33: Confrontation

38 2 0
                                    

 Just Vote, Comment :)

[Yoona POV]

Paglabas ko ng clinic, pinagtinginan ako ng mga co-students ko. Hindi ko na hinintay pa si Daniel, ang sabi niya kasi babalikan niya ko. Pero kakausapin niya daw si Lexi, dahil may problema din sila sa isat isa.

'After Class, Near school, Side river.'

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Jay. Nakatungo siya na para bang may hinihintay. Alam ko namang ako yun, dahil hinahanap niya ko kanina. Pasalamat na lang ako, pinagtakpan ako ni Daniel. 

"Harapin mo na.." Narinig kong sabi ng isang lalaki. Si Kristoffer.

"Bakit? Ayoko.. gusto ko ng lumayo, gusto kong lumayo sa gulo." Naguluhan siya sa sagot ko.

 "Yoona, Sorry pero kailangan kong sabihin ito sayo. Si Jang geun suk yung pinsan ko, ginusto niyang bumalik dito kahit ayaw ni Tita, pero mapilit siya eh. May gusto siyang hanapin dito. May gusto siyang balikan. Pero hindi ikaw yun." Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit. Pinilit kong ngumiti sa harap niya.

"Eh di mas mab...-"

"Patapusin mo muna ako," Tumigil siya sa pagsasalita. Lumakad kami papalayo at medyo nagtago sa isang hallway.

"You both know magkapatid ang dalawang artista sa magkaibang bansa, dito satin, doon sa korea.." Tumango ako. "Si Alden? Ikaw ang gusto niya.. dahil alam namin nung mga bata pa tayo..kung natatandaan mo pako. Na ikaw yung nagligtas dun sa alaga namin, wala pa siguro tayong masyadong isip na pagdudahan yung isang babae na nangbully sayo.." Napakunot ako ng noo. Pero...hindi ko siya matandaan..

"Hindi kita matandaan.."

"Hindi mo talaga ako matatandaan Yoona, kasi noong araw na yun. Nag ka nervous breakdown ka, sobrang trauma ka noon. Lagi pa ngang nagpapasama si Alden sa classroom mo, sinisilip ka niya. Samantalang si Jang, patuloy parin ang malalim na pagkakaibigan nila ni .."

"Dianne??Dianne Hernandez?"

Tumango siya..napatalikod siya sakin."Dianne Angeles Hernandez, her father is a Suk. Pero pinili ng magulang nila na palitan ito o isunod sa mother side niya."

Too complicated...

"Si Alden, ikaw talaga ang gusto niya.. Kaya hindi niya kayang naagaw ka ni Jang sa kanya, ang hindi ko lang alam kay Alden, kung bakit sila nagkampi ni Alden. Hindi ko talaga maintindihan,at yun yung bagay na gusto kong malaman.." HUmarap uli siya sakin..

"Kaya mo ba kong tulungan? Magtulungan tayo, dahil sabit na din ako dito." Humawak siya sandali sa pisngi ko at tinapik iyon ng mahina ng dalawang beses.

Umalis na siya agad, naiwan ako doong naguguluhan. Gusto ko mang umiyak, pero dapat hindi.. May haharapin pa kong tao.

--

Sumabay ako sa mga kumpulan ng estudyante na palabas para hindi ako mapansin ni Jay. Sa bandang likuran ng school makikita ang river. Dinig ang agos nito, meron din itong tulay na minsan lang daanan ng tao.

Nakita ko siyang nakatayo doon, bumato ng isang bato sa tubig. Alam kong malakas iyon.  

"Dianne.." Wala akong emosyon. Blanko ito. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang isang maamong anghel.

"Ohh.. Medyo pinaghintay moko. Pero okay lang, ikaw naman yung guest ko." May pagtataray na sabi niya.She crossed her arms and continue her speech.

"Alam mo na naman diba? Natatandaan mo na ba ko poor girl hyu?" Medyo nainis ako dun. Sabihan ba naman ako ng poor! 

 "I guess not.." Lumakad siya papunta sakin hanggang sa likod ko at nagsalita malapit sa tenga ko. "Koreana ka di ba? Pwes hindi ka bagay rito." Sa sobrang inis naitulak ko siya ng mahina. Lumayo ako sa kanya. Ang lapit nito sa school, at pwedeng may makakita pa sa amin dahil naka uniform pa din kami.

Hidden (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon