Nilibot ko ang aking paningin. Sinusubukan kong alalahanin kung napadpad na ba ako sa lugar na 'to dahil hindi siya mukhang familiar sa'kin.
Mabuti nalang at may mga taxi sa paligid kaya hindi rin ako nahirapang sumakay, "Aventurine Subdivision, manong."
Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Habang nasa daan, iniisip ko lang kung ano ang kasalukuyang sitwasyon sa bahay namin. Was I buried down already? Or people are still mourning over me?
Pagkababa ng taxi, naglakad ako papunta sa direksyon ng bahay namin. Nang makita ko si mommy, automatic na tumulo ang mga luha ko sa mata. I covered my mouth using both of my hands to prevent myself from making a sound while crying.
"Mommy.." Mahinang sabi ko sa pagitan ng aking pag-iyak. She just smiles whenever people greet her. Maybe the funeral is still on-going. Nang mapalingon siya sa direksyon ko, napasandal ako sa puno kung saan ako nagtatago. Pigil na pigil ang luha ko. Kahit na ba nasa ibang anyo ako, feel ko hindi ko kayang magpakita at magpakilala sa kaniya bilang anak niya.
I suddenly came to a random thought. Bawal ba akong magpakilala? The voice from last time never told me about rules or such. Pagkaraan kong humiling, natupad agad 'yun. Bigla tuloy akong kinabahan, kasi minsan, ang bawat hiling natin, binabawian tayo ng kapalit.
Sumilip ako ulit pero wala na si mommy sa labas. Nakahinga ako nang kaunti kahit papaano. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at dahan-dahang naglakad hanggang sa di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
Kahit tirik ang araw, halos wala akong maramdamang init dahil nanlalamig ang buong katawan ko sa temptasyon na pumasok sa bahay at yakapin si mommy at daddy. Nasaan kaya si Narra? Baka hindi ko na talaga mapigilang pumasok once I see her lovely face.
Ilang minuto ang lumipas at hindi gumalaw ni-isang hakbang ang aking mga paa. Nanatili ako sa aking kinatayuan.
I froze like an ice when I saw my mom walking out of our house. Nagtama ang mga mata namin. Sa sobrang pagka-taranta ko, agad akong tumalikod. Nagpapaunahan ang kabog sa dibdib ko dahil sa kaba.
"Hello!" Masayang bati niya. I bit my lower lip to avoid myself from crying again. Sobrang rupok ko talaga sa pamilya. I wish I could just hug her and tell everything pero there's a strong feeling in me that urges me to retreat back on my plan.
Lalakad na sana ako paalis pero nagsalita ulit siya, "Do you want to come in?" Mahinahon niyang tanong. Itinago ko ang dalawa kong kamay sa aking harapan at kinuyom ito para suportahan ang pag-pigil ko sa pag-iyak.
"Friend mo ba si Acacia, iho?" Dagdag na tanong niya. Before turning around to face her, I let a heavy sigh to relieve myself.
"Hindi po. I was just looking for a friend's house." Ngumiti ako sa kaniya nang tipid. Sa loob-loob ko'y gusto ko siyang yapusin nang mahigpit at 'wag pakawalan ngunit napangunahan ako ng takot na baka bawiin ang buhay ko kapag may nakaalam na si Acacia, na nasa loob ng bahay at pinaglalamayan, ay nandito kaharap ang ina niya, buhay at nasa ibang katawan.
BINABASA MO ANG
a trip back to you [on-going]
FantasyYou have a short life to live, kaya make the most of it, ika nga nila. Pero paano kung hindi pa ako handang umalis? Paano kung hindi pa sapat ang oras na mayroon ako para umalis nalang bigla? Do I still have a choice to make a turnaround by any chan...