Wag mong gawing solar energy si crush. Hindi ka lantang halaman na ma-eenergize twing makikita mo siya.
♥ ♥ ♥
Everything is brighter when he's around...
Charot!
Pero, totoo naman diba? Napaka-plastic mo na lang kung idedeny mo yan. Yung bang kahit sobrang BV mo na, masilayan mo lang siya, daig mo pa nanalo sa lotto. Yung sobrang tamad mong pumasok sa school/opisina pero sa t uwing maalala mo na makikita mo siya that day, bigla gigising ang diwa mo. Yung feeling na nasa isang restoran ka tapos sobrang gutom mo na tas nakita mong parating na sayo yung inorder mong ulam. Ganung ganun yung nararamdaman ko pag nakikita ko si Lemuel. Siguro kung pagkain siya, maihahalintulad ko siya sa Chopseuy. Di lang dahil paborito ko yun pero dahil sobrang healthy pa para sa kalusugan. Hihi..
Teka, ano nanamang kalandian ito?!!
Okay. Time for a real talk. Yes, he can be your inspiration and all, pero paano kung nawala na siya? Edi lagi kang walang gana? Siguro instead na gawin mo siyang energizer, pwede mo na lang siguro siyang ituring na isang napakagandang bulaklak. Hahayaan mo lang siyang mag-grow sa garden mo kasi alam mo na kapag pinitas mo siya, more or less, 1 week na lang ang itatagal niya unlike kung hahayaan mo lang siyang magbloom atleast may chance ka pang makita kung gano siya kaganda habang tumatagal. Pag pray mo lang yang nararamdaman mo. Sabihin mo kay Lord lahat lahat. Dahil si Lord, interesado yan sa lovelife mo. Malay mo ibigay sayo!
Pero kung hindi.... Aba, may mas better na darating. Tandaan mo, hindi magno"NO" si Lord kung wala siyang naka-reserba na mag-eexceed sa expectations mo. Si Lord pa? ^_^
♥ ♥ ♥
Lamentations 3:25 The LORD is good to those who wait forhim, to the soul who seeks him. },
BINABASA MO ANG
Crush Tips
ChickLitIlang beses ka na bang umaasa na posibleng ma-inlove sayo ang crush mo? Posible. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ilang ulit ka na bang nag-effort na mag-papansin sa kanya pero kahit anong gawin mo feeling mo naka-invisible cloak ka? TAMA NA YA...