labinglima

1.3K 56 49
                                    

"Malapit ko nang matapos bayaran ang tuition ni Hanami for this semester, nay." I gave her a big smile while combing my hair using my hand.


Inayos ko ang pagkaka-tuck in ng cerulean long sleeves ko sa aking white ankle chino pants. I had the time to buy some clothes since I earned extra amount of money last week because of my good work in providing quality photos. Nahiya nga ako kay Damaro dahil halos lahat ng shots na naaprubahan ng committee ng design management ay galing sa kaniya. But, he told me not to worry about it.


"Salamat talaga, anak." Niyapos ako ng nanay ni Hiraya from my back. I embraced her hug like she is my real mother.


"Papasok na po ako, nay. May kailangan pala si kuya Hanako, para sa computer parts daw?" Tanong ko.


"Ay oo, anak. Naku, pabayaan mo siyang gumawa ng paraan sa sarili niyang problema." I tilted my head slightly before giving her a bit of my smile.


"Nabigay ko na yung pera, nay. Konting halaga lang naman po 'yun kaya pinagbigyan ko na." Kahit labag man sa kalooban ko, binigay ko pa rin 'yun dahil kailangan niya raw for online streaming. At least daw eh susubok siyang kumita sa ganoong paraan. Hinayaan ko nalang at hindi naman ako mamamatay sa halagang hiningi niya.


Nagpaalam na rin ako sa kaniya dahil may pasok pa ako. Mabuti nalang at hindi formal attire ang kailangan kong suotin sa opisina ngayon. It's a casual day and we were given the freedom to choose what to wear since wala naman kaming totally gagawin sa trabaho.


Nag-aabang ako ng masasakyan nang may pumarada sa harapan ko. Binuksan niya ang side window niya at bumungad sa'kin ang iritableng mukha ni Damaro.


"Why are you here? I told you not to pick me up. Sayang kaya sa gas." Tugon ko.


"Ayaw mo? I'll leave then." Aktong papaandarin niya na ang sasakyan nang humawak ako sa pintuan ng sasakyan niya.


Binuksan ko iyon at iritang pumasok sa loob. It has been a month since the last time I offered him a friendship. Days have passed so fast, hindi na namin namalayan na we're at this moment of establishing a good company with each other. Utang na loob ko pa sa sarili ko bilang si Acacia ang lahat ng ito, but I have to act differently, which took me quite a few times to make adjustment but now we're here.


"Napakaarte. Bakit mo ba 'ko sinundo?" Tanong ko.


"I just happened to pass by your place. My dad asked me to pick up some packages near this area, so." He raised his brows two times before looking at me with a grin formed on his lips.


"Sus, crush mo ako 'no?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"I'll never have a crush on someone tucking his shirt in so high." Pang-aasar niya.


Tinignan ko ang suot ko at ayos naman ito dahil sa disenyo ng chino pants, "Good point. I'll never have a crush on someone who wears pullovers to work though." Ibinalik ko sa kaniya ang mapang-asar niyang tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon