This is a work of fiction. Any name, place, or scene that may fall under similarity of usage between other stories is purely coincidental, and such is mainly based on the writer's imagination.
This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner without the expressed consent of the writer, except for the use of brief quotations coming from this book which can be shared on any platform suitable for your audience.
Please always read at your own risk. Thank you and God bless!
***
"Time of death, 9:03 PM." Those were the last words I heard before my heart skipped the beat permanently.
Sobrang nakakatakot at nakalulungkot yung ideya ng pagkamatay, 'no? Lalo na't wala namang handa sa kakalabasan ng wakas ng buhay nila. And it sucks to be cursed with the knowledge of our own mortality.
May katotohanan nga siguro talaga yung paniniwala na ang nalalabi mong mga oras sa huling sandali ay naglalaman ng mga memoryang iyong pinamalagian habang nasa ibabaw ka pa ng mundo.
Mula sa una mong pag-iyak, pag-bigkas ng mama at papa, unang gapang, unang beses na sinubukang tumayo at lumakad nang pa-gewang-gewang, at ang una mong pagbagsak mula rito.
Mula sa pagkatuto mong mag-kulay, mag-sulat, mag-basa, unang araw sa eskwelahan na may dalang takot sa dibdib dahil masyado itong bago para sa koleksyon ng iyong karanasan. Pati na rin ang nginig na nadama mo nang magalit ang iyong guro dahil ang silid-aralan ay napuno ng ingay na umaalingasaw hanggang kabilang daan.
Hanggang sa ika'y nasa highschool na't mas tumindi ang iyong temptasyon sa iba't ibang bagay na hindi mo lubos maisip na magagawa. Naroon din yung mga kaibigan mong kasama mo sa pag-tawa at pag-luha. Buhat mo 'yun hanggang sa sambitin ang huling pamamaalam dahil malapit ka nang gamitin ng realidad.
"What's your wish for me, ducky momo?" My bestfriend asked while in tears. He always calls me ducky momo because I quack like a mom all day trying to be the protective person that I am.
"Just take care of yourself. And never let your doors closed for great opportunities, or new people." Ngumiti ako nang mapait sa kaniya. I know for sure that this will cause him so much pain, aabot sa punto na baka i-isolate niya ang kaniyang sarili sa lahat.
Nagpakawala siya ng nakakadismayang buntong-hininga bago sinubukang ngumiti kahit ramdam kong pilit lang 'yun, "Para mo naman akong iiwanan na panghabang-buhay."
I chuckled, "Hindi ba't doon din naman ang punta ko? Di mo alam, bukas makalawa, wala na ako."
Hindi siya nagsalita ngunit dama ko ang kalungkutan niya mula sa likuran ko. Pumikit ako nang marahan at ninamnam ang hangin na dumadampi sa balat ko. Mami-miss ko 'yung pakiramdam ng hangin, at ang view sa aking harapan.
"This will probably be my last sunset with you," I said without hesitating. Hindi na naman siya nagsalita, "My favorite memory of you at least."
We're on top of a not-that-high hill. Hawak niya sa isang kamay ang sandalan ng aking wheel chair samantalang ang isa ay nakasuporta sa IV stand.
BINABASA MO ANG
a trip back to you [on-going]
FantasyYou have a short life to live, kaya make the most of it, ika nga nila. Pero paano kung hindi pa ako handang umalis? Paano kung hindi pa sapat ang oras na mayroon ako para umalis nalang bigla? Do I still have a choice to make a turnaround by any chan...