15. Duke

32.9K 911 177
                                    

His Reasons

It's fcking cold. I can't sleep and the fact that we're in the same room is not helping.

"Hey, sure ka bang okay ka lang dyan sa sofa? It's too small for you." puna nya habang nakaharap sa akin at nakahiga sa kama.

Hindi kalakihang kwarto ang napunta sa amin. Wala na din kaming magagawa dahil ito nalang ang natitirang bakante.

"Yeah, I'm okay." sabi ko kahit hindi ako mapakali dito dahil hindi ko alam kung paano ako pepwesto sa sofa na 'to.

Hindi na sya nagsalita but I know she's still awake. Mukhang malalim ang iniisip nya. I hope I know what she's thinking.

At last, nahanap ko na din ang tamang pwesto. I tried to sleep but I'm still wide awake. Kahit konti ay wala akong nadaramang antok. I looked at her again. Nakapikit na sya pero I can still tell na hindi pa sya tulog.

"Duke.." mahinang tawag nya sa akin.

"Hmm?" sagot ko pero hindi ko idinilat ang mata ko.

"I can't sleep." bulong nito.

Nilingon ko na sya at nakatulala sya sa may kisame.

I sighed. "Me too. What do you want me to do?"

Hindi ko na iniisip ang dapat kong sabihin. I just want to talk to her. All night. Just the two of us.

Nakita ko ang pagkabuhay sa mga mata nya at ang tipid na ngiti sa labi nya. Lumingon sya sa akin na parang nahihiya.

"Tell me a story." mahina pero masiglang sambit nya.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla nalang sya naging masaya.

Biglang nawala ang ngiti nya at umiling. "Nevermind."

Binaling ko ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa pader.

"Let me tell you a story about my friend." I started.

Narinig ko ang mahina nyang pagsinghap at ang paggalaw ng kama nya.

"What happened to your friend?" tanong nya. Nasa akin ang buong atensyon nya.

"Let's call him D."

Halos paliguan ko ng mura ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Pero sht kahit anong pigil ko sa sarili ko, my mouth won't stop talking.

"Tell me his story." sabi niya at nung tingnan ko sya ay nakaupo na ito sa kama nya at titig na titig sa akin.

I clear my throat. "D is a big jerk, selfish bastard." panimula ko ulit at bahagyang natawa.

I see her frown at hinintay ang susunod kong sasabihin.

"Then she met this girl, he hated her. She's too loud and clumsy. She likes him so much and she always tell it to the world." I paused. Parang may kung ano na bumabara sa lalamunan ko.

"Who is she?" mahinang untag nya sa akin.

Binigyan ko sya ng tipid na ngiti. "She is... someone you wish to be. Yes she's too loud but she can be your rainbow after a strom. Napakaswerte ng gag*ng D na yun dahil sya ang minahal ng babaeng yun."

Napahinto ako sa pagsasalita at napaharap sa kanya ng magsalita sya.

"You seem fond of her. You like her too?" tanong nya habang mataman na nakatitig sa akin.

Hindi ko sya sinagot at pinagpatuloy ko ang kwento. I started this so I want to finished this.

"She followed him everywhere. Pumasok na sya ng tuluyan sa buhay ni D at tuluyan na syang ginulo. But then, he started to like her. He wanted her to be his but fate never let him to. He pushed her away. He hurt her. Too much." I stopped. Hinddi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

"What happened to them? Naging sila ba? Your story is too short." dire-diretsong sabi nya at hindi ko napigilang mapangiti.

"Well they kissed but they didn't have their happily ever after. They part ways. She's happy now but he's still a sick bastard."

Malungkot syang ngumiti. "Ano ba namang kwento yan Mr. dela Vega. Parang gusto kong makilala ang kaibigan mo na yan. Marami syang makikilala na babae sa buhay nya pero hindi gaya nung babae sa kwento mo, na nagmamahal sa kanya ng tunay." naiinis na sambit nito.

Napailing ako at bumangon. Umupo ako at humarap sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko matapos ikwento yun sa kanya.

"What if D has his own reasons? Para sa ikakabuti ng babaeng yun?" Hindi ko din alam kung bakit kailangan kong depensahan ang sarili ko.

"Reasons?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sya naging apektado.

"Fck his reasons! Kung mahal nya yung babae kahit anong lecheng rason pa yan, balewala yan. Kasi kung ang babae ang nasa posisyon nya kahit mamatay sya basta makasama nya lang yung mahal nya gagawin nya." sigaw nya at nanlaki ang mata ko ng makitang may tumulong luha sa mata nya.

Audrey...

Gusto ko syang lapitan pero masyado akong nagulat sa inasal nya.

Bigla syang napahinto at napagtanto ang mga sinabi nya. "Oh. I'm sorry. Masyado yata akong nadala."

Ilang minuto kaming natahimik ng marinig ko syang tumikhim at sinabi "Where are they now?"

Hindi ko sinagot 'yon dahil hindi ko din alam ang sasabihin.

"Bakit gusto mong kwentuhan kita?"

Ngumiti sya at tumingin sa bintana. Kitang-kita mula roon ang buwan.

"I always want to listen to someone's story. I want to tell one too pero anong ikekwento ko sa buhay ko, wala nga akong maalala?" mapait na sabi niya.

Hindi na ako nag-isip at dumiretso nalang ako sa tabi nya at niyakap sya ng mahigpit.

Naramdaman ko ang paghikbi nya at ang pagkapit nya sa damit ko.

"Why can't I be normal? Gusto ko ng makaalala. I want my memories back." pahinto-hintong sabi nya sa gitna ng mga hikbi nya.

"Shhh, don't cry." I don't know what to say.

Ilang sandali ay kumalma sya pero hindi sya umaalis sa yakap ko. Gusto kong umiwas pero may kung anong tumatanggi sa pagkatao ko.

"If you're in my place, gugustuhin mo bang bumalik ang alaala mo?"

"No." agad na sabi ko. "Ayoko ng kunin ang bagay na kinuha na sakin. Maybe those memories are painful for me to handle. If you're happy today, face it and forget the past."

*

Sorry super late. Busy sa college life haha.

xoxo

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon