ikalawa

1.2K 78 23
                                    

"A-ANAK NAPAPANO KA?!?!" Bungad ng babaeng may katamtamang tinis na boses na kakapasok lang sa kwarto. 


"Bakit ka nagsisisigaw, Hiraya? May masakit ba sa'yo?" Umupo siya sa tabi ko at sinapo ang bawat parte ng katawan ko upang i-check kung may lagnat ba ako o ano.


Hiraya?


"W-wala po." Mahina kong sabi. Napatakip agad ako sa bibig ko nang marinig ko ang sarili kong boses. Shet ang lalim, punyeta. 


"Sigurado ka ba?! Baka kung ano na 'yang nararamdaman mo. Dalhin na ba kita sa hospital?!" Mabilis akong umiling at nilingon ang kaniyang mukha. 


"I'm okay, mommy." Napaawang ang bibig niya at tinitigan ako saglit bago kumurap nang tatlong beses. May nasabi ba akong mali?


"May sakit ka nga yata anak." Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang ulo ko at nilibot ito upang suriin muli, "Wala ka namang kahit anong sugat. Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka gusto mong ipa-check na natin 'yang ulo mo? Naku! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Masyado mo kasing pinapagod ang sarili mo sa trabaho! Kung ganyan lang din naman ang mangyayari sayo, eh tutulong nalang ako para-" 


Hinawakan ko ang mga braso niya para alisin ang pagkakahawak sa ulo ko, "I'm really fine. Can you.. leave for a bit? Mag.. m-mag-aayos lang ako ng sarili." Mahina kong tugon habang kinakabahan.


Bakas sa mukha niya ang pagtataka habang dahan-dahang tumatayo. Magsasalita pa sana siya pero sinenyasan ko siya na lumabas na muna kaya hindi na rin siya pumalag. 


As soon as she got out of the room, napasapo ako sa aking noo at sumipa-sipa sa kama, "What the hell is going on?" Pabulong kong tanong sa aking sarili.


Napalingon ako sa gilid ko nang may tumunog. Cellphone niya siguro. Bawat tunog yata na naririnig ko, kumakalabog ang dibdib ko sa 'di maintindihan na dahilan. Lumihis ang tingin ko sa bote ng gamot at sa aking pagka-curious, inabot ko ito. 


Sleeping pills? May problema siguro sa pagtulog 'tong si Hiraya. Agad ko rin naman iyong nilapag at luminga sa paligid.


Dali-dali akong tumayo at tumapat sa salamin na nakita ko sa gilid ng study table. Kinapa-kapa ko ang physical features ko at inusisa itong mabuti.


"Girl, ang face mo." Kinapa ko ulit ang buhok kong may katamtamang kapal. Sunod ay ang makapal na kilay, at makapal na pilik-mata. Bakit ang unfair naman ng buhay? Noong nasa katawan ko pa ako, araw-araw kong tinatyaga yung pagkikilay at paglalagay ng mascara para lang kumapal ito. Daig ko pa yung literal na nagsusunog ng kilay kasi mas makapal pa yata ang buhok ko sa ilong kaysa kilay ko. Samantalang itong lalaking 'to, effortless kung effortless?!


Pinadulas ko naman ang isang daliri ko sa aking ilong, "Ang tangos ng ilong.." Kinapa-kapa ko rin ang labi ko. Lumingon ako sideways only to see my jawline na galit na galit. 


Grabe, pwede ko nang pakasalan ang lalaking ito kung buhay lang ako. 


a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon