labing-apat

474 48 9
                                    

"I got the perfect shots." Napalingon ako kay Damaro na abala sa pagbabalik ng camera equipment sa lagayan nito habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa'king mga labi.


[Dapat lang, 'no! Wala nang bago doon, ikaw lang naman ang madalas nakaka-score sa art director natin.]


Tumalikod ako at kinagat ang ibaba ng labi ko. Kung hindi ako tinulungan ni Damaro, talagang hindi ko masasabi kay Spongklong na maganda ang kinalabasan ng coverage ngayon.


"Sus, maliit na bagay. Buti nga't nandito si Damaro." Napakagat ako sa mga daliri ko. He deserves to be credited as well, lalo na't halos lahat ng magagandang shots ay galing sa kaniyang kuha. Nakakahiya naman kung aakuin ko lahat ng compliments, gayong hindi naman ako ang kumilos para dito.


[Huh? Damaro? Yung intern? Tinulungan ka?! Wow, bago 'yon ah! Hindi ka naman--]


"He insisted, okay?" Pagsisinungaling ko. Nilingon ko siya at nakasukbit na ang bag sa balikat niya habang nakatingin sa malayo. 


[Insist mo mukha mo. Tirador ka ng binatilyo ah!] 


Narinig ko ang malakas na tawa niya sa kabilang linya. Napakagago talaga nitong si Spongklong, hanggang ngayo'y ayaw akong tantanan.


"Bobo mo bro, ikaw lang tinitira ko dito." Inangasan ko ang boses ko. It's the only way to fight back on his dumb ways to make me feel stupid. 


Pinatayan niya ako ng tawag kaya natawa ako. Binulsa ko ang phone ko at tinignang muli si Damaro na hanggang ngayo'y nakatingin pa rin sa malayo. Mukhang hinihintay niya lang akong matapos sa call. 


I walked energetically towards his direction with my feet bouncing on the ground. Nang mapansin niya akong papalapit sa kaniya, tumayo lang siya't hindi pa rin inaalis ang pagkaseryoso ng mukha.


"I'm heading back sa company. Are you going home na?" Tanong ko.


Tinulak niya ang kaniyang salamin paitaas bago siya tumikhim, "You want me to drop you off there?" 


"Don't give me questions as your response." Inismiran ko siya. Ibinalik ko lang ang naging sagot niya sa'kin nung minsang tanong din ang binigay kong tugon.


He scoffed at my sarcasm, "Where else can I go except from home?" Tumayo siya at naglakad paalis. Naiwan akong sinusundan ang pag-alis niya. I scoffed at what he did. Attitude?!


Minadali ko ang pagsukbit ng iba pang mga bag sa balikat ko at sinundan ang paglalakad niya. Mahihirapan nga naman akong mag-commute pabalik dahil marami akong dala. Wala na rin akong nagawa kaya sumunod nalang ako sa sasakyan niya.


Nakanguso ako habang nilalapag ang mga gamit sa back seat. Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay dumiretso ako sa shotgun at naabutan siyang nakatingin lang sa harapan at halos hindi na kumurap.


Pumalakpak ako ng isang beses, dahilan ng pagbaling ng kaniyang atensyon sa'kin, "Shall we go?" Nakangiti kong sabi. Bumuntong hininga lang siya nang marahan bago niya pinaandar ang sasakyan.

a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon