Iwasang mag-day dream. Wag kang advance. Crush mo lang tapos kasal agad iniisip mo?
In short, wag ilusyonada beh!
♥ ♥ ♥
Diyan tayo magaling eh, sa pagde-day dream.
Madalas pag nasa jeep/kotse, tapos traffic. Iniisip ko na ang gusto kong mangyari para sa araw na iyon. Bigla ko na lang maiisip na sa wakas, ngayong araw na 'to baka mapansin na niya ako.
Mag-googood morning, yayayain ako magkape, hihingin ang number ko, magkakamabutihan kami, tatanungin ako kung pwede siyang manligaw, sasagutin ko, mag-proprose.... Haaayyy... Sarap!
Oh, teka teka san ka na napunta? At di mo na napansin na lumagpas ka na sa dapat mong babaan. Wag kang magkaila, I'm sure ginawa mo na 'to. Pero sino ba naman nga ang taong di pa nakaranas nito diba? Ang sarap kaya sa feeling. Yung bang tipong feeling mo posibleng mangyari, diba!!
Well, wala naman masamang magilusyon basta mulat ka sa katotohanan. Dahil tandaan mo, kung kayo talaga ang nakatadhana sa isa't isa, di mo na kelangan magpapansin pa kasi mapapansi't mapapansin ka niya, no matter what the situation is and no matter how you look that day. ^_^
♥ ♥ ♥
Proverbs 26:19 : He who tills his land will have plenty of food, But he who follows empty pursuits will have poverty in plenty.
BINABASA MO ANG
Crush Tips
ChickLitIlang beses ka na bang umaasa na posibleng ma-inlove sayo ang crush mo? Posible. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ilang ulit ka na bang nag-effort na mag-papansin sa kanya pero kahit anong gawin mo feeling mo naka-invisible cloak ka? TAMA NA YA...