--The Most awaited flashbacks--
"lumalaki na po ang bilang ng mga pintalsik, dahil sa pagsulsol ng mga ito sa mga taong maging ka anib nila. Ano po ang gagawin natin? Dhil kapag pinagsawalang bahala po natin ang lahat ng ito ay baka dumating ang panahon na walang ng tao dahil sa puro makasalanan na po lahat." pagtatanong ko sa Kanya.
"Ipatawag mo ang namumuno ng mga pinatalsik at tao, may pagpupulong na magaganap," utos nya na agad kong sinunod.
Nang makalap ko na ang magka ibang lahi, nagsimula na ang pagpupulong.
"Sa kadahilanang nagiging ganid ang mga iba sa inyo...
Gagawin kong madali ang lahat...
Ang mga Fallen Angels ay magiging Vampires upang maging dependent sa mga Tao dahil kelangan nila ang Mga dugo nito. Kung iniisip niyo na magiging mas mainam ito sa mga Vampires nagkakamali kau. Makakainom lang ng dugo ang bawat Vampires sa bawat Tao na nakatakta sa kanila. Isang bampira para sa isang tao. Hindi makakapasok sa ibang mundo ang isang tao o bampira na hindi pa mated. Sa madaling sabi, lahat ng mga unmated ay maghihintay lang na makapunta sa kabilang mundo kapag mated na sila. Sa kada lalabas ang pulang buwan sa kalagitnaan ng bawat taon, may isang pares ng isang bampira at isang tao ang magiging isa. Ang napiling isang bampira at tao ay ayon sa panaginip ng mga babaylan gabi bago lumabas ang pulang buwan kinabukasan. Magiging isa ang isang pares kapag dumaan sila sa kanikanilang lagusan sa gitnang parte ng mundo na naghihiwalay sa dalwang mundo. Ang itaas na mundo ay tatawaging World of Glen na para sa mga tao at ang ibabang bahagi ay tatawaging World of Dale na para sa mga bampira. At ang gitnang bahagi na naghihiwalay at nagsisilbing pagitan sa dalwang magka ibang mundo ay tatawaging LAND OF VALLEY, na syang sagrado lang sa mga napili ng mga babaylan. Kapag mated na ang bawat isang bampira, hindi na sya pwedeng uminom ng ibang dugo bukod sa nakatakda sa kanila. Kapag nangyaring uminom sya ng dugo ng ibang tao, malalason sya at ang taong nakatakda sa kanya ay ang kusang tatapos sa kanyang buhay. Mananatiling mabubuhay ng payapa ang taong iyon, ngunit tatanda syang malungkot at puro pasakit mula sa pag iisa. Ang taong para sa isang bampira ang magsisilbing BUHAY ng mga mated vampires. Simula ngayon. Yan na ang magiging patakaran..." matapos nyang sabhin iyon, nagimbal ang lahat. Hanggang sa lahat sila ay sumunod na lamang at nagsi uwi sa kanikanilang mundo.
Hanggang sa nagsalita ako matapos ang pagpupulong ", kaya po ba ganoon ang iyong bagong patakarang ipinatupad ay para hindi sila maglamangan sa isat isa?.. Tama po ako diba?.
"oo.. Hindi maganda na naglalamangan sila sa isat isa samantalang lahat sila ay mahalaga sa akin.." simpleng sabi Nya.
"kung ganoon.. Maari po ba akong makialam? Maari po ba akong manghimasok sa mga buhay nila? Sisiguraduhing ko pong malalaman nila at matututo sila kung paano pahalagahan ang bawat nilalang na mahalaga sa inyo.. Maari po bah?" tanong ko.
"sundin mo kung ano ang iyong nais, siguraduhin mo lamang na maganda at mabuti ang resulta ng pagsunod mo ng iyong busilak na adhikain para sa kanila.." pagsang ayon nya.
" maraming salamat po AMANG ZUSE"
MULA NG PAYAGAN AKO NG AKING AMA AY SINIMULAN KO NG GAWIN ANG AKING PLANO.
*****************************
si aprodite po at zuse ay mga greek god and deity, iniba ko lang ang spelling:D
dun po hango ang pangalan nila sa greek mythology.
Maraming salamat po sa mga taong sumusuporta sa story ko.
Please vomment and be my fan.
BINABASA MO ANG
Take Her Back
RomantikLove and Pain... Are you willing to love? If so, you must be willing to face pain ,too. Feel the love by feeling pain. How tough are you? Can you win my game? Love and pain. Are you willing to lose? If so, start reading:)