labindalawa

534 48 4
                                    

"Thank you, manong guard." Nag-bow ako sa guard na nakabantay sa pinto ng bangko nang pag-buksan niya ako.


Hinarang ko ang aking kaliwang kamay sa bandang itaas ng noo ko para hindi ako masilaw sa sinag ng araw. Tinitignan ko sa kanang kamay ang mga resibo ng binayaran ko ngayon. Due date na kasi, mabuti nalang at kaka-sahod lang namin kahapon.


I took a day off from work para magkalkal ng mga gamit ni Hiraya. I found his IDs, some of his cards, and other personal belongings. Mabuti nalang at naka-ipit ang pin ng card ni Hiraya sa wallet niya kaya madali kong na-figure out kung paano ito bubuksan. 


Sa card ni Hiraya, malaki-laki na ang kaniyang naiipon, dahil ang perang ito siguro yung tinutukoy ni Spongklong na ipon para sa transplant ng nanay niya. 


Binuka ko ang wallet ko at bumungad sa'kin ang dalawang libo, mangilan-ngilang isandaang piso at mga bente. Hindi ko naman pwedeng gastusin ang perang nakalaan sa pampagamot ng nanay niya. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad papunta sa pila ng mga tricycle. 


Naubos ang buong sweldo ko sa monthly bills ni Hiraya. Tama nga si Spongklong na sapat lang ang kinikita ni Hiraya sa trabaho para matustusan ang lahat ng pangangailangan nilang pamilya. Ang may pinakamalaking halaga lang naman na binabayaran ni Hiraya ay yung bahay. Nakaka-dalawang taon palang si Hiraya at mayroon pa siyang apat na taon para makumpleto ang buong payment.


Kakayanin ko kaya? 


Pagdating ko sa bahay, nagpalit muna ako ng damit bago bumaba sa kusina kung saan naghahanda ang nanay ni Hiraya ng pang-tanghalian.


"Anong maitutulong ko, nay?" Bungad ko sa kaniya habang nakangiti.


Binaba niya ang panandok sa gilid ng kalan at nagpunas sa likod ng damit niya. Nginitian niya ako pabalik at inabot sa'kin ang isang tangkay ng malunggay leaves.


"Himayin mo 'to, anak. Paborito mo 'tong lulutuin ko." Sabi niya. Luminga ako sa gilid ng kalan at napansing tinolang manok ang kaniyang hinahanda. Namuo ang ngiti sa labi ko nang makita ang galak sa mukha ng nanay ni Hiraya.


Hindi ako kumakain ng tinola dahil hindi ko gusto ang lasa nito. Parang tubig lang kasi nito na hinaluan ng luya. Pero dahil luto ito ng nanay ni Hiraya, at 'yun ang paboritong ulam niya, kakainin ko ito nang walang pag-aalinlangan.


Habang naghihimay ako ng malunggay leaves, humila siya ng upuan, "Marami bang gawain sa trabaho, anak?" Tanong niya. Nagulat kasi siya kanina nang magsabi ako na hindi muna ako papasok sa trabaho ngayon.


Sa loob ng dalawang linggo, sobrang na-drain ang energy ko sa tagal ng oras na nasa opisina kami. Mabuti nalang at pinagbigyan ako ni Mr. del Rosario. Hindi ko na naiparating sa kaniya sa pormal na paraan, ipinasabi ko nalang kay Spongklong at siya na raw ang bahala.


Sa totoo lang, hindi naman talaga ako kumuha ng day off para magkalkal ng kung anu-ano sa bahay nila Hiraya. Ginawa ko 'yun dahil napagod ako sa sobrang dami kong emosyong naramdaman. Hindi pa rin maalis sa isipan ko yung mga salitang binanggit ni Damaro kagabi dahil hanggang ngayo'y nararamdaman ko pa rin ang pagtagos nito sa aking sistema.

a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon