Ang crush, parang yakult yan. Tuwing nakikita mo siya, everyday, okay!
Pero hinay hinay lang ha? Baka naman mapasobra ka at sumakit ang tiyan mo.
♥ ♥♥
Kahit gaano ka BV ang araw ko, laging nagiging GV basta masilayan ko lang siya. Pero bakit ganun? Kahit likod lang niya nakikita ko kilig na kilig pa rin ako. Tsaka tuwing dadaan siya sa harap ko malalanghap ko yung amoy niya. Ang bango! Amoy baby! Gusto ko tuloy siyang maging baby! Kaso nasanay ako masyado na nakikita ko siya lagi kaya twing absent si Lemuel daig ko pa ang lantang gulay sa sobrang lungkot. Twing makikita ko siya sasabihin ng mga kaibigan ko "Andrea iba talaga yung ngiti mo pag nakikita mo si Sir Lemuel ah?" Di ko man nga alam na ganun eh. Siguro pag may gusto ka talaga sa isang tao kahit gaano mo itago, lalabas at lalabas rin ng kusa. Ayan kinikilig nanaman ako. Enebeyeeeeen..
Pero gayun pa man, kahit anong bagay na sobra eh masama. It's okay to have a crush pero not to a point na ina-idolize mo na. Kung feeling mo kulang ang isang araw mo, dapat ang dahilan nun eh di mo masyado nakausap si Lord, hindi dahil sa isang tao na di naman pansin ang worth mo. Bago ka maghanap ng someone na "KUKUMPLETO" sa'yo, aba dapat kumpleto ka muna kay Lord. Dapat buo ka na bago ka pa makipag-relasyon para kung 'di man kayo talaga sa huli, eh buo ka pa rin at di mo masasabing broken ka dahil alam mo na God makes all things work together for our good. Romans 8:28
♥ ♥ ♥
Proverbs 3:6 : In everything you do, put God first, and he will direct you and crown your efforts with success.
BINABASA MO ANG
Crush Tips
ChickLitIlang beses ka na bang umaasa na posibleng ma-inlove sayo ang crush mo? Posible. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ilang ulit ka na bang nag-effort na mag-papansin sa kanya pero kahit anong gawin mo feeling mo naka-invisible cloak ka? TAMA NA YA...