8. Duke

33.5K 947 85
                                    

Pulang Sasakyan

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko habang nakatingin sa menu.

Narinig ko ang pagsinghap nya kaya napatingin ako sa kanya. "Sorry po talaga sa inasal ni Spade, Mr. dela Vega. Hindi ko po talaga alam kung anong nangyari sa kanya. Pero..." mabilis na sabi nya at bigla nalang huminto.

Napakunot ang noo ko at pinipigilan kong ngumisi. Natatakot sya sa akin?

"Ayaw mo ba akong makasama mag-lunch? Oh, you're hurting me, Ms. Valiente. Ito lang naman ang gusto ko para makabawi sa ginawa sa akin ng boyfriend mo." natatawang untag ko. I don't know why but I'm enjoying this.

Nanlaki ang mata nya at parang nataranta. "Hindi naman po sa ganon, Mr. dela Vega--"

"Duke. Call me Duke. You're too formal, Audrey." nakangising saad ko.

Kitang-kita ko kung paano sya mas mataranta. I still have the effect on you, huh, Audrey? Well, it's not bad staying here after all.

Natatawang napailing nalang ako. "I'm just kidding. Kaya kita inayang lumabas ay dahil maraming pa akong gustong i-discuss about dun sa event."

Bumalik na ako sa pagiging seryoso at mas naging kalmado na sya ngayon.

"Sige. I'll start discussing first yung mga nagawa kong plano then sabihin mo nalang yung mga dapat baguhin o idadagdag."

She started discussing her ideas. Hanggang sa wala na akong naririnig at hindi ko napansin na sobra na akong tumititig sa kanya. Naalala ko yung araw kung kailan ko sya unang nakita.

15 years ago...

I was eight years old. Lumipat kami ng bahay at unang araw palang ay may nakilala na akong batang lalake. Si Aeron. Naging kaibigan ko sya at dinala nya ako sa bahay nila. Doon ko sya unang nakita.

Nakaupo sya sa sofa nila at may hawak na pulang maliit na sasakyan. Napakunot ang noo ko nun. Hindi naman sya lalaki pero naglalaro sya ng mga sasakyan. Yun ang sinabi ko sa sarili ko. Sobrang tagal ng titig ko sa kanya nun at nagulat nalang ako ng bigla nya akong simangutan.

"She's pretty." bulong ko.

Napatingin sa akin si Aeron at natawa. "She's ugly. Let's go, Duke. Papakita ko sayo yung bago kong gitara."

Tinulak-tulak na ako ni Aeron paakyat sa kwarto nya pero bago yun ay nilingon ko muna sya at napangiti nalang ako ng makita syang nakatitig sa pulang sasakyan.

I got a crush on her. Lagi na akong pumupunta sa kanila noon. She even played pranks on me! Lagi ko syang nahuhuli kaya mas lalo lang syang naiinis sa akin samantalang ako naman ay mas lalo syang nagugustuhan. Hindi ko sya pinapansin dahil nahihiya ako sa kanya. She was different. She didn't play barbies but cars. She loved playing in mud. She was different and I liked her.

Hanggang sa sumobra na sya.

"Hey, ampon ka pala?" yun ang sinalubong nya sa akin nung dumating ako sa kanila.

Hindi ko sya pinansin pero nalungkot ako. Ayokong maawa sya sa akin.

"Ampon! Ampon! Ampon!" sigaw nya at paulit-ulit yun.

Hindi ko alam ang gagawin noon kaya imbes na umiyak ay tinulak ko sya at sinabi ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng magustuhan ang babaeng katulad nya.

"Mr. dela Vega!"

Nagulat ako ng bigla syang sumigaw sa harap ko. Sht, I spaced out.

"Oh, I'm sorry." mahinang sambit ko.

Hindi sya umimik at uminom muna ng tubig. Wala na yata talaga ako sa sarili ko ng bigla kong tanungin na "Hindi mo ba ko naaalala?"

Bigla syang napaubo at mukhang nasamid pa. "Sht, sorry."

Fck, napamura nalang ako sa utak ko at gusto kong baiwin ang tanong ko pero narinig na nya.

Nang mahimasmasan na sya ay nagtatakang tumingin sya sa akin. "Pardon? Ano nga ulit yung tanong mo?"

Umiling ako. "Nothing, ituloy mo nalang yung sinasabi mo." pag-iiba ko ng usapan.

Hindi sya nagsalita at tumingin lang sa akin. "Kilala ba kita?" mahina nyang tanong.

"Yes, I'm your client--"

Agad nya akong pinutol. Sht, maybe this lunch date is a bad idea. "I lost my memory because of an accident. Naging parte ka ba ng past ko? Kilala na ba kita noon?" mabilis na untag nya.

Napabilis ng kabog ng dibdib ko. Sht, sht, sht.

Kinakabahang tumawa nalang ako. "No, I mean, I'm kidding when I asked you kung naaalala mo ba ko. Hindi ko alam na.. uhm.. you lost your memory. I'm sorry."

Huminga sya ng malalim at nag-iwas ng tingin. "Sorry din. Can we continue this meeting tomorrow?" mahinang sabi nya at tumango nalang ako.

"Hatid na kita?" nag-aalangan na tanong ko pero umiling sya.

"I can manage." sabi nya at hindi na ulit tumingin sa akin saka umalis.

Napahinga nalang ako ng malalim na naiinis na sinuntok ang lamesa. Napatingin sa akin ang ibang naroroon pero wala na akong pakialam.

Umalis na ako doon at dumiretso na sa sasakyan ko. Napatingin nalang ako sa phone ko ng bigla itong mag-ring. Wala sa sariling sinagot ko ito.

"What?" bungad ko.

"Duke, si Princess 'to. Can we meet today?"

Nagulat ako sa sinabi ng nasa kabilang linya at ng tingnan ko ang caller id ay unknown number yun. Ini-start ko ang sasakyan.

"Where?"

Sinabi nya ang lugar at doon na ako dumiretso. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nya pero marami akong tanong na kailangan ko ng kasagutan.

Agad akong pumasok sa coffee shop na sinabi nya. Agad ko syang nakita at agad ko syang pinuntahan.

Ngumiti sya sa akin. "Duke! It's been a long time. Gusto mo ba munang um-order?"

Umiling ako at seryoso pa din na nakatingin sa kanya. "What do you need?" tanong ko.

Tumawa sya at binaba ang iniinom nya. "I just want to see you. Kung makapagsalita ka naman dyan parang wala tayong pinagsamahan." sabi nya at alam kong may kakaiba sa tono nya.

Huminga ako ng malalim at tinitigan sya. "Anong meron sa inyo ni Audrey?"

She crossed her arms and smirked. "We're best of friends." sarkastikong tugon nya.

I gritted my teeth at tiningnan sya ng masama. "Ano ba talagang kailangan mo?" malamig na untag ko at kitang-kita ko ang pag-iiba ng expression ng mukha nya.

Ngumiti sya pero not her usual smile. Maraming tinatago. Sht, this girl is really evil. Simula pa noon. Sya nalang yata ang hindi nagbabago.

"I have a deal." panimula nya at mas lalong kumunot ang noo ko.

"What?"

"May ipapagawa ako sayo then lahat ng tanong mo and lahat ng mga hindi mo alam ay masasagot."

She gave me an evil smile.

*

I know, bitin. Hahahaha. Comments?

P.S: Special Chapter ang next at POV ni Princess. Yun lang.

#TCAY2 @heyairaaa

TCAY2: Remembering The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon