20. Princess

19.6K 440 60
                                    

Tomorrow

Its been a month since everything mess up.

Ang nasa business trip lang na si Spade ay hindi ko alam kung bakit ngayon ay hindi pa din nagpapakita. Well, hindi ko naman din s'ya masisisi. If I were him, I will crawl into the deepest of the universe and I will hide myself there forever.

"Rise and shine, Audrey. Your unit looks like a big garbage can. Disaster." iritadong sambit ko habang binubuksan ang kurtina ng kwarto ni Audrey.

Mukhang uminom na naman s'ya kagabi at ilang linggo na din s'yang di pumapasok sa trabaho n'ya.

Hindi ko alam kung bakit matapos ng lahat ay nagawa ko pa ding mag-stay. Galit ako oo pero kahit masakit aminin ay napalapit na sa akin ang babaeng ito at naiintindihan ko ang nagawa n'ya.

"Sorry." paos na bulong n'ya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sa tuwing magkasama kami ay ilang beses n'yang nababanggit ang katanggang y'un na sobrang naiirita na akong marinig.

I know she's sorry for everything pero I think her sorry wouldn't fix anything. After that night, ang hirap ng ibalik ng lahat sa dati.

~flashback

"Audrey?" gulat na sabi ko ng makita ko si Audrey na dumating sa unit ko. Punong-puno ng luha ang mga mata n'ya.

"Princess... I'm sorry. Sorry."

Pero mas nagulat ako sa asal n'ya. Lumapit ako at niyakap s'ya.

"I need to tell you something." seryosong sambit nya at lumayo sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako natakot . Sa tono ba ng boses n'ya o sa susunod n'yang sasabihin. Or maybe both.

Lumayo pa s'ya at napaupo sa sahig. "I'm sorry that I lied to you, to everyone. I'm sorry." humihikbing sabi n'ya.

Gusto ko s'yang sampalin dahil wala akong maintindihan sa sinasabi n'ya pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"I'm so sorry. Wala akong amnesia, Princess. I lied to all of you."

Mas lalong lumakas ang pag-iyak n'ya pero para akong nabingi dahil sa sinabi n'ya. Nakatitig lang ako sa kan'ya at tulala s'yang pinapanood.

"Prank ba 'to, Audrey? May camera ba? Malayo pa naman birthday ko ah pero may gantong surprise na." pilit na tawa ko kahit tumutulo na din ang luha ko.

Hindi s'ya nagsalita at patuloy pa din sa pag-iyak at pagsambit ng salitang 'sorry'.

Napaluhod nalang din ako sa harap n'ya nang tuluyang mag-sink in sa akin na totoo ang lahat ng ito
at hindi ako ginogood time.

Gusto ko s'yang saktan, sigawan, sumbatan pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. All this time akala namin s'ya ang umiikot sa kasinungalingan namin pero kami pala ang pinapaikot n'ya. Quits na ba 'to? Nagsinungaling kami, nagsinungaling s'ya. Lahat pala kami nabubuo sa kasinungalingan ng bawat isa.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakasalampak sa sahig. Napahinto na s'ya sa pag-iyak at ako tulala sa kawalan. I'm not sure what to say.

"Kaya pala too good to be true ang buhay natin. Kasinungalin lang pala lahat. Maybe we don't deserve a peaceful life, huh?" mapait na tawa ko.

Napahikbi s'ya ulit at sorry ulit ng sorry.

Tumayo ako at umupo sa couch na nandoon.

"I don't know what to say. I'm supposed to be angry, right? But I think this is better because I'm so done with lying. Alam na alam mo din siguro kung gaano kahirap 'di ba?" tuloy ko at di pa din nawawala ang peke kong ngiti.

"Princess..." tumayo na din s'ya at tinangkang lumapit sa akin pero agad kong hinarang ang kamay ko.

"Can you please leave me now? Medyo sumasakit kasi ulo ko." malumanay na pakiusap ko na nag-aalangan n'yang sinunod.

Binuhos ko lahat ng mawala na s'ya sa harap ko.

-end

After a week na pinuntahan nya ko ay pinuntahan ko s'ya at pinakinggan ang dahilan n'ya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero ang alam ko lang hindi pa tapos ang role ko dito.

I think alam na din ni Spade kaya hindi pa din s'ya bumabalik. Galit din ang pamilya n'ya sa kanya kaya ako lang ang nandito para kay Audrey.

"Princess, thank you." bulong n'ya. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatulala sa kanya.

Lumayo ako at tumalikod sa kanya. "Wag mo kong simulan ng mga drama mo, Audrey. Hindi ka na pa nagsasawa. Ilang linggo na tayong nagdadramahan dito." napailing na sambit ko at umaktong iritado.

Sinimulan kong linisin ang kwarto n'ya pero napahinto ako ng may napansin ako. Maleta?

"Saan ka pupunta? Bakit ka naka-impake?" kunot noo ko s'yang tiningnan na ngayon ay nakatayo na din pala sa likod ko.

Ngumiti s'ya ng malungkot. "Sa tabi ng lalaking mahal ko."

Nanlaki ang mata ko at napanganga sa sinabi n'ya. Hinawakan ko s'ya sa magkabilang balikat.

"This is the best thing I heard from you since I've met you." hindi pa din makapaniwalang sabi ko pero bigla akong may napagtanto.

"You know the consequences that you will need to face because of your decision, right?" nag-aalangan na untag ko.

Tumango-tango s'ya. "Kapag nalaman 'to ng family ko, mas lalo silang magagalit. Alam ko din na hindi ako iwe-welcome dun ni Duke ng with wide open arms. Pwedeng mas malaking gulo ang maidulot nito at mas lalo lang din ako masasaktan." sambit n'ya na parang handang-handa s'ya sa lahat ng 'yun kahit alam kong sobrang hirap sa kanya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin 'to?" Hindi naalis sa boses ko ang tampo.

"Sorry kasi nitong mga nakaraang araw nag-aalangan pa ako pero pagkatapos kong mag-isip isip I've realized that if I wanted to live peacefully, I need to fix first everything about Duke."

Napatango-tango ako. Akala ko kailangan ko pa s'yang untugin para mahismasmasan s'ya.

"Kelan alis mo?" tanong ko.

"Tomorrow."

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon