5. Spade

45.6K 1.3K 202
                                    

This Guy

"I thought you will not go here today? Bakit ngayon halos madaling-madali ka yatang pumunta dito?" natatawang untag nya.

Huminga ako ng malalim at umupo muna. Kinalma ko ang kabang nararamdaman ko. Hindi na ako mapakali simula nung tumawag sya at malaman ko kung sino ang makakatrabaho namin.

"I just want to clear something." sabi ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay nya.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Sa isang galaw nya lang ay parang nawala lahat ng kabang nararamdaman ko. Nawala lahat ng pinanghahawakan ko.

"Ano yun? May masama bang nangyari? Hindi ka naman pupunta dito agad kung walang masamang nangyari di ba?" puno ng pag-alala na saad nya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kanya at tinitigan sya. Sobrang mahal ko sya, too much that I can give up my everything just for her.

"Nothing. Na-miss lang kita." nakangiting saad ko. I want to be selfish. Ayoko nang masaktan sya ulit.

Tumawa sya at kinurot ako. Natatawang kiniliti ko naman sya. "So, nasaan yung client mo? Ano nga ulit ang pangalan nya?" usisa ko.

Sana mali lang ang pagkakarinig ko kanina. Sana hindi sya. Alam kong sobrang liit lang ng mundo nila ni Audrey pero hindi ko yata kaya na magkita sila ulit. Lalo na ngayon sa lagay ni Audrey. Anong gagawin ko kung makaalala sya ulit? I want her to be mine. Only mine. Ayokong masaktan lang sya ulit ng lalaking yun.

"Hmm, lumabas sya saglit, mukha nga syang natataranta. Duke dela Vega yung name nya. Familiar nga e. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig pero he looks nice naman." sabi nya habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay ko.

Napapikit ako ng mariin at sumandal sa balikat nya. Why? Bakit pa kailangan pa 'tong mangyari? She's happy and I know he is too. Hindi ba pwedeng tapos na ang kwento nila? Pwedeng kami nalang?

5 years ago...

Tinitigan ko ang tulala na si Audrey. Halos dalawang buwan syang comatose at last month ay dinala sya ng pamilya nya dito sa Japan para ipagamot.

Kakagising nya lang kanina at halos lahat kami ay nagulat ng hindi nya kami maalala. Tumayo ako at lumabas ng kwarto nya. Lumapit ako sa parents nya na kasama si Aeron at ang doktor.

"She has a traumatic amnesia. She loss her memory because of a hard blow on her head. People with traumatic amnesia may experience a brief loss of consciousness, or even go into a coma, which she experienced. In the majority of cases the amnesia is temporary, how long it will lasts is which we didn't know." paliwanag ng doktor at agad kong narinig ang pag-iyak ng mom nya.

Napayuko ako. I don't know. Alam kong walang may gusto nito pero I'm blaming Duke because of this. This is his fault at ang pag-alis ni Audrey sa buhay nya ay hindi pa sapat na kabayaran para sa mga nagawa nya.

"Dapat malaman 'to ni Duke." madiin na utas ng dad ni Audrey.

Napatingin ako sa kanya.

"What, Dad? Alam mo naman na galit na galit sa atin ang pamilya nya di ba? At sht lang, wala silang karapatan na malaman ang kalagayan nya. Sila ang naglagay sa kapahamakan kay Audrey tapos sinisisi nila si Audrey dahil siya daw ang dahilan ng aksidente nila ni Duke? Tngna lang. Walang may gusto na magkabungguan sila nung Duke na yun. Sht, sana sya nalang ang nasa lagay ng kapatid ko ngayon. Gagawin ko ang lahat para lang hindi na makalapit ang pamilyang yun sa kanya." galit na galit na utas ni Aeron.

Napakuyom ko ang kamao ko. I will never let that happen too. Wala na ulit makakasakit na iba kay Audrey.

"Hey! Akala ko ba miss mo na ko? Bakit parang iba naman dyan ang iniisip mo?"

Napatingin ako sa kanya at natatawang kinurot ko ang pisngi nya. "Ang cute talaga ng girlfriend ko." nakangising untag ko.

Natatawang pinalo nya ang kamay ko at hinimas ang pisngi nya. "Ang cute talagang mag-tagalog ng boyfriend ko." natatawang ganti nya at kinurot din ang pisngi ko.

Sa sobrang kakulitan nya ay hindi ko na namalayan ang pagbukas ng pinto. Agad na nawala ang ngiti ko ng makita kung sino yun. Lahat ng galit ko ay nabuhay sa buong pagkatao ko.

This guy ruins my girlfriend's life. He'll pay for this but not now. Alam kong marami pang panahon ang dadaan at alam kong hindi madaling mawawala ang lalaking 'to sa buhay namin lalo na sa buhay ni Audrey.

*

Comments? ❤ #TCAY2 @heyairaaa

P.S: Sorry kung late ud. Busy sa school.

P.S ulit: Alam kong BITIN. Sadya yun.

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon