1: Ang Kulit!

514 4 3
                                    

First day pa lang naman, walang gaanong gagawin. Copy ng requirements, pakilala pa sa isat-isa. Buti naman may lumapit sakin. Nalipat din kasi siya, at nasa ibang room ang kaibigan niya.

BREAKTIME.

Lumayas sa tabi ko si Mr. Asungot.. Ang mean ko ba?

I mean si Jay pala, ayon sa pagkakasabi niya sakin pero hindi ko pinansin, ni hindi rin ako nagpakilala sa kanya. :P

"Hi, Dianne Angeles nga pala. May kakilala ka na dito?" Tanong niya, nagulat naman ako dahil biglang lumapit sakin. Tinititigan ko lang kasi yung salamin ko.

"Uhh, hello.. Yoona Hyu." Umiling lang ako, wala naman talaga kasi akong kakilala.

"Ahh, yung half korean. Marunong ka naman magtagalog di ba?"

"Yup, I grow up in the Philippines. Pero marunong naman ako ng korean."

"Buti naman, kasi baka mahirapan akong makipagkaibigan. Dudugo ilong ko sayo. Pero nga sa isang linggo, kailangan na nating mag-english kahit sa labas ng room. Basta wag lang mahuhuli ni sir .." lumapit siya sakin, at parang bubulong. "dragon."

Napangiti naman niya ko. Nakaktakot kasi talaga yun, tapos physics teacher pa. Kapag minamalas ka nga naman, hindi naman siya english teacher e.

"Hahahah, sinabi mo pa. Friends?" Inextend ko yung kamay ko. Kinuha naman niya at napansin niya yung nasa table ko.

"Oh, anong nangyari diyan? Malabo ba mata mo." Umiling ako.

"No, eh kasi nakakainis yung nakaupo diyan, Inapakan kanina at hindi man lang pinulot para sakin. Si Del Avedra." Kinuha ko yung salamin ko, at inilagay sa lalagyan. Yung mukha naman niya parang gulat na gulat.

"Bakit??" Tanong ko.

"Wala.. Bakit ka pa nagsasalamin, tsaka bakit ka pa nakaipit. ( Yung ipit ko nga pala, half lang ng hair. Basta. yun na yun, yung medyo nakalugay yun.) tsaka, bakit high socks pa, para ka tuloy anime. Choss!"

"Hahah, wala lang ewan ko din eh." Sa lahat ng ayaw ko pinapakiaalaman ako, hayaan mo na nga. Sanay na naman ako sa mga kaibigan ko e. Sa kanya pa kaya.

"Kain tayo, gusto mo? Nagdeal kasi kami ng mga kaibigan ko, twing lunch na lang kami magsasabay sabay." Tanong niya sakin. Wow, parehas lang pala kami.

"Sure, parehas pala tayo. Ganun din kami ng mga kaibigan ko e. Tara." Lumakad na nga kame papuntang canteen. Nakita ko na naman yung tatlong lalaki na nagtatalo. Yung tatlong sikat na lalaki,sila yung sikat na banda na tumutugtog sa school namin. Ka batch ko din sila. Teka? Bakit wala na yung vocalist nila?

Pumila na kami at nauna naman akong matapos bumili. Binili ko lang yung hotdog sandwich at Chocolait. Hinintay ko si Dianne matapos, sa hindi maiwasang maging tismosa na din nakinig nako.

"Bakit di man lang nagpasabi si Ayan? Naku! Eh di wala na tayong vocalist? Saan tayo kukuha ngayon. Siya pa naman ang sikat dito. Nakakaasar na ha!" Sigaw ni James.

"Ewan ko dun sa lalaking yun, bigla bigla nagtrasfer ng school." Sabi ni Daniel, sabay inom nung coca-cola in can.

"Hayaan niyo na nga siya, we'll be having audition. Anong gusto niyo girl o boy pa din?" Ngumiti naman si Kristoffer at iinaas taas yung kilay.

"Ayos yan Kris! Babae kaya? Tingin niyo?" Sabi ni James.

Siya si James Angelo Castillo, kamukha siya ni James Reid ng Goodvibes. Crush pa ni May. Electric guitarist ng bandang INFINITY, astig yung name nila noh?

"Baduy mo pre, para lang sa babae. May kilala ako, yung Xian 2nd yr." Sabi naman ni Daniel.

Si Daniel naman ang Bass guitarist nila, ang gwapo kaya nun. Pero hindi ko crush, kung may magkakacrush diyan si Alexis na. Tipo kasi niya yung mga ganun. Pero I wonder, never kasi niyang tinilian yun. Rocker's din yung babaeng yun e, she can play drums. Siya si Mike Daniel Arada, naging classmate namin siya nung 3rd yr, kamukha naman niya si Daniel Padilla.

Hidden (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon