akong maipakilala, inorient muna ako at sinamahan na kung saan ako uupo.

MY GOODNESS. OMG TALAGA. AKALAIN MO PINAUPO AKO SA TABI NG CRUSH KO. AKO NA ATA ANG PINAKAMASAYANG NILALANG SA EARTH NUNG TIME NA UN.

Nung bubuksan ko na ang PC, nag-hahang! My goodness. So ginawa ko, naglakas loob akong humingi ng tulong kay crush (aba, chance na 'to, walang makakapigil sa'kin!)

"Kuya, paano to??" ang sabi ko..

"Ay napano?" ang sabi niya..

Then, nung gagalawin na niya, umayos bigla!! My gosh napahiya ata ako. Pero dibale atlis nakausap ko siya. Tuloy ang ligaya.

Breaktime, nagbaon ako ng mga biscuits. Syempre inalok ko si crush pero ang sabi niya busog pa daw siya.

At yun ang simula ng paghanga ko kay Lemuel. Tahimik, malakas ang dating, mysteryoso, matalino at mabait.

KAYA DAPAT:

Wag excited mga bro & sis. Hinay hinay lang.

Inhale, exhale.

Crush lang yan.

Pareho kayong kumakain ng kain.

Kilalanin mo muna bago ka mag-invest ng feelings. Madalas gwapo/maganda lang talaga siya. Ang problema kasi, sinasabi natin na "CRUSH LANG" pero kung maka-asta tayo eh daig pa ang jowa.

 ♥ ♥ ♥ 

Song of Solomon 2:7 : Don't excite love, don't stir it up, until the time is ripe and you're ready.






Crush TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon