10. Duke

39.3K 1K 82
                                    

His Girlfriend

"Hoy, Duke, why you smell like sht? Uminom ka na naman ba?" salubong sa akin ni Aleyna pero hindi ko sya pinansin at sumalampak ng higa sa kama.

"San ka ba nanggaling? Hindi ka umuwi kagabi? Aba, mukhang nage-enjoy ka na sa pags-stay mo dito sa Pilipinas." dire-diretsong sabi nya.

I wish this hangover could help to lessen the fcking pain I'm feeling right now.

"Wala ka bang balak na magsalita dyan? Hey! 'Di ba kailangan nating i-meet yung organizers today?" sigaw nya sa akin at niyuyugyog pa ako.

"Ugh, stop it, Aleyna. Cancel the meeting."

Narinig ko ang pagsinghap nya pero hindi sya nagsalita. Huminga sya ng malalim at naramdaman ko ang pagtayo at paglayo nya sa akin.

"Okay. Pwede mo naman kasi akong diretsahin na duwag ka. Na naduduwag kang makaharap lagi si Audrey kasi natatakot ka na mabuhay 'yung nakatagong pagmamahal mo para sa kanya." mahabang litanya nya.

Dumilat ako at humarap sa kanya na prenteng nakaupo sa kama nya.

"You know that what you have said is plain bullsht." madiin na sagot ko sa kanya.

She crossed her arms and gave me a bored look. "Ang gusto ko lang naman iparating, bakit sa tuwing uuwi ka dito galing sa pakikipagkita sa kanya, para kang bumabalik sa..." Napahinto sya at nag-iwas ng tingin. "..dati."

Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha nya.

Tumayo ako at tumabi sa kanya. "Alright, don't cancel the meeting. Pupunta na tayo dun and I will prove to you that everything changed. Hindi na ako magiging tulad ng dati." mahinahong sabi ko at nakangiting tumango sya.

I know she's scared. Sa dami ng nangyari noon, hindi ko sya masisisi.

Nang nasa sasakyan na kami ay nakakagulat na hindi gaanong nagsasalita si Aleyna.

"You okay?" tanong ko at sandali syang nilingon.

"Hmm, I don't know. I'm a bit nervous to meet her again lalo na at wala syang maalala. Kinakabahan din ako na baka masabi ko sa kanya lahat ng totoo." seryosong sabi nya pero alam kong biro lang ang huli nyang sinabi.

Hindi na ako nagsalita at napailing nalang. Iniisip ko kung sasabihin ko ang pinag-usapan namin ni Princess but I choose not to metion it to her. Hindi naman ako pumayag sa gusto nya.

"Act like nothing happens, Aleyna. It's not our fault kung bakit sya nagka-amnesia." wala sa sariling sabi ko dahil naglalaro pa sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Princess kahapon.

She fcking knows everything but I won't fall on her trap.

"Hindi nga ba tayo, Duke?" seryoso pa din na sagot nya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya sandali at binalik ang tingin ko sa daan.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"Oh, nothing." kibit-balikat na saad nya at hindi na ulit nagsalita.

Hanggang sa makarating kami ay hindi na ulit sya umimik.

Napabuntong-hininga nalang ako nang makarating kami sa tapat ng building nila.

Nagulat ako ng biglang kumapit sa braso ko si Aleyna. Nagtaka din ako sa malaking ngiti na binigay nya sa akin.

"Let's go?"

Napatango na lang ako sa sinabi nya at hinayaan nalang sya na hilahin ako.

Katupad ng dati ay binati kami ng receptionist at dumiretso kami sa opisina kung nasaan si Audrey.

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon