4. Duke

48.2K 1.5K 350
                                    

Boyfriend

5 years ago...

Pinilit kong idilat ang mata ko kahit hindi ko alam kung bakit ako nahihirapan. Kahit igalaw lang ang mga daliri ko parang ang hirap na.

Napapikit ako ng mariin ng may sumalubong na liwanag sa harap ko at marahang idinilat ulit.

"Mommy! Si Kuya!" dinig ko na sigaw ni Harley.

Sinubukan kong tingnan ang paligid at napakunot-noo ako ng mapansin na nasa hospital ako. Anong ginagawa ko dito?

Biglang nagbalik sa akin ang huling naaalala ko na nangyari. Si Audrey! Gusto kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko para gawin yun. "A-udrey..." sinubukan kong magsalita kahit pakiramdam ko ay tuyo na ang lalamunan ko.

"Dyan ka lang Harley, tatawag lang ako ng doktor." si Mom.

Narinig ko ang pagbagsak ng pinto. Humarap ako kay Harley at naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko na namamanhid.

"Kuya, okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?" umiiyak na sabi nya. Why are they acting like I'm dying? I'm okay, except sa namamanhid ang katawan ko.

"S-si Audrey," ulit ko at mas malinaw na ngayon.

Napahinto sa pag-iyak si Harley at nag-iwas ng tingin. Napakunot ang noo ko sa inakto nya.

"Kuya Duke, may gusto ka ba? Food? Drink? Halos isang buwan kang natulog, hindi ka ba nagutom?" tanong nya at hindi sya makatingin sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nya. One month? Wtf! Sinubukan kong bumangon pero agad nya akong pinigilan.

"Kuya! Ano ba! Makakasama sayo 'yan." sigaw nya kaya napahinto ako. Napatitig ako dahil ngayon ko lang nakita si Harley na ganito.

"What?" nagtatakang tanong ko. "I've been in coma for one month? Why? What happened?" gulong-gulo na tanong ko.

"Please Kuya, mahiga ka lang muna dyan. I will explain everything to you kapag gumaling ka na."

Huminga ako ng malalim at sumandal. "How about Audrey? Is she okay?" tanong ko. Sa kabaliwan ng babaeng yun, malamang ay baka may ginawa yun na kakaiba dahil sa nangyari sa akin. Napailing nalang ako sa iniisip ko.

Nakakapagtaka lang na wala sya ngayon. Bago pa makasagot si Harley ay pumasok na ang doktor kasama si Mom, Dad, Aleyna and... anong ginagawa ni Elena dito?

Tahimik lang sila habang tinitingnan ako ng doktor at kapag tinatanong ako ay sumasagot lang ako. Ilang beses akong tumitingin sa pinto dahil baka dumating sya pero wala.

Lumabas ang doktor at naiwan nalang kami doon. Agad na lumapit sa akin si Mom. Bigla kong naalala yung huli naming pag-uusap. I don't know what to say. Hindi ko din alam kung ano ang nangyari sa loob ng isang buwan.

"I'm happy that you're okay now." naiiyak na sabi niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ginala ng mga mata ko ang paligid.

"Si Audrey?" Sana kahit nasaktan ko sya ay malaman nya na ang ibig sabihin ng pagtawag ko sa kanya ay babalik na ako. I want to start again. I want to tell her everything. I want to make everything straight. I want to stop this pretending sht.

Napatingin ako kay Mom ng mapasinghap sya pero biglang nabaling ang tingin ko kay Elena na sarkastikong tumatawa. Napakunot ang noo ko.

"Hinahanap mo ang babaeng yun?" nakangising untag nya. "Hindi ka nya binisita dito kahit isang beses lang and guess what, iniwan ka na nya."

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon