Level 25: THE TALE OF NINE LIVES

167 1 0
                                    

After all the drama's that I have encountered, minabuti ko nang umuwi para makapagpahinga. Habang nagpapahinga ako, napadako ang aking tingin sa book shelves at may isang librong nakapukaw ng paningin ko. Kinuha ko ito at binasa.

"THE TALE OF NINE LIVES BY ANONYMOUS"

Nakapagtatakang napublish ito ng anonymous lang ang pangalan, kahit publisher man lang, wala. It's book cover was just plain black with a picture of a rose. I opened it and read it.

"this book was prepared to reveal the reality behind the state of existence of one choosen girl.

This book was not prepared to scare the readers; nevertheless, we all know that I can't hold your emotions. As an author, my goal is to reveal the most important part of the life of the choosen girl.

This book was intended to expose the readers about the darkest side of life.

YOU CANNOT SEE LIFE, THE WAY I HAVE SEEN IT."

Nabagsak ko ang libro at napatingin ako sa mga kamay ko, nanginginig na pala ang mga ito. Napansin ko na lamang na natutuluan ito ng tubig. Napahawak ako sa aking pisngi at napagtantong mga luha ko pala iyo.

Naguguluhan ako at ganun na lamang ang reaksyon ng katawan ko sa nabasa ko, kahit panimula pa lamang ang nabasa ko. Pinulot ko ito at binuklat.

Nagulat ako ng makitang walang nakasulat sa mga sumusunod na pahina. Inisa-isa ko ang bawat pahina ngunit wala ni isang sulat akong nakita.

Pinanghinaan ako ng loon. Sinara ko ang libro at tinitigan ang book cover.

Napaisip ako. Bakit ang bigat ng librong ito? Samantalang bente lamang ang pahina nito.

Tinitigan ko ang book cover ng matagal hanggang mapansin kong it's not just a plain black cover. Parang isang madilim na walang hanggang daan na kung saan nahulog ang isang pulang rosas.

Then something came to my mind...

"Sino ang nakahulog ng pulang rosas na nagtungo sa napakadilim na walang hanggang daan? At bakit niya nais pumunta sa lugar na iyon?"

"Pero pano ko ba makikita ang pulang rosas sa isang napakadilim na lugar? Unless glow in the dark yung rosas?!"

Then napaisip ako.

"KALOKOHAN!!"

"Pero paano ko makikita ang nakasulat sa mga blankong pahina?"

"If I have a bond paper? Anong gagawin ko para maisulat ko ang mga gusto kong sabihin ng walang makakabasa? Ay hindi... Nagsulat pa ako kung ayaw ko lang din ipabasa sa iba. It doesn't make sense!!!"

Then I remember what the author said a while ago..

"You Cannot See Life, The Way I Have Seen It."

Then suddenly, Bumigat ang talukap ng aking mga mata na para bang gusto ko ng matulog.

Naramdaman ko na lamang na nadaganan ng kamay ko at ulo ko ang makapal na libro.

*****************************

Salamat sa mga nagbabasa:)

may part 2 tong chappy na toh..

Kayo na bahalang mag imagine ng mga pangyayari..

Hindi po ako marunong mag edit ng pix at mag gawa ng videoxD

God bless

Take Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon