Sa wakas at uwian na, and this time magkakasabay na ulit kami pag-uwi.
Ako lang naman ang naiibang way,sa kanan sila lahat at ako sa kaliwa. Malas ko naman at wala akong makasabay.
Malaki na ko, sus.
Bago pa ko umuwi, bumili ako ng bago kong salamin doon sa may tiangge na parang palengke kasi araw araw namang bukas.
At ayun na nga umuwi na ko, lemme introduce my family. BIG FAMILY !
Dahil hapon naman, nadatnan kong nasa bahay na silang lahat. Si Papa pa lang ang wala, kasi his working in Makati, engr po siya.
"Oh, maghain ka na kakain na tayo." What? Kakadating ko lang? Ganyan naman si Mama sakin e, eh paano naman yung kapatid kong si Phoebe na nanonood lang ng TV, habang kumakain pa ng chichiria? Bossyy. I hate her.
Dali dali akong umakyat ng kwarto ko at nagpalit ng pambahay, di naman gaano kalakihan ang bahay namin. Sakto lang.
"Oh, princess? Kumain ka na ba, kain tayo." Ayan si kuya, naglalaro na naman ng DOTA, ng LOL na walang kasawa sawa at halos simula pa nung highschool nilalaro na niya.
Si Kuya Zae yun, isang graduating na computer engineering. Ang tanong, gagraduate na ba siya? Di man lang gumagawa ng Thesis . Tsk.
"Anong ulam ate Yoona, ate tulungan kita ako maglalagay nung kanin." ayan si bunso, si kuya Macoy, gusto kasi niya ang tawag sa kanya kuya din.
"Syempre naman, ang bait talaga ng kuya Macoy." Talagang nilakas ko pa boses ko, hahah. Paparinig langs.
"Yoona, yung libro peram na ha!" Ayan na naman si boss phoebe, este princess pala. Di man lang ako tulungan. Pshh, ungas.
"Kunin mo, bahala ka na maghanap, wag mong guluhin gamit ko.....(ungas)" Dali dali akong pumunta sa kusina, ang bilis ng bunso ko, 9 years old palang siya. Sipag sipag.
Nakita ko naman si Ate Shin, bumaba ng hagdan. Kakagaling lang niya sa trabaho, graduate na kasi siya at nurse na siya, ang saya di ba? Sa DOH nga pala siya nagtatrabaho. :)
Nang nakahain na kami ni Bunso, tinawag ko na sila. Si Mama nasa labas pa at nagdidilig ng mga halaman, 5:30 palang naman kasi.
Dali dali akong kumain, alam niyo ba na ako lang naman ang paghuhugasin ng pinggan. Kainis, eh pagod nako. Umakyat na ako at nagexcuse, kunwaring gagawa ako ng assignment.
Hindi ko nga pala dinadala yung cellphone ko sa school, ayoko kasi baka magalit yung teacher. Pero pwede naman samin yun, basta for emergency lang.
Kinuha ko sa ilalim ng unan ko, as usual. Nako! Wala namang magtetext sakin. Hindi ko kasi pinapamigay ang number ko. Sa mga kaibigan ko lang, yung tatlo. Yung tatlo lang talaga nakakaalam.
Pero pagtingin ko sa cellphone ko.
"35 message received? Ano to himala? Baka sina Kris lang siguro." Di ko na binasa at tuloy lang ako dun sa pagbabasa nung libro ko na about 'fashion'
At sa ilang ulit pa na tunog ng cellphone ko na ang ringtone e..
"Mun ja wa shong, mun ja wa shong!" Sa may secret garden, cute korean na palabas. :D
Tinignan ko uli yung phone ko.
"45 text message received!??"
"ARGGH! Sino ba to, nantatadtad." Nagulat naman ako na puro unknown numbers lang, at hindi lang yun. Marami ito, hindi lang isang tao.
From Unknown number (no.1) Ayan sinave ko pa yung number ha.
"Hi, can you be my textmate?" At sino naman ang hunghang na to na nagtetext sakin! MAgsasayang lang ako ng Load!
BINABASA MO ANG
Hidden (ONHOLD)
Fanfiction"A count of 1,2,3... I dont know how I fell in love with you. Even if I'm wrong searching along my First Love" -LOVE RAIN + TBYD Inspired :) @Yanabeib May 2012