Payo #6

186 2 0
                                    

Huwag gawing kape si crush dahil di mo napapansin, na-aadik ka na at feeling mo wala kang lakas at kulang ang isang araw kapag 'di mo siya nakikita.

   ♥ ♥ ♥ 

Lagi akong maagang dumarating sa opisina dahil gusto ko siyang makita agad. Kumbaga, gusto ko kumpleto agad araw ko. Sa twing darating ako at wala pa siya, di ako mapakali at sa twing tutunog ang pintuan, mapapa-angat ako sa kinakaupuan ko kasi baka sakali siya na un.

8:45 am wala pa siya...

9:00 am wala pa siya...

Hala, di ba siya papasok? May sakit ba siya? Tapos bigla ang lungkot ko na...

09:15 am AYAN NA SIYA!!!! Feeling ko ang bipolar ko kasi bigla ang taas ng energy ko uli. Taas ata ng caffeine content nitong crush ko eh. 4 years ko na siyang gusto pero same pa rin tama ko sa kanya.

KAYA DAPAT:

Huwag ganun! With or without your crush, kelangan happy ka. Kelangan grateful ka kasi biniyayaan ka nanaman ng another day ni Lord para mas ma-appreciate ang mga tao sa paligid mo. 

Syempre... lalo na si crush. :p

   ♥ ♥ ♥ 

Proverbs 11:25 : Whoever refreshes others will be refreshed.  



Crush TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon