2. Duke

55K 1.3K 191
                                    

Part Of Me

"Ouch! Grabe sumakit yung batok ko dun." daing ni Aleyna habang papahiga sa kama nya.

Binato ko sa gilid ng kama ko yung mga gamit saka sumalampak ng higa. Kanina pa salita ng salita si Aleyna na nasa kabilang gilid at hindi ko alam kung bakit hindi sya napapagod kahit wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nya.

"Di ba alam ni Harley na nandito ka? So, pupuntahan ka nya dito sa Cebu?" tanong nya.

"Yeah." walang buhay na sagot ko at pumikit. I wanted to rest. Nakakapagod ang biyahe at hindi nakakatulong ang walang kapaguran na si Aleyna.

Nagulat ako ng bigla nya akong binato ng unan. "What?" iritadong untag ko sa kanya.

"Anong what ka dyan? Bakit kanina ka pa tahimik? Oh please, nagugutom na ko at parang gusto ko ng cake." sabi nya at napasapo nalang ako sa noo ko. Hindi ko talaga alam kung bakit nya ako napilit dito na isama sya kahit alam ko naman na wala syang gagawin kundi guluhin ako.

"'Di na ba makakapaghintay yan? I'm really sleepy." sabi ko at hindi na ulit sya pinansin.

Natahimik sya. Alam nya na din na pagod ako at maiintindihan nya yun. Akala ko ay natulog na din sya pero nagulat ako ng biglang marinig na may tumutunog na gitara.

[Let Her Go - Passenger ♪]

Napapikit ako ng mariin ng marinig na naman ang kantang tinutugtog nya. She's been playing that song to me everyday. Akala ko nakalimutan nya na yun pero hindi pala. Alam nya na naiinis ako kapag naririnig ko yun. I love that song but I don't know why I hate it at the same time.

"Well you only need the light when it's burning low

Only miss the sun when it starts to snow

Only know you love her when you let her go"

I took a deep breath. Maybe I hate this song because it always brings back a lot of memories. Mga alaala na pilit kong kinakalimutan.

5 years ago..

Damang-dama ko pa din ang palad nya sa pisngi ko pero mas tumatak sa akin 'yong huli nyang sinabi.

"Pabaon ko yan. Salamat sa lahat. Thank you for the broken heart, Duke."

Pinunasan ko ang mata ko. Sht, akala ko madali lang ang pakawalan sya pero fck hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"You really did it, Duke. You really let her go." seryosong sabi ni Aleyna habang ginagamot ang namamaga na pisngi ko.

Napadaing ako sa pagdiin nya ng ice pack. Hinablot ko yun sa kanya at ako na mismo ang humawak. "It's for our own good." maikling sagot ko.

Ibinagsak nya ang bowl ng yelo sa mesa. "Gosh! I can't believe it na ikaw ang nagsasabi nyan. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Pwede bang magbigay ka ng isang clue man lang para naman aware ako kung bakit kailangan maranasan ni Audrey ang lahat ng sakit na yun." sigaw nya at napabuntong-hininga nalang ako.

"It's not the right time, Aleyna." sagot ko ulit sa kanya.

Umupo sya sa harap ko at mas kalmado na sya ngayon. "When? Kailan pa ba yun, Duke? Ang dami mo nang nasaktan at ginamit. Hindi pa ba oras yun?"

Wala akong sinagot. Umiling lang ako at pumikit. Bumabalik sa akin ang lahat ng mga nangyari kanina.

"Do you love her, Duke?" tanong nya at napadilat ako. Seryoso ang tingin nya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

"Do you love her?" tanong nya ulit.

I gave her a sad smile. "Too much but never enough."

Dumilat ako at nakita kong nakapikit sya habang kumakanta. Bumangon ako at nakaupo lang habang tinititigan sya na kumakanta.

"Only know you've been high when you're feeling low

Only hate the road when you're missin' home

Only know you love her when you let her go..."

Tiningnan ko sya ng masama nung dumilat sya at tumingin sa akin. She gave me a sly smile bago tinuloy ang sumunod na lyrics ng kanta na para bang sinasabi nya sa akin.

"..and you let her go."

Natatawang nilapag nya ang gitara nya sa tabi ng kama nya at nakahalukipkip na tumingin sa akin. "Sasamahan mo ba kong kumain ngayon?" nang-aasar na tanong nya.

Huminga ako ng malalim. Ganito naman kami lagi, she always makes a way for me to follow her whims.

Kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kanya sa pinakamalapit na coffee shop. She keeps talking kahit alam nya na hindi ako nakikinig sa kanya.

"OMG! Nakakamiss kumain ng cakes. Buti wala si Elena para pigilan ako." tuwang-tuwa na sabi nya at napailing ako.

And speaking of Elena, nakakapagtaka at hindi na sya ulit tumawag. Ang huling sinabi nya ay tatawagan lang nya ang organizer na pupuntahan namin bukas.

"Grabe! Ang gwapo pala nitong si Aeron Valiente! Kasama na sya sa list ng crushes ko." tili ni Aleyna at napatingin ako sa kanya na hawak ang phone nya at may kinakalikot.

Hinablot ko sa kanya yun at tiningnan kung ano ang ginagawa nya. May isang news article doon tungkol kay Aeron na may kasamang babae dito sa Cebu.

Napakunot ang noo ko at tinitigan ang isa sa mga picture na nasa article. Madilim yun pero kitang-kita ang mukha ni Aeron na may katawanan na babae pero nakatalikod yung babae kaya hindi nakikita ang mukha. Familiar..

"Akin na yan!" sigaw nya at kinuha mula sa akin ang phone nya pero hinablot ko ito ulit at agad naman nya na nabawi.

"Isa pang hablot at.. at.. basta. Kainis naman 'to, ngayon nga lang ako makikibalita dito sa Pilipinas." sabi nya at parang may kung ano sa akin na nasaktan.

Pakiramdam ko, ako yung sinisisi nya kaya sya walang kaalam-alam sa nangyayari dito. "Fine." mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Narinig ko ang pagsinghap nya. Natahimik sya at naramdaman ko nalang na hinawakan nya ang kamay ko ng sobrang higpit na parang sinasadya nya na saktan ako kahit hindi naman nya nagawa dahil maliit ang kamay nya.

"Ang drama mo. Alam ko na yan, Duke. Wala na bang iba? Sus, oo na. Hindi na. Alam mo naman na mas mahalaga ka sakin kaysa sa Pilipinas di ba?" sabi nya at pabulong nalang ang dulo.

Tiningnan ko sya at kahit nagtatapangtapangan sya ay halata sa kanya na maiiyak na sya. Hindi ko napigilang mapangiti. Nang makita nya yun ay marahas nya na binitawan ang kamay ko.

"Kainis ka! You're doing it, again. Kunwari nagtatampo tapos.. kainis ka talaga." natatawang untag nya at kinurot ako sa pisngi.

Natawa nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag walang Aleyna sa buhay ko. Sa tagal na pagsasama namin, it's hard not to feel something special for her but there's still a part of me that.. I don't know. Maybe, I just missed someone.

*

Comments? #TCAY2

Kung gusto ng dedic o maglabas ng sama ng loob(chos), sali lang kayo sa group sa fb, search nyo lang "Heyairaaa Stories", thankies.

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon