ikawalo

643 53 3
                                    

"One Large Cold White Brew for Big Bambino!" Tumayo ako at pumunta sa counter para i-claim ang order kong kape. Well, it's not really for me because I ordered it for Damaro. I woke up earlier than usual now because I am trying to rework on my body clock. Wala nga pala ako sa katawan ni Acacia kaya kailangan kong i-adjust ang gising ko para sa trabaho ni Hiraya.


"Big bambino, sir? Lalaki po jowa mo?" Nakangiting tanong ng barista na ngayo'y binabalot ng tissue yung coffee drink. Kumunot ang noo ko sa kaniya. 


"And how is that related to my cold white brew coffee?" Balik na tanong ko. Etong si ate girl, lakas maka-morning talk show sa pagka-chismosa.


Maaga pa masyado para masira agad ang araw ko kaya saglit akong nag-isip at sinuklian ang ngiti niya ng pilit na tawa, "For a bestfriend." Tugon ko.


"Aw bbf-zoned ka sir? Tanong niya saka siya sumimangot. Girl, pigilan mo 'ko at baka hilahin ko buhok mo dito.


"Interview ba 'to for a job application sa coffee shop na 'to? Anong next na tanong mo, sex or chocolates?" Inirapan ko siya at saka naglakad palabas ng coffee shop. Kaloka si ate girl, lakas maka-showbiz ng mga tanong. 


Pagkalabas ko, sumilong muna ako sa isa sa mga gazebo sa labas ng coffee shop. Sandali kong tinitigan ang coffee na hawak ko. 


"Is it too obvious?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa name tag ng coffee drink. I usually called him bambino because he used to smell like a big baby. But I guess he has learned something about men's perfume because he smells totally different now in a good way.


Tinanggal ko ang name tag at nilagay ito sa bulsa. Pagkadating ko sa office, napansin kong may tao sa loob ng lounge area pero hindi ko napansin kung sino 'yun dahil against the light. Maingat kong inilapag ang kape sa desk niya bago umalis ulit ng station nila at para bumalik sa department namin.


"Mr. del Rosario, are you sure eto yung ibibigay natin sa kanila? This isn't their expertise." Pag-aalalang sabi ko.


"Parang hindi ka naman sanay sa pag-modify natin ng workloads, Hiraya." Tumawa siya sa'kin kaya ngumiti ako nang alanganin.


I clicked my tongue before smiling at him, "Noted, sir." Pagkalabas ko ng office niya ay ibinagsak ko ang balikat ko sa kawalan. I am sure Damaro will be annoyed of this workload dahil ito ang pinaka-ayaw niyang ginagawa. Kung iyon ang ayaw niya, ay siya namang pinakagusto kong pagkaabalahan. 


I participated on different press conferences each year as a proofreader during highschool days kaya I really did love doing this thing. 


"How's your day going?" Nakangiti kong tanong sa mga interns pagpasok ko ng station nila Damaro. Palihim kong sinilip ang table ni Damaro kung nandoon yung binigay kong kape pero hindi ko matanaw dahil may mangilang harang. Tinapon niya kaya? Pero paborito niya 'yun!


Humanap ako ng tyempo para makalapit sa kaniya, "You're doing it wrong here." Mabuti nalang ay may nakita talaga akong mali sa ginagawa niya kaya nakahanap ako ng rason para mag-stay sandali. 

a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon