22. Audrey

14.9K 335 15
                                    

Snow

"Bakit hindi mo nalang ihinto 'to? Hindi ka pa ba nagsasawa? Ayaw mo ba mabuhay ng normal, Audrey? 'Yung hindi ka natatakot sa bawat paggising mo. 'Yung hindi ka hinahabol ng past mo. 'Yung wala kang tinatakbuhan. 'Yung walang problema. Ayaw mo ba gumising tuwing umaga na ang tanging problema mo lang ay kung traffic papuntang trabaho? O ayaw mo bang maranasang magmahal ulit na hindi pinapaalala ng nakaraan mo ang sakit? Audrey, it's not too late to change. Tapusin mo na ang habulan n'yo. Linawin ang bawat sides. Closure in short. Pag nagawa mo 'yun, both of you can live peacefully."

Napangiti ako ng maalala ang mga sinabi sa akin ni Princess. Hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko. Gulong-gulo na ako at sawang sawa na din sa mga nangyayari. I'm too tired to pretend at ang mga salitang 'yun ang nagpagising sa akin.

"Sana mag-snow." bulong ko habang nakatingala sa langit. Sumandal ako sa bench na inuupuan ko at ipinikit ang mga mata ko.

Ilang beses akong nagbuntong hininga. Aaaaah! This peaceful moment! Ang tagal kong hinintay 'to. 'Yung wala akong iniintindi kundi ang sarili ko.

I checked my messenger for I don't know how many times today. Wala pa ding reply kay Spade at tanging message mula kay Princess lang ang nandoon.

Simula nung umamin ako sa kanya through phone ay hindi na n'ya ako kinausap ulit. Maski messages ko ay ayaw akong pansinin. Alam kong kasalanan ko din 'yun and he needs time.

Binuksan ko 'yung message ni Princess at agad akong napangiti ng mabasa 'yun.

' Keep me updated ha. Parang ako ang kakausap kay Duke sa sobrang kaba. Ayusin mo ha. Para sa kalayaan ng Pilipinas. Don't forget my pasalubong!'

Masaya ako na hindi pa din s'ya nagbago kahit nalaman n'ya ang ginawa ko. Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko kung wala s'ya sa buhay ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na naging kaibigan ko s'ya kahit hindi ko din alam kung bakit s'ya nagstay sa tabi ko in the first place.

Tinanong ko s'ya noon pero ang sinabi n'ya lang ay malaki ang naging parte ng pamilya ko sa pamilya n'ya.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Simula nung makarating ako nung isang araw ay hindi pa ako nakakatanggap ng text mula kay Aleyna, ang huli naming pag-uusap ay sa phone nung kinagabihan ng pagdating ko. Nagtatanong kung paano ko sisimulan ang pagsabi ko kay Duke na wala akong amnesia at ilan pang detalye. Wala na syang ibang balita tungkol kay Duke kaya hindi ako mapakali sa hotel room ko. Napagpasyahan ko nalang na damhin ang lamig dito at mag ikot-ikot.

Habang hinahalungkat ko ang bag ko para hanapin ang earphones ko ay bigla akong nakadama na pumatak sa kamay ko.

"Oh!" Napatingala ako at napangiti.

Snow.

Bigla kong naaalala si Duke. Well, lahat ng bagay naman ay nagpapaala sa kanya. Pero 'tong snow ang di ko makakalimutan.

Vacation nun, mag-grade 6 ako and 1st year high school s'ya.

Flashback

"Kuya! Kuya! Hindi pa ba dadating 'yung mga friends mo?" kulit ko kay Kuya dahil alam kong ngayon ang dating ni Duke galing sa bakasyon nila sa Korea.

Hindi ako sinagot ni kuya dahil kanina ko pa s'ya kinukulit. Umakyat s'ya sa kwarto at iniwan ako.

Lumabas nalang ako at naghintay sa labas ng bahay. Saktong pagkaupo ko palang ay dumating si Duke mag-isa.

Lumawak ang ngiti ko at nagtatalon ang puso ko. "Duke! Welcome back! Inuwian mo ba ako ng snow?"

Mukhang iritado s'ya at may inabot na plastic. Excited akong kinuha 'yon pero hindi n'ya binitawan.

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon