ikaanim

683 56 8
                                    

Naglalakad ako na nakabusangot dahil sa gustong mangyari ni Mr. del Rosario. Surely the CEO does not want anything like this to happen. I mean, it would be unfair for most of the interns na nangangarap makakuha ng trabaho dito. A good portfolio must not be the basis alone to scout someone out of their potentiality.


I pushed the glass door of the lounge area at nabigla ako dahil nakapwesto si Damaro sa isa sa mga tabletops. How would I know? His back and his hair look so obvious, at least for me.


"H-how are you?" Maski ako ay nagulat sa sarili kong tanong. Sobrang awkward kasi bigla. Hindi naman kami ganito dati. I would normally poke his head o kaya'y kukulitin ko sa kahit anong paraan. 


Now, we're like strangers. Back to nothing.


But at least, I get to see him everyday. Dapat ko bang sabihin sa kaniya na Mr. del Rosario asked me to handle him well? Baka ma-pressure siya at hindi magtrabaho dito kahit na pangarap niya naman talaga. Maybe, I should not.


"Sobra. Parang isang pangarap, 'no?" My mouth just doesn't want to stop talking or at least make a clue for him. Hindi ko mapigilan ang bibig ko. Kasi sa ganitong paraan, pakiramdam ko'y maaaring maramdaman niya ulit yung presensya ko kahit alam niyang wala naman na talaga ako.


"I assume that you have already done your work, which means you can go home now since tapos naman na yung uubusin mong oras for today." It took me a lot of courage to say it. Hindi ako lumingon sa kaniya dahil ayokong mahuli ang mata niya at baka makulong ako. There's definitely something wrong with me pero hindi ko ma-recognize 'yon.


I said that para makaalis na siya. Kahit na malawak ang lounge area, pakiramdam ko'y para kaming magkadikit dahil parang sumikip ang kinatatayuan namin at kaming dalawa lang ang magkasama. Ganung pakiramdam, malawak ang kwarto, pero masikip para sa aming dalawa.


"Yes, sir. Thank you. Please excuse myself." Hindi ko alam at may itotodo pa pala ang kagagahan ko dahil nakatingin siya ngayon sa braso niya na hawak ko. This isn't something that strangers normally do! Pero ang tanga ko dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Nagpupumilit itong kumawala sa dibdib ko.


Masama na bang iparamdam sa kaniya na nandito ako sa harapan niya, buhay at humihinga? Dati, it feels good when I feel his presence. Ngayon, it feels like a sin to say a word to him.


Tinapik-tapik ko siya para hindi niya isiping may balak ako o ano. Malamang ay nag-iisip na 'to dahil mas magaling siyang kumilatis ng tao. He would probably think that I am hitting on him!


"No, thank you." Sa sobrang dami kong gustong sabihin, tulad ng pagpaparamdam na nandito ako muli, at ang pagsabi ng mga gusto kong sinasabi sa kaniya noon kapag magkasama kami, tanging maikling pasasalamat lang ang lumabas sa bibig ko. Gustuhin ko man, pero I can't risk this new life of mine just because of a mistake done through uncontrolled emotion regulation.


Pagkaalis niya ay naiwan akong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. One time, I died and asked for a second chance to live because I believed that I was never true to my feelings. Ngayon naman, tiklop ang bibig ko. 

a trip back to you [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon