Si crush, di artista para pagpantasyahan mo.
Kaya wag mo sayangin ang oras mokaka-stalk sa kanya sa internet. Sayang ang kuryente.
♥ ♥ ♥
Circa 2010
"Di sociable si Lemuel. Wala siyang Facebook at Twitter" laging sambit ni Sir Greg.
"Hay, sayang!!! Dito lang talaga sa office ang chance ko para makita siya." Takot naman kasi akong maginitiate ng usapan dahil obvious sa akin pag gusto ko ang isang tao kaya nakuntento na lang ako sa patingin-tingin, pasulyap sulyap ko sa kanya.
Circa 2012
Isang araw nalaman ko aalis na si Lemuel. Magreresign na siya. BAKIT!! Aalis siya na di man nalalaman na crush ko siya feeling ko kasi pag nalaman niya baka ganun pa rin nararamdaman niya sa akin (oo ganyan ako kailusyonada, noon!). Ayun, umalis siya at sobra akong nanghihinayang bakit di ako nakipagclose sa kanya.. T.T Nagpa-pizza pa nga siya nun eh. Yung akin di ko kinain gusto ko kasi remembrance.
Yun rin ung time na pinagkalat ko sa mga kaibigan ko na crush ko siya at malungkot ako na aalis na siya...
Kauwi ko ng bahay, sinubukan kong isearch siya sa internet. Gusto ko malaman kung wala nga ba siyang social media.
"Lemuel Roque"
Alright!!! May lumitaw!! Ang saya ko dahil meron nga!!! Pero ang problema....... Sobrang nakaprivate ang profile niya. Hindi ko man lang pwedeng send-an ng friend request. May twitter pero walang tweets! Ilang oras kong hinahanap pero yun lang ang napala ko.
Pero di diyan nagtatapos ang paghahanap ko. Isa akong napaka positibong tao kaya, Never say die ang motto ko! Sa kakahanap ko, natuklasan ko ang mga page ng mga kapatid niya. Yehet! Pwede na 'to! Pagkakita ko, OMG nakapublic mga pictures!! Sobrang galak ang naramdaman ko dahil parang worth lahat ng oras na ginugol ko sa paghahanap. Feeling ko mas nakilala ko siya dahil sa mga nakita ko at lalo ko siyang nagustuhan dahil napaka-family oriented niya. :")
♥ ♥ ♥
Men initiate, Women respond.
1 Corinthians 11:7-9: For a man ought not to cover his head, since he is the image and glory of God, but woman is the glory of man. For man was not made from woman, but woman from man. Neither was man created for woman, but woman for man.
BINABASA MO ANG
Crush Tips
ChickLitIlang beses ka na bang umaasa na posibleng ma-inlove sayo ang crush mo? Posible. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ilang ulit ka na bang nag-effort na mag-papansin sa kanya pero kahit anong gawin mo feeling mo naka-invisible cloak ka? TAMA NA YA...