7. Duke

35K 1K 84
                                    

Tayong Dalawa

"It's not a good idea, Duke. Hindi makakabuti kay Elena ang pagbalik mo dito sa Canada. Stay there and do whatever she tells you to do so." sabi ni Zane, nurse ni Elena, sa kabilang linya.

Napapikit ako ng mariin at pinipigilan ang mga emosyon na dumadaloy sa sistema ko. Ang makita si Audrey ng isang beses ay sobrang nakakasakal na at hindi ko yata alam ang gagawin kung mas tatagal pa ako dito.

"Can I talk to her? Maybe I can convince her to---"

"Duke, stop it." pigil na sa pagsasalita ko. Alam kong naiinis na din sya sa pagkukulit ko. "Alam mong hindi uubra yan. Kung anong gusto nya, yun ang masusunod."

Napahinga nalang ako ng malalim at pinutol na ang tawag. Napatingin ako kay Aleyna na kanina pa nakatingin at nakataas ang kilay sa akin.

"What?" iritado kong tanong sa kanya.

Suminghap sya at tumayo. "Alam mo, imbes na mag-bitter at mag-emote ka dyan--"

"I'm not." inis na untag ko sa kanya.

She rolled her eyes. "My point is, wag ka ng tumunganga dyan, kung gusto mong matapos na agad 'to at kung naka-move on ka na talaga kay Audrey, then prove it, harapin mo ang dapat mong gawin then after this umalis na tayo agad-agad." sabi nito at talaga idiniin pa sa akin ang salitang 'move on'.

Hindi na ako umimik. That would be a long conversation kung magsasalita pa ako. Hanggang sa pagtulog ko ay iniisip ko ang mga sinabi nya. Tomorrow is another fcking day and I will see her again.

"Sorry, Duke. Hindi ulit kita masasamahan but I promise bukas talaga masasamahan na kita."

Yes, this is really another fckng day. Tiningnan ko ng masama si Aleyna.

"Pinagti-tripan mo ba ko, Aleyna?" madiing untag ko sa kanya.

Sinamaan nya din ako ng tingin. "Shut up, Duke. Masakit ang puson ko at kung ayaw mong dumanak ang dugo dito, lumayas ka na sa harap ko." sigaw nya sa akin at pinagtutulak ako.

Napakunot ang noo ko at napakamot nalang ako ng mapagtanto kung ano ang ibig nyang sabihin.

I don't have a choice but to go there by myself again. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala lang ito lahat pero fck, kinakabahan pa din ako sa ideya na magkikita ulit kami and I don't know why. She doesn't remember me, so I don't know why I'm being like this.

Habang kinakausap ko ang receptionist ay hindi ko na napigilan ang sobrang pagkabog ng dibdib ko. Sht!

"Mr. dela Vega, pumunta nalang po ulit kayo sa office." tugon ng receptionist at umalis na din ako sa harap nya.

I composed myself bago pumasok at agad na napakunot ang noo ko ng makitang walang Audrey doon at tanging si Spade lang.

Tumingin sya sa akin at agad na napakuyom ang kamao ko.

Ilang minuto na katahimikan ang dumaan bago sya nagsalita. "Wala si Audrey, may inaasikaso. So, you have to deal with me today."

Mas lalong napakuyom ang kamao ko. Ayoko ng tono ng pananalita nya sa akin. I want to punch him right now.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. "Babalik nalang ako bukas." malamig na sabi ko at bago pa ako makatalikod ay nagsalita ulit sya.

"Bakit ka pa bumalik?" tanong nya na nagpatigil sa akin.

Walang emosyong tiningnan ko sya at sarkastikong tumawa. "Oh, hindi ko alam na naka-ban na pala ako dito sa Pilipinas."

Nakita ko ang pagkuyom ng palad nya at mas lalo akong napangisi. "Well, do I look like that I'm happy to be back?"

Hindi sya sumagot. Mukhang may malalim syang iniisip pero wala na akong pakialam. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ak---"

"Hindi mo ba gustong malaman kung ano ang nangyari kay Audrey?"

Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ako kaagad nakasagot. Nagtatalo ang utak ko pero ang tanging tumatakbo sa isip ko ay hindi maganda ang patutunguhan nitong usapan na 'to.

"I don't care--"

Hindi ko ulit natapos ang sinasabi ko ng magsalita sya ulit. I don't know why the fck I'm staying here and talking to him right now.

"Naaksidente sya and that is the cause why she loses her memory." pagpapatuloy nito at blankong nakatingin sa akin.

"So, what? May--" bago pa ako makapagsalita ulit ay agad na naman syang nagsalita. Habang tumatagal ang usapan na 'to ay mas lalong nangangati ang kamao ko at gusto ko na syang suntukin.

"Bakit noon ay madali lang sayo na iwan mo sya? Now, leave. 'Yun ang dapat mong gawin ngayon. Doon ka naman magaling di ba? Fcking leave this country and--"

Tumawa ako ng malakas pero blanko iyon at walang kabuhay-buhay. Gusto kong syang galitin gaya ng galit na nararamdaman ko ngayon.

"What, Mr. Sarmiento? Natatakot ka bang biglang bumalik ang alaala ni Audrey at iwan ka nya at bumalik sa akin. Ganun ba?" nakangising untag ko sa kanya.

Hindi na ako nagulat ng bigla syang tumayo at kwelyuhan ako. Hindi ako lumaban at hinintay lang ang susunod nyang gagawin pero bago mangyari yun ay bigla nang bumukas ang pinto at bumungad ang dalawang mukha ng babae na gulat sa nakita nila.

"Spade!!"

"Audrey.." natatarantang sabi nya at binitawan ang kwelyo ko.

Walang emosyon na tiningnan ko sila at napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang isang babae na kasama nya.

Nakita ko din ang gulat sa mukha nya. "Princess." bati ko sa kanya.

Lalapitan nya sana ako ng naunang lumapit sa akin si Audrey. Ang kaba na nararamdaman ko ay nawala at hindi ko alam kung bakit ako nagagalit.

"Sorry, Mr. dela Vega. Hindi ko po talaga alam kung anong problema ni Spade pero.. sorry po talaga. Paano po ba ako makakabawi sa inyo?"

Bigla ako may naisip na magandang ideya ng marinig ang huli nyang sinabi. Napatingin ako kay Spade. I smirked.

"Let's go out. Yung tayong dalawa lang. Dun nalang tayo mag-usap." sabi ko.

Napahinto sya sa pagsasalita. Tiningnan ko si Spade at nakita ko ang galit sa mata nya. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero kung mags-stay din naman ako dito, bakit hindi ko nalang enjoyin?

*

Short update. Sorry.

P.S: Sa mga nagtatanong kung sino si Aleyna at Elena, backread po sa TCAY. Si Princess, kapatid ni Clark, back read nalang din kung hindi talaga maalala.

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon