level 24: part 2

231 1 0
                                    

“Mommy! Mommy! Mommy! I want to play.. I want to play..,” patalon-talon na wika ng munting bata sa kanyang ina.

*DU! DUG! DUG! DUG! DUG!*

Nagulat ang ina sa naramdamang kaba, sa takot niya’y napayakap sya ng mahigpit sa kanyang munting pitong taong gulang na bunsong anak.

“Bakit mommy?” nagtatakang tanong ng bata sa ina.

“Wala, gusto lang kitang yakapin.. masama bang yakapin ko ang pinakamamahal kong bunsong anak?” tugon ng nakangiting ina ngunit ang ngiting ito’y hindi umaabot sa kangyang mga malalamlam na mata.

“Anak, may nais akong ikwento sa iyp. Making kang mabuti huh..” masiglang sabi ng babae sa anak.

“Ano po yon?” tanong naman ng bata.

“Tungkol ito sa walang hanggang pag-ibig ba susubukin ng kapalaran at panahon ng dalawang tao.. at ang wlang katapusang pagmamahal ng dalawang ina sa kanilang mga anak.” pahayag ng babae. Nang mapansin seryoso ang anak sa pakikinig sa kanya ay pinagpatulo’y na nya ang nasimulang pagsasalita.

“May dalawang ina ang maluwag na tatanggapin ang kanilang kapalarang maibigay ang buhay na dapat para sa isang munting anghel na syang magbibigay ng liwanag at pag-asa sa lahat----“ napatigil babae sa pagsasalita ng yakapin sya ng mahigpit ng anak na parang alam nitong ito na ang panahong kinakakatakotan nito. Hindi maiwasang mapaluha ng babae sa tagpong iyo. Masakit na iiwan niya ang batang ito na syang puno ng pagkapoot at pagkabunhi ang nasa loob ng puso.

Napangiti sya ng mapait saka muling nagsumamo sa anak,” PROMISE ME! PROMISE ME.. that my beloved son will not waste my sacrifice.. please..”

Nakuyom ng bata ang kanyang mga kamao. Sadyang labis na ang poot at galit na nararamdaman nya sa puntong ito. Para sa isang pitong gulang na anak, ang iwan ng ina para sa ibang tao ay kalabisan. Ngunit wala syang magagawa, alam nyang wla na syang magagawa. Ni kailanman hindi nya lubos maisip na ang babaeng nagsilbing ilaw nya sa madilim nyang buhay at mamatay na.  Tuluyan na syang masasakop ng dilim ng kanyang pagkatao. Nanlilisik at puno man ng galit ang kanyang mga mata ay pinili nyang manahimik na lamang.

“Tumingin ka sa akin.. Luciff” wika ng ina sa kanyang ina.

“This piece of pendant in my necklace, kapag nakita mo itong muli ng buo kasama ng kapareha nito, sya na ang munting anghel na sinasabi ko. Ang batang babae magiging liwanag sa madilim mong mundo,  ang tala na syang gagabay at magtuturo sayo ng daan para maka alis sa dilim ng iyong pagkatao. Ang munti anghel na makakabigay ng walang hanggang pagmamahal sa iyo higit pa sa pagmamahal ko. Just promise me that you will do anything and everything just to be with her, FOREVER. “ naluluhang sabi ng ina sa anak.

“You know that I cant do that. How can I do that if she takes my one and only mom away from me” sabi ng bata.

“but..”

“But I will do my best to try .. to atleast give a try.. for my mother.. for you..” wika nito sa ina sabay yakap ng mahigpit.

Mahigpit at puno ng pagmamahal silang pinagsaluhang ang huling yakap nilang mag-ina.

At di nagtagal, dumating na ang oras.

“Goodbye.. my beloved son..” paalam ng ina sa kanyang anak.

Naiwang walang kibo ang bata habang tinatanaw ang lagusang pinuntahan ng iba.

At di nagtagal, nilamon na sya ng lungkot at hindi na napigilan ang mga luhang kinikimkim kanina pa.

“EVERYBODY SHALL DIE. EVERYBODY WILL DIE! ” sigaw nya.

Lingid sa kaalaman nya ay may isang bata pang nakasaksi at nakarinig ng lahat, at ito ay walang iba kung hindi ang kanyang kuya na syang kakambal nya, si Lucifero.

Ramdam nya ang poot at labis na kalungkutan ng kanyang kapatid, nais nya itong damayan ngunit hindi maari, dahil na rin sa bilin ng ina.

“Lucifero, no matter what,  don’t do anything stupid to ruin my sacrifice. Promise me..” bilin ng ina nya.

Tumango na lamang sya bilang pagsang- ayon.

“Don’t worry, your brother will be fine. Just trust in him.” Dugtong nito.

Iyon na ang huli nilang pag-uusap ng ina.

At muli nyang tinignan ang kalagayan ng kanyang kapatid ngayon.

“I trust in you, brother. I trust you, Luciff and the little angel that will save you and everybody” wika nya.

Take Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon