21. Aleyna

14.7K 321 10
                                    

Natakot

"What? What? What? Can you please repeat what you just said? Feeling ko nabingi na yata ako." hindi makapaniwalang sambit ko kay Audrey na nasa harap ko.

Last week, I received an email from her. Sabi n'ya pupunta s'ya dito sa Canada to talk to us. So, ako naman sobrang hindi mapakali dahil ang target ko na mapalapit ulit kay Duke ay kusang lalapit.

Walang kaalam-alam si Duke na pupunta si Audrey dito. Kailangan ko munang alamin kung ano ang pakay n'ya sa amin. Kung balak lang niyang saktan si Duke kaya n'ya gustong makausap. Aba, sisipain ko s'ya pabalik ng Pilipinas.

Sinundo ko s'ya kanina sa airport at bago ko s'ya ihatid sa hotel na tutuluyan n'ya ay nagpahinto muna s'ya sa isang coffee shop.

"Ayokong magpaligo-ligoy pa, Aleyna. Marami pa akong gulo sa Pilipinas pero gusto kong magsimula sa inyo. Kay Duke. Please, hear me out." pagsumamo n'ya sa akin.

Nainom ko ng diretso ang kape ko dahil sa mga sinabi n'ya. So, wala s'yang amnesia? Nagpanggap lang s'ya na walang naaalala? Sa ilang taon na ay nataggo n'ya 'yon? Wow, hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

"Okay, okay. Please, then explain yourself." parang wala pa din sa sariling sabi ko.

Hindi pa din ako makapaniwala. Parang tanga kami sa harap n'ya na alam namin ay wala s'yang maalala sa past n'ya. Grabe lang, para kaming nasa soap opera.

Huminga s'ya ng malalim. "First, I'm sorry dahil isa ka sa mga niloko ko. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain yung kagagahan na pinaggagawa ko. Pero sa huli alam kong ako ang may kasalanan ng lahat. Natakot ako..." huminto s'ya na parang may naalala.

"Sobrang natakot ako sa mga nalaman ko." nanginginig ang boses n'ya kaya pinahinto ko muna s'ya sa pagsasalita.

"Uminom ka nga muna at kumalma. Ang daming ikot ng kwento mo. Diretsuhin mo na ako. Kinakabahan na ako sa kakahintay kung ano ang gusto mong mangyari." untag ko at inabot sa kanya ang bottled water na dala ko.

Pagkatapos n'yang uminom at magpasalamat ay itinuloy n'ya ang sinasabi n'ya.

"Nasa ospital ako. Alam kong gising na ako pero hindi ko maidilat ang mata ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Gumagana na din yung senses ko at naririnig ko na ang paligid."

"I heard my mom and my dad's voice talking. I heard everything. 'Yung galit sa akin ng pamilya ni Duke pati na 'yung gusto akong kasuhan nung Elena. Narinig ko din yung galit ng pamilya ko. Wasak na wasak ako nung mga oras na 'yun, Aleyna. Hindi ko alam ang gagawin ko sa gulo na ginawa ko."

Huminto s'ya at kinalma ang sarili n'ya. Nakita ko ang pagtulo ng luha n'ya at kung gaano s'ya nahihirapan.

Gosh, I can't believe how this girl handle all this pain through these years. Nakakaloka na parte ako ng madramang buhay n'ya.

"Girl, don't cry here. Sayang ang ganda." bulong ko at inabutan s'ya ng tissue.

Napangiti s'ya at pinunasan ang luha n'ya. "Sorry. Masyadong nadala."

Tumango ako and I gestured her to continue her story.

"Then, sa sobrang takot ko sa mga pangyayari at katotohanan na sasalubong sa akin, tumakas ako. I pretended that I can't remember anything. Sobrang hirap sa simula. Hanggang sa nasanay na lang ako. Wala na akong balita kay Duke. Ang huling narinig ko lang ay nung nagkausap na ang side namin at side na nila na magsettle nalang na maghiwalay ng landas and to pay for the damages."

Saglit ko s'yang tinitigan bago ako nagsalita. "Ang gaga mo din, no?"

Tumawa s'ya ng mapait at tumango. "Yeah, gaga na tanga pa. Sana hindi pa huli ang lahat para ayusin to."

Bumuntong-hininga ako. "Hindi na ako magco-comment dyan sa kagagahan mo, girl. Pero buti at nagising ka sa katotohanan na dapat harapin mo na ang mga.. you know."

"Siguro ang pagtatagpo namin ni Duke ang nagpagising sa akin. Na hindi habangbuhay na matatakasan ko ang past ko. Na hindi habangbuhay makakapagsinungaling ako."

Tiningnan ko s'ya at mukhang sigurado na s'ya sa mga gagawin n'ya. Sana maayos na nga nila. Nakakasawa na din harapin ang madramang Duke.

"Marami akong gustong sabihin. Ang dami ko ding gustong linawin pero alam kong hindi ako ang tamang tao para magsabi sa iyo nun. So, anong balak mo?" tanong ko.

Lumapit s'ya sa akin. "Gusto ko sanang makausap si Duke. I need to tell him everything. I think we need to talk and clarify all the things between us." determinadong sambit n'ya pero nagulat ako ng bigla s'yang tumamlay.

"Pero alam kong hindi magiging madali 'yon. Ang daming nangyari. Hindi ganoon kadaling magkaintintindihan." malungkot na wika n'ya.

Hinawakan ko ang kamay n'ya at piniga iyon. "Audrey, alam kong hindi ako katulad ni Duke na matatanggap agad yung mga reasons mo. But well, wala ako sa lugar mo so pilit ko talagang tinatanggap. Pero alam kong ito na ang tamang oras para magharap kayo. Sapat na ang ilang taon na lumipas para sa sarili n'yo. Hindi kayo matatahimik kung hindi n'yo papakinggan ang isa't isa."

Tumango-tango s'ya at ina-absorb lahat ng sinabi ko.

"Kung mag-inarte man si Duke, suyuin mo. Wag kang tumigil. Kung ang kapalit ng lahat ng 'yon ay ang kapayapaan ng buhay n'yo. Gora! Then lastly..."

Huminto ako at pinag-iisipan kung itutuloy ba ang sasabihin ko.

Pumikit ako ng mariin at mas hinigpitan ang hawak ng kamay n'ya. "Sana intindihin mo din ang reasons ni Duke. Hindi lang ikaw ang natakot, Audrey. Kaya siguro para kayo sa isa't-isa, parehas kayong tanga."

Tumango s'ya at ngumiti ng tipid sa huli kong sinabi.

"Ako na ang bahala kung paano kaya magkakausap ni Duke."

"Thank you, Aleyna."

Patayo na sana kami ng may bigla akong naalala na sabihin.

"Oh, one more thing. Wag mo na ulit sasaktan si Duke."

*

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon