sampu

541 57 3
                                    

Ilang segundo na akong nakatingin sa salamin. Pinagmamasdan ko ang sarili ko kung okay na ba ang suot ko or baka naman overdressed na ako.


"It's just a dinner, Acacia." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa sarili.


Why would he ask me for a dinner though? Oh my, "Hindi kaya narinig niya 'ko kagabi?!" Napahawak ako sa bibig ko. Posible 'yun, pero imposible rin. Ang himbing ng tulog niya kagabi at ang lakas ng hilik, kaya hindi niya maririnig lahat ng mga sinabi ko.


I shook my head to erase the thought, "Maybe, he was just thankful. That's it." Iyun nalang ang inisip ko habang tinitignan ang sarili.


I scanned my overall look. Kaunti lang ang pagpipilian sa mga damit ni Hiraya. Halatang hindi siya mahilig bumili ng para sa sarili niya dahil wala akong masyadong nakita sa closet niya. Isa pa naman ang fashion sa pinaka-kinahihiligan kong pagkaabalahan. 


I was just wearing a light blue long-sleeves I improvised from a corporate attire I wear on office, which I tucked in to a black above-the-knee shorts, paired with a jet black loafers. 


Naghalungkat pa ako sa cabinet ni Hiraya kung mayroon siyang iba pang accessories maliban sa silver niyang relo. Mabuti nalang at nakakita ako ng plain black knot bracelet na bumagay sa suot ko.


I clicked my tongue and posed in front of a mirror. Pagbaba ko, nakasalubong ko si Hanako sa sala.


"Naks. May gimik?" Sarkastikong tanong niya.


"None of your business, sir." Magalang na tugon ko.


He scoffed at me. Lumapit siya sa'kin para itaas ang kwelyo ko, "Anong sabi mo?" Galit na tanong niya.


Nginitian ko siya at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. Ilang beses ko 'tong pinlantsa tapos kukwelyuhan niya lang ako?


Inayos ko ang kwelyo ko at saka ibinalik ang atensyon sa kaniya, " Ang sabi ko, get a life, sir." Tinapik ko ang balikat niya bago lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagsuntok niya sa pinto dahil sa inis. 


The only way I can think of is to ride on Hanako's trip as well. I'm pretty sure he'll get tired eventually. If he could pick up random fights with Hiraya easily, I won't let that happen now that I'm the one in control.


Nag-abang ako sa labas ng bahay dahil sabi ni Damaro, susunduin niya raw ako. I told him na magko-commute nalang ako, but he insisted at sayang daw sa pamasahe.


I looked at my phone when I heard it beeped a sound. Nakita ko ang message ni Spongklong. Hanggang sa text, hindi ako nilulubayan. Napailing lang ako at hindi nalang nagreply.


Maya-maya'y may bumusina sa tapat ko na pulang kotse. Binaba niya ang side window niya at sinenyasan akong sumakay. 


"Hey." Bati ko sa kaniya. Tumango lang siya at nagdrive paalis.


a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon