ikasiyam

559 54 4
                                    

"Just wait and I'll get some things for you." Pagkatapos ko siyang alalayan sa kama, bumaba ako sa kusina para kumuha ng malinis na pamunas at balde ng tubig.


He insisted na mag-hotel nalang pero hindi ko naman kayang isipin yung tendency na bumagsak nalang siya bigla sa daan at sa hospital ko na naman siya matatagpuan. Alam ko naman kung paano siya alagaan, dahil ginawa ko na sa kaniya 'yun dati when he was sick. Except for the part na lilinisin yung katawan niya dahil siya na ang gumagawa 'nun.


Pag-akyat ko, naabutan ko siyang tulog na. Sinapo ko ang noo niya, "Jesus, you're burning." Kinuha ko yung remote ng air-con at hininaan ito para controlled ang temperature ng kwarto. Tinanggal ko ang salamin niya at nilagay ito sa side table ko.


"Sabi ko, hintayin mo 'ko saglit. Paano ka matutulog, hindi ka man lang nagpunas?" Umiling-iling ako habang inaayos ang kumot sa katawan niya.


Tinapik-tapik ko siya para gisingin. Duh! Alangang ako ang maglinis ng katawan niya? Kadiri! 


"Damaro, wake up. Nandito yung pamunas at balde. Clean yourself up before you sleep." Mahinang sabi ko habang inaalog-alog pa rin siya. He groaned a bit and turned his body on the other side of the bed.


Lumipat ako sa kabila at inalog-alog siya ulit, "Damaro, I am not doing this." Mariin kong sabi sa kaniya habang inaalog-alog pa rin siya.


"Damaro-"


Hinawakan niya ang pulsuhan ko habang siya'y nakapikit kaya napatigil ako sa pagsasalita. Kumalabog ang dibdib ko sa ginawa niya. Tahimik lang akong nakatingin sa pagkakahawak niya habang nagwawala ang kalamnan ko. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya na ngayo'y unti-unting dumidilat.


"Do it. We're both men, for Pete's sake." Hindi! Diyan ka nagkakamali, Damaro!


Nanlaki ang mata ko at inalis ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Napahawak ako sa dibdib ko na hanggang ngayo'y mabilis pa rin ang pagkabog. Papatayin ako sa kaba nitong si Damaro, kaloka!


Sinubukan ko siyang gisingin pero tulog na ulit siya ngayon, "Sleepyhead." Napairap ako sa kawalan at saka kinuha yung balde ng tubig sa gilid.


I removed his tie, then I unbuttoned down his long-sleeves polo. Napatingin ako sa gilid nang makita ang toned body niya. Ganito na ba ang katawan niya magmula nung na-hospital ako? Kaloka, ang laki ng pinagbago.


"Kung hindi kita bestfriend, hindi ko gagawin 'to." Inis kong sabi sa kaniya. I pressed the damp towel over his chest first papunta sa ibaba. Nakatingin lang ako sa gilid at nakapikit habang nagpupunas sa katawan niya.


Sunod kong pinunasan ang mga braso niya. Bumaba ako saglit para palitan ang tubig. Pag-akyat ko, ganun pa rin ang posisyon niya at mahimbing na mahimbing ang tulog.


"Edi kung hindi ka pumayag na matulog dito, saan ka pupulutin?" Umirap ako at pinigaan ulit ang pamunas.


Sunod kong pinunasan ang mukha niya. Dahan-dahan kong dinampi ang towel sa mukha niya. Pinagmasdan ko saglit ang maamo niyang mukha bago may namuong ngiti sa'king labi, "Why didn't I ever tell you before that you have such a good face?" 

a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon