12. Duke

31.2K 850 86
                                    

Long Drive

“Minamadali na ni Elena yung tungkol sa event. Is it okay kung mas bibilisan natin yung preparations?” tanong ni Aleyna sa dalawang kaharap namin ngayon.

“Hindi ganun kadali--” agad na pagtanggi ni Spade pero sumingit agad si Audrey.

“Okay, we will do something about that. Today, may food tasting tayo, si Spade ang maga-assist sa inyo and later pwede na din tayo pumunta sa dalawang venue na pinagpipilian. Gaya ng gusto ni Ms. Elena, yung una ay sa isang beach resort at yung isa ay sa isang garden.” paliwanag nya na hindi man lang tumitingin sa kahit isa sa amin at tanging sa mga papel lang na hawak nya.

“Then it settled. Ako ang sasama kay Spade para sa food tasting at si Duke ang sasama kay Audrey para sa venue. Pwede na kayong umalis ngayon para mas mabilis.” sabi ni Aleyna na nagpakunot ng noo ko.

Napatingin ako sa kanya at parang normal lang naman ang ngiti nya. Hindi ko alam kung nananadya ba sya.

“You can do it tomorrow. Medyo umuulan. Sasama na din ako bukas para ma-assist din kayo.” agad na sabi ni Spade bago pa din ako makapag-protesta.

“It’s okay. Para matapos na ‘to.” malamig na sagot ni Audrey. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam pero iba ang dating sa akin ng sinabi nya na ‘yon.

Tumango-tango ako. “Yes, para matapos na ‘to.” wala sa sariling pagsang-ayon ko.

“Audrey..” bulong ni Spade sa kanya pero narating pa din iyon ng tenga ko. Pinanood ko sila at parang gusto kong itaob ang mesa sa harap nila.

“I’m okay, babe. Asikasuhin mo na si Ms. Aleyna.” malumanay na sagot nya at iniwas ko agad ang tingin ko ng maglapat ang labi ni Audrey sa lalaking ‘yon.

I used to kiss those lips. Sht, no, Duke, get a grip of yourself.

“Let’s go.” sabi nito sa akin at nauna nang lumabas.

Nagpaalam sa akin si Aleyna at tulalang sumunod ako kay Audrey.

“I will drive.” agad na sabi ko pagkadating namin sa sasakyan nya.

Hindi sya umimik pero sumakay sya sa passenger seat. Sumakay na din ako. Tumingin ako sa kanya saglit bago ko pinaandar ang sasakyan.

Puno ng katahimikan ang sasakyan. Tumitingin-tingin ako sa kanya pero tanging sa labas lang sya nakatingin.

Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko at agad kong sinilip kung sino at nakita ko ang pangalan ‘yun ni Aleyna. Binuksan ko iyon at halos napailing nalang ako sa nabasa ko. Sabi ko na nga ba at nananadya sya kanina.

From: Aleyna

Solo mo na sya ulit. Talk to her. If you still love her, kiss her and make out.

Agad kong binitawan ang phone ko at binalik sa daan ang tingin. Sinilip ko muna si Audrey pero nakatingin lang sya sa labas. Mukhang wala akong balak kausapin. I don’t know what is her problem pero kanina pa cold ang trato nya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Baka may balak kang sabihin kung saan tayo pupunta?” nagbibirong sabi ko para pagaanin ang mabigat na hangin na bumabalot sa amin.

Hindi sya nagsalita o tumingin man lang sa akin. Ibinigay lang nya ang phone nya na may directions ng pupuntahan namin.

Napataas ang kilay ko habang nakatingin lang sa phone nya at hindi iyon tinatanggap. Naramdaman nya yata iyon at binaling ang tingin nya sa akin.

Binalik ko ang tingin ko sa daan.

“What?” iritadong tanong nya.

Tumingin ako sa kanya ng huminto kami dahil sa stoplight. Hindi ko napigilang mapangisi dahil sa itsura nya. I don’t even know why this making me happy.

“Bakit ka ganyan ka makangiti? Stop it and drive!” sabi nya sabay turo sa daan.

Napailing nalang ako at nagdrive ulit.

“Why are you angry with me?” pigil na ngiting tanong ko. She’s amusing me even though she doesn’t do anything.

“Hindi ako galit.” malumanay na sabi nya at mukhang napagtanto na nya ang pagtrato nya sa akin. “Sorry, may iniisip lang ako.” dagdag nya.

Nawala ang ngiti ko at napatiim bagang ako. Bigla ko na naman naalala ang dati at parang nabura nun ang saya na nararamdaman ko kanina.

Ilang minutong katahimikan ang namuo sa amin bago ako tumikhim at naisipan na magsalita. “Audrey..” tawag ko sa kanya pero hindi nya iyon narinig dahil sa sobrang hina.

“Audrey..” tawag ko ulit at ngayon ay lumingon na sya.

Nakakunot ang noo nya at hinihintay ang sasabihin ko. “This is a long drive. Maybe, just maybe, I’m not forcing you, if there’s something that bothering you, you can talk to me.” nag-aalangan na sambit ko.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Maybe we can’t fix the past, but we can start as friends now. Maybe in this way I will be able to forget my fcking feelings toward her. Ilang linggo lang din naman ‘to, so maybe I’ll enjoy everything than stress myself.

Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata nya pati na din ang pagbuntong-hininga nya. She looks out of the window.

“I don’t know. Pero nabababagabag ako ng mga sinabi ni Aleyna kagabi. I know she didn’t mean to say those things but there is something that she said that makes me think.” pabirong sabi nya pero bakas doon ay pag-aalangan at iba-ibang emosyon.

“Alam kong hindi magsisinungaling sa akin ang parents ko pero... pero... hindi ko alam. Parang may iba, parang may mali.” pahina ng pahina ang boses nya habang sinasabi nya iyon.

Hindi ako nagsalita. Alam ko ang totoo pero alam kong hindi ko pwedeng sabihin yun.

Natahimik kami saglit at nung napansin ko na wala na syang balak magsalita ay nagsalita na ako. “Kung may mali man, maybe they did it for your own good.” kaswal na sabi ko sa kanya.

“Duke, pwede bang huminto muna tayo dyan sa tabi?” sabi nya na agad ko namang ginawa.

Kunot-noong tiningnan ko sya at hinintay ko ang gagawin nya pero tahimik lang sya at hindi mapakali. Nakaharap sya sa akin pero hindi sya tumitingin sa mukha ko.

“May problema ba?” nag-aalangan na tanong ko.

I don’t want this. Parang sinasakal ako ng katahimikan nya at gusto kong lumayo sa kanya kapag ganito sya. Pinapaalala nya sa akin na hindi sya ang dating Audrey. Na sya ang Audrey ngayon na dapat kong layuan.

Nagulat ako ng hawakan nya ang mga kamay ko. Hindi ako nakagalaw ng hawakan nya ito ng mahigpit. Sht, this feeling is sht.

“What?” nag-aalangan na tanong ko. This is not her. There is something that’s bothering her.

“I-- I want to feel you.” simula nya at ramdam ko ang panginginig ng kamay nya. She looks straight at my eyes. “Answer me honestly, Duke.” determinadong untag nya sa akin.

Sinakop ng kaba ang sistema ko at agad kong binawi ang mga kamay ko. “Sht” bulong ko at hinarap ang manibela. “What the fck is this, Audrey?” iritadong tanong ko.

Umiling sya at hindi inaalis ang tingin sa akin. “Kilala na ba kita dati? Ano kita? Kaibigan? Kaklase? Schoolmate? Kapitbahay?” punong-puno ng frustrations ang boses nya at halos hindi ako nakapagsalita.

May naaalala sya? Sht. “No. Hindi kita kilala. Ano bang sinasabi mo dyan? You’re creeping me out.” hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya. I want to convince her that I didn’t really knew her back then.

Nakita ko sa mga mata nya na hindi sya naniniwala pero mukhang nakukumbinsi ko na sya.

“Okay, I’m sorry. Mali lang siguro ‘tong nararamdaman ko.” pabulong na sabi nya at hindi na ulit nagsalita.

*

I'll try to update again tomorrow. Try lang. Haha :)

Baka di nyo nabasa yung last chap na ud ko kagabi. :)

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon